PROLOGUE

34.8K 597 44
                                    

"Congratulations!"

I hugged Calynn pagpalabas niya ng kwarto nila. Naka-ayos na siya at nakagown na rin. Kakatapos ko lang mag-ayos, nakapagbihis na rin ako. Her motif is beige and I am wearing an off shoulder beige long dress. Iyong buhok ko naman ay simpleng nakacurl lang at naka-ipit mula harap papunta sa likod. Ganoon pa rin naman, hanggang balikat pa rin.

"Thank you, Nat." I let go of her. "Si Lian?"

"Sa simbahan na raw didiretso, sasabay kay Drew." sagot ko.

"Aw. Paano tayo makakapagpicture?" she pouted.

Lumapit sa amin si Addie na kanina pa nakaupo sa couch. "Okay lang 'yan. Sa simbahan na lang." inayos-ayos niya 'yung buhok ni Calynn. "Ganda mo," she jokingly slapped Calynn gently.

"I'm nervous." napahawak pa si Calynn sa dibdib niya.

"Huwag kang mag-alala, ito rin." tinuro ako ni Addie. Inirapan ko na lang siya.

"Tara na raw?" tumayo si Elly mula sa upuan sa dining habang nakatingin sa phone. "Nandoon na raw 'yung groom mo."

"OMG!" Calynn covered her mouth with both of her hands. "I'm excited. I'll see you there, guys." bumeso-beso siya sa aming tatlo bago lumabas. Iba kasi 'yung sasakyan niya, iyong bridal car niya.

"Kinakabahan ka, 'no?" tanong ni Addie habang pababa kami ng elevator.

"Oo," I sighed deeply. Lumabas na rin kami ng elevator dahil bumukas na.

"Okay lang 'yan." tinapik-tapik ni Addie 'yung likod ko habang lumalakad kami papunta sa kotse ko.

"Okay lang 'yan, Nat." I whispered, holding the steering wheel. Nasa shot gun seat si Addie at nasa backseat naman si Elly.

"Kaya mo 'yan. Tara na." pag-aya ni Addie. Tumango ako at pinaandar na 'yung kotse.

Sinubukan ko naman talagang magfocus sa pagda-drive. Ayoko namang maaksidente dahil lang sa kaba. I should face him. Isa pa, wala naman akong ginawang masama sa kaniya.

"Una na kayo. Park lang ako." tumingin ako kay Addie at Elly, dito ko na sila binaba sa tapat ng simbahan para hindi na sila maglakad.

"Sige, sunod ka na." ngumiti si Addie bago bumaba.

Pumunta na ako sa parking ng sasakyan. Kinuha ko na rin 'yung clutch ko sa gitna ng driver's seat at shot gun seat pagkatapos ay bumaba na ako ng kotse.

Nanlaki 'yung mata ko nang makita ko 'yung kotseng katabi ko. Oo, alam na alam ko 'to. Kilalang-kilala ko 'yung kotse niya dahil ilang taon din naman akong sumakay riyan. Nakasarado ang bubong ng kotse niya ngayon.

Paglabas ng lalaki sa driver's seat ay nanlamig 'yung buong pagkatao ko. I saw him... I saw him again.

He's wearing a beige long sleeves polo tucked in with his black slacks. He looks professional, he looks better. Is he better off without me?

Aalis na sana siya pero napatingin siya sa akin, I feel like I became a statue. I can't even move. I am just staring at him.

Seeking for answers.

Wondering why shit things happened to us.

"Miss Verdadero." he looked at me. The happiness of his eyes were nowhere to be found.

"Gio," I nodded at him. Lumakad na ako paalis at nilampasan ko na siya, bawat hakbang ko ay siya ring bilis ng tibok ng puso ko.

"Natalia," he called me again.

I stopped.

I closed my eyes and sighed a deep breath to calm myself.

That... that familiar name. He used to call me that.

I slowly faced him.

"Yes?"

He looked at me, directly to my eyes. I feel like any moment I will melt. He smiled at me, the most sincere smile I've ever saw in him.

"You look stunningly radiant."

Umalis siya sa harapan ko at pumasok na ng simbahan, iniwan niya akong puno ng tanong, sa pangalawang pagkakataon ay ginagawa niya ulit.

Gustong-gusto kong itanong sa kaniya 'yung dahilan, pagod na rin ako kakaisip, pagod na rin ako kakatanong. Gusto kong malaman kung bakit. Gusto ko ng rason. Anong nangyari?

Bakit niya ako iniwan?

Always, In All Ways (Change Series #4)Where stories live. Discover now