Ang OA ah.

"Well kung hindi mo kami knows.... girls, let's pakilala to this newbie!" Sabi ni pink.

Nagtaka naman ako ng pumunta sa unahan si green.

"Sa powers ng nature at ng mga aliens, ako si Greeny Mantikilyacup!" Nag pose pa ito na parang isang superhero.

"Sa ngalan ng round na blue moon! Diyosa ng mga sea water! I'm Berry Bula!" Sabi naman ng naka blue na pose pa na parang makikipag karate.

Huling pumagitna ay yung naka pink. Naka yuko pa siya nong una at nagulat pa ako ng mag-angat siya ng tingin ay namuti na ang kanyang mata!

Hala! Adik ata to eh!

"From the top of Chocolate Hills, ako ang Goddess ng mga unicorn! Ako si Dina Namulaklak!" Sigaw niya at walang hiya ay umis-split pa!

Kegeleng!

Napakamot nalang ako sa ulo at hindi na sila pinansin pa. Umalis nalang ako bago ko pa maisipang tumawag ng mental. Mga buang.

"Ouch! Hey you babae! Come back here! B! G! Help me makatayo! Argh!" Rinig ko pang sigaw ni Dina.

Napailing nalang ako at tinaas nalang ang kamay at kinaway iyon.

Nang maka uwi na ay kaagad akong nagpahinga. Naiwan pa ang apat sa School, ang sabi pa nila ay umuna na muna ako. Kaya ng makapag pahinga na ay kaagad akong nag saing at nagluto ng ulam.

Habang nagluluto ng pinakbet ay biglang nagring ang cellphone ko. Nagpunas muna ako ng kamay bago ito kinuha.

Nakita ko ang pangalan ni Kuya kaya kaagad ko itong sinagot. Nakipag kamustahan lang naman kami, naka usap ko rin sina mama at papa. Alam ko naman kasing namimiss lang nila ang maganda nilang anak. Tsk, ako lang to oh.

Kinabukasan ay maaga rin akong naggayak. Nahinto naman ako sa gianagawang pagsuklay ng maalala ko na naman ang precious jacket ko!

Pesteng Liwanag na yun! Parang gago lang, isip bata pa ang lintik! Hindi na nahiya sa gina ang peste! Ay naku naman, talagang nanggigigil talaga akong bangasan ulit ang pagmumukha ng gago na 'yun!

Wala ba siyang magawa sa buhay niya at ako naman ang naisipan niyang pagdiskitahan! Nakaka what the fudge!

Bago pa ako ma bad trip at masira ng tuluyan ang araw ko, mas pinag buti ko nalang na huwag na siyang isipin pa.

Bakit sino ba siya para isipin ko? Oh diba nakakapetengene!

Pag pasok ko sa classroom ay apat palang kami ng mga kaklase ko, kaya mas minabuti ko nalang na lumabas nalang muna at para narin makapag unwind.

Unwind?! Churr!

Pumunta ako sa may mini garden at umupo sa bench na may sandalan. Maraming bulaklak ang nasa paligid at napaka payapang tingnan. Masarap nga ditong tambayan. No'ng nakaraan ko lang to nadiskubre at ngayon lang rin ako nakapag tambay dito. Gawa sa busy pa si ateng niyo.

Napaihip ng malakas ang ihip ng malakas ang hangin kaya napapikit ako at mas dinama pa ang hangin sa kaing mukha.

Napaka sarap sa feeling ang tumatamang hangin at ang sarap matulog dito. Nang magmulat ako ng mga mata ay nanlaki kaagad ang king mga mata ng may ekstrangherong naka tingion sakin! At di lang yun mars!

Ang lapit ng feslak namin sa isa't isa!

Kaya bilang response ay naitualak ko si kuya.

"Sino ka?!" Sigaw ko at napa angat pa ang binti sa bench. Napa ngiwi naman si kuya niyo at bahagyang nailing.

Enemies Inloveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें