Chapter 29

44K 451 16

CHAPTER 29

CRYSTAL

Nasa mall ako tumitingin sa isang bookstore ng mga libro tungkol sa pagluluto. Marami akong gustong matutunan tungkol dito dahil na rin sa iyon ang hilig ko lalo pa't mahilig kumain si James lalo ng mga niluluto ko.

Kalalabas ko lang ng store bitbit ang mga librong binili ko nang makasalubong ang isang babae. Ang mama ni James! Napatigil ako sa paglalakad at siya rin. Ewan ko ba kung natatakot ako o nahihiya. Hindi ko alam ang gagawin ko, alam kong ayaw niya sakin kaya tumango na lang ako at aalis na sana sa kinatatayuan ko nang biglang magsalita ang kaharap ko.

"Crystal right?" Sabi ng mama ni James.

Tumigil ulit ako at ni hindi malaman kung makikipagtitigan sa kaharap ko basta ang alam ko lang ay tumango ako bilang pag- oo sa tanong niya.

"Gusto kitang makausap." Sabi niya.

Hindi ko na alam kung paano na ako sumama sa kanya basta ngayon ay nasa isang coffee shop kame, nakaupo, magkaharapan.

"Siguro naman alam mo na kung bakit hindi kita gusto sa anak ko." Sabi niya pero nakikinig lang ako at naghihintay pa ng sasabihin niya.

"Hindi ko alam kung anong meron ka para ipagpalit niya kaming pamilya niya sayo." Patuloy ng mama ni James.

"Mahal ko po ang anak niyo." Sabi ko na lang.

"Mahal? Ano'ng alam mo sa pagmamahal? Hinahayaan mo siyang talikuran ang pamilya niya. Kung mahal mo si James, hindi mo siya hahayaang malayo samin. Napaka- makasarili mo." Sabi ng mama ni James.

Shit. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kinakabahan ako sa mga maririnig ko kapag nagsalita ako. Pero nakakainis, makasarili ako? Sh*t, kung hindi lang naman dahil sa kanila eh hindi magkaka- ganun ang anak nila sa kanila. Matanda na si James, alam na niya ang ginagawa niya kaya huwag nilang isisi sakin ang paglayo ng anak nila sa kanila dahil ang totoo, sila mismo ang nagtaboy kay James para mapalayo sa kanila.

"Wala po akong magagawa kung iyon ang gusto ng anak niyo." Sabi ko na lang.

"Walang magagawa? Meron! May magagawa ka! Alam mo bang ikamamatay ng ama niya ang katigasan ng ulo niya dahil sa pagmamahalan niyo? Marami na kayong niloko at maraming nahihirapan ng dahil sa pagmamahalan na sinasabi mo! Ganun ba ang nagmamahal, maraming nasasaktan? Kung talagang mahal mo ang anak ko, bitawan mo na siya. Ibalik mo siya samen." Sabi niya.

Gusto ko ng maiyak pero pinipigilan ko. Hindi ko 'to pinaghandaan, hindi ko alam na magkakaharap kami ng ganito. Iyon lang ang huling narinig ko sa kanya at naiwan na akong nakaupo dito kasabay ang pagbagsak ng luha ko.

Sasabihin ko ba kay James? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paulit- ulit na sa utak ko ang mga sinabi ng mama niya.

Paguwe ko sa bahay ay nadatnan ko si Mommy na nakaupo sa sofa. Lumapit ako at umupo rin sa tabi niya. Niyakap ko siya ng walang imik. Ilang minuto lang ganun atsaka ko siya hinarap.

"Thank you mommy sa pagtanggap niyo samin ni James." Sabi ko.

Alam kong nasaktan ko ang mga magulang ko at alam kong lahat ng ito ay ginagawa lang nila para sa akin.

Natatakot silang mapahamak ako ng dahil sa pamilya ni James kapag ipinagpatuloy ko ang relasyon namin pero mas natatakot na silang mapahamak ako sa mga magiging desisyon ko kapag pinaglayo ulit nila kami.

Siguro doon, masasabi kong makasarili ako kasi napakabait nina mommy para suwayin ko, para lamang sa sarili kong kaligayahan. Pero 'yung sinasabi ng mama ni James, masama bang mahalin ang anak nila? Hindi ko naman kinuha si James sa kanila, may sarili ng desisyon ang anak nila kaya dapat marunong silang umunawa sa gusto ng anak nila.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!