"Para sa ikasisiya mo." Sabi ni mommy habang nakangiti atsaka ko ulit niyakap.

Wala akong pinagsabihan ng paguusap namin ng mama ni James. Hindi ko masabi sa asawa ko dahil nasisiguro ako na kokomprontahin lang niya ang mama niya kaya mas mabuting samin na lang 'yun ng mama niya. Ayaw ko ng makipagtalo siya sa mga magulang niya.

JAMES

"Si Penelope na lang ang bahalang mag- discuss sayo. Sige maiwan na kita may meeting pa ako." Sabi ng Daddy ni Crystal.

Ang alam ko, ito 'yung bagong secretary ng daddy ni Crystal.

Nasa opisina ako at nakaupo sa upuan ko nang may kumatok. Nanlaki ang mga mata ko nung makita ang pumasok na babae.

Penelope? Siya 'yung Penelope na secretary ng daddy ni Crystal?

"Oh. It's you!" Sabi ni Penelope habang nakangiti.

Si Penelope, ex girlfriend ko.

"Penelope? " Sabi ko na lang habang nakakunot ang noo.

"James! What a coincidence. Anyways, nakakapagtaka lang, bakit dito ka sa kompanyang 'to nagta- trabaho?" Si Penelope nung makalapit sa may mesa.

"Please sit down." Sabi ko na lang.

"And again, why are you here? Di ba may sarili kayong company?" Sabi niya.

"It's complicated." Sabi ko.

Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya dahil tago pa rin ang relasyon namin ni Crystal.

"Di bale it's okay, I understand." Sabi niya habang nakangiti.

Si Penelope, siya 'yung huling naging girlfriend ko bago si Crystal. Okay naman kami, magkasundo sa ilang bagay pero hindi rin kame nagtagal kasi bigla na lang siyang nakipaghiwalay dahil nangibang bansa siya. Wala na akong ginawa noon, hinayaan ko lang siya. Hindi naman katulad ng relasyon namin ni Crystal ang naging relasyon namin ni Penelope. Maayos kami noong naghiwalay.

"Hindi ko alam na ikaw pala ang bagong secretary ni Mr. Gomez." Tukoy ko sa daddy ni Crystal.

"Obviously, ako rin. Hindi ko alam na nandito ka. Well, James, interasado akong malaman ang mga nangyari sayo simula nung umalis ako noon pero kailangan ko munang mag- trabaho. Here's the document. Basahin mo muna and then I will discuss it to you." Sabi niya at inabot ko ang hawak niyang dokumento.

...

Okay naman kami ni Penelope. Walang nakaramdam ng bitterness noong mag- hiwalay kami. Ni- respeto namin ang desisyon ng isa't isa. Hindi nga lang kami nabigyan ng pagkakataong maging magkaibigan ulit dahil na rin siguro sa bigla niyang pag- alis.

CRYSTAL

Papunta ulit ako kay James bitbit ang isang paper bag na naglalaman ng mga niluto ko. Excited na kasi akong ipatikim sa kanya ang bagong recipe na natutunan ko. Papasok na ako ng opisina ng makasalubong ang isang babae. Matangkad sakin ng konti, morena and infairness maganda. Hindi ko alam kung ngingiti ako pero hindi ko siya kilala kaya nakatingin lang ako habang palabas siya ng pinto. Nakangiti lang at tumango siyang nilagpasan ako. Nagdiretso na ako papasok.

"Sino 'yung babaeng 'yun?" Tanong ko nung maupo ako at ipinatong ang bitbit kong paper bag sa mesa.

"Bagong secretary ng daddy mo. Mahal ko ano 'to?" Tukoy niya sa dala ko.

Ngumiti ako at ibinalik ang isip ko sa pakay ko kung bakit ako naparito.

"May bago akong recipe mahal ko, kain na." Sabi ko habang inilalabas lahat ng laman ng paper bag.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!