Tatlumpo

89.6K 3.4K 900

TATLUMPO



"Grabe, Lola Ariesa, ang galing ni Jenny. Ang lupit niya makipaglaban. Napatay niya agad 'yun tatlong masasamang genie nang gano’n kadali? Ang galing talaga, Lola Ariesa!" Nangibabaw ang boses ni Lance nang mapunta ang kinukwento ko sa parte na na-diskubre na ni Jenny ang kanyang kapangyarihan. Hindi niya maitago ang tuwa niya nang makapunta ang babaeng bida sa mundo ng mga genie sa isang iglap lamang na hindi nahihirapan.

Inilipat ko ang tingin ko kay Jelly na tahimik lang na nakatingin sa akin. Kakaiba ang reaksyon na ipinakita niya. Kanina ang saya-saya niya noong nasa parte ang kinukwento ko na magkasama si Jenny at Laxus pero ngayon mukhang malungkot siya at hindi may nagustuhan sa kanyang narinig. Sa lahat ng batang nasa harapan ko siya lang ang nakasimangot at parang hindi natuwa sa kanyang mga narinig na kwento.

"Oh, Jelly, apo, ba't ganyan ang mukha mo? Ba't ka nakasimangot?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo na ba gusto marinig ang kuwento ni Jenny at Laxus? Halatang hindi ka na masaya."

"Hayaan mo 'yang si Jelly, Lola Ariesa. Bungi 'yan, e. Kami gusto pa namin marinig," pagsingit ng batang si Lance. Kanina pa talaga sila nagtatalo ni Jelly.

Tinignan ko si Lance. "Lance, apo, h'wag ganyan. Masama 'yan," pangaral ko sa kanya saka muling nilipat ang tingin kay Jelly. "Jelly, ba't ka nakasimangot? Ayaw mo na ba sa kuwento ko?"

Napatingin sa akin si Jelly. "Lola, hindi po sa gano’n. Gustong-gusto ko po 'yung kuwento niyo. Ang ganda po ng kwento ni Jenny and Laxus, lola," sabi niya.

"E, bakit ka nakasimangot?" matipid ko siyang nginitian habang inaayos ang kumot na nasa binhti ko.

Muli siyang napayuko. "Kasi, Lola. Kasi po parang naging bad na si Jenny," malungkot niyang tugon. "Nag-iba na po siya nang malaman niya at magamit niya ang powers niya, Lola. Hindi ko po gusto 'yung ginawa niya 'dun sa The Great Five Genies na pinatay niya. Hindi po ganun ang Jenny na nakilala ko sa kwento niyo, e. 'Yun Jenny po na nakilala ko at nagustuhan ko ay hindi kayang manakit ng kapwa niya. Kahit po nasaktan siya hindi po siya nananakit ng iba." Lalo siyang napasimangot. "Parang mas maganda 'yun Jenny na walang powers kaysa sa Jenny na may powers, Lola. Nakaka-sad, Lola."

"Anong nakaka-sad do’n?" muling pagsingit ni Lance. "Hindi 'yun nakaka-sad, Jelly. H'wag kang ma-sad na nagbago si Jenny dahil may powers na siya. Mas ma-sad ka kasi bungi ka." Nagtawanan ang mga bata kaya sinamaan ng tingin ni Jelly si Lance. "Ang angas nga ni Jenny, e. May powers na siya ngayon kaya maliligtas na niya si Laxus. Maigaganti na niya 'yun mga ginawang pagpapahirap kay Laxus."

"Pero masama ang gumanti!" pagdidiin ni Jelly. "Masama ang manakit ng kapwa!"

"Mas masama kapag bungi!" pakikipagtalo naman ni Lance. "At pinakamasama kapag walang dodo! Parang ikaw. Bungi ka na wala ka pang dodo!"

"Ang bad mo talaga, Lance. Ang bad-bad mo!" Halos maiyak na si Jelly. "Wala pa akong dodo kasi bata pa ako. H'wag mong gayahin si Laxus kasi si Laxus pogi. Ikaw, pangit ka."

"Ikaw naman, bungi."

"Ikaw naman, panget!"

"Mga apo, masama ang nag-aaway," pagpapatigil ko sa kanila. "Kapag hindi kayo nanahimik itong inuupuan kong kahoy ihahambalos ko sa inyong lahat." Nanlaki ang mga mata nila. "Chos lang mga apo. Hindi ko magagawa 'yun dahil ang kabilin-bilinan ni Laxus at h'wag na h'wag mananakit at magpapadala sa galit. Walang magandang kahihinatnan kapag nagpadala ka sa bugso ng galit mo." Inilibot ko ang tingin ko sa mga bata saka bumaling kay Jelly. "Nagbago si Jenny, Jelly, kasi nagpadala siya sa bugso ng galit niya. Nagdilim na ang paningin niya dahil sa pananakit ng mga genies sa kanya at kay Laxus."

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!