Chapter 19: The Warning

831K 27.3K 8.3K
                                                  

Chapter 19: The Warning

Nagpatuloy ang training namin sa Strategy and Tactic. Nanatili ang topic namin sa mga nakaraang laro at ang mga technique na ginamit nila para manalo. Ganoon din ang ilang advantages ng iba’t ibang members ayon sa mga categories nila bilang primary defense, deceiver, seer at iba pa.

Doon ko nalaman ang kayang gawin ni Sir Apollo at maging ang bisita namin na si Priam Grey kaya sila nanalo. Ang enigma ability ni Sir Apollo na kayang makagawa ng mga traps, calculations, at physical puzzle na kapag hindi nasagot ay nakamamatay— ang nagpanalo sa kanila.

Samantalang si Priam naman ay may hawak ng advance stasis. Kaya nitong patigilin sa pag galaw ang ano mang bagay may buhay man o wala. Hindi lang pag galaw o kilos kundi maging ang systema ng katawan gaya ng tibok ng puso, pag iisip, o paghinga. In short an instant killing machine. Like Gin.

Kaya pala hindi ako nakagalaw noong gumawa siya ng eksena sa Breakfast Hall. Ang akala ko dahil lamang ito sa presence niya na hindi ko magawang ma-atim. Dapat noong una palang napansin ko na ginagamitan na niya ako ng ability. What a smooth piece of shit.

Matapos ang lunch ay naghiwa-hiwalay na kami para pumunta sa mga sarili naming schedule. Dahil wala akong nakatakdang gawin noong hapon na yon ay naisip ko na bumalik sa training room para sanayin ang reflexes ko pagdating sa mga weapons. Bahagya kasi itong nanghina matapos ang nangyaring insidente sa Infinity Room. Pakiramdam ko natrauma ang katawan ko sa naramdaman nitong matinding sakit.

Pababa na ako sa staircase nang matigilan ako. Kumunot ang noo ko at binalik ang tingin sa dulo ng hallway kung saan ako nangaling. Tiningnan kong mabuti kung sino ang dalawang taong nag uusap sa dulo. I scoffed automatically. Corrine and that bastard Priam.

Mukhang seryoso silang nag uusap. And from the looks of it hindi magandang topic para kay Corrine ang pinag uusapan nila. Napansin ko sa unang pagkakataon na nawala ang maamong aura ni Corrine at napalitan ito ng pagkapikon sa lalakeng kausap niya. Para bang may sinasabi si Priam na hindi niya gusto.

Hindi ko na lamang sila pinansin. Nagpatuloy ako sa pagbaba sa staircase papunta sa training room. Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila at wala akong pakialam. Pero kita mo nga naman, maging ang anghel ay hindi matagalan ang ugali ng isang manipulative na gaya ni Priam.

Pagdating ko sa training room ay nagsimula agad akong magsanay. Ginamit ko ang real life simulator para literal na patamaan ako ng iba’t ibang uri ng weapons. Sinet ko ito sa pinakamataas na difficulty level kaya naman halos masugatan ako ng mga weapons na sunod sunod na tumama sa akin mula sa iba’t ibang direction ng training room.

Nasugatan ang balat ko sa binti at braso sa mga unang minuto. Pero noong nakapag adjust na ako sa bilis nito ay nagawa ko na itong sabayan. It was dangerously difficult and thrilling at the same time. Para kang nakikipaglaro ng bola sa isang taong hindi napapagod sa kakabato nito sayo. The only difference is instead of ball, knives and blades ang binabato sayo.

Hindi ko namalayan ang oras habang nasa loob ako ng training room. Halos mapaupo ako sa sahig sa pagod nang matapos ang huling round na sinet ko sa simulator. Hinihingal ako habang nakapatong ang palad ko sa mga tuhod ko at nakatingin sa sahig. Tagaktak ang pawis ko na maging ang buhok ko ay dumidikit na sa aking mukha. Bahagya ding nangi-nginig ang mga binti ko sa pagod at nagsisimula nang humapdi ang mga sugat ko.

Napangiti ako. Well that was fun.

 

Pinatay ko ang simulator at inayos ang sarili ko bago lumabas ng training room. Tiningnan ko ang holographic image ng orasan sa ceiling— halos oras na ng dinner. Nagmadali ako sa paglabas sa training room. Maganda parin ang mood ko dahil sa adrenaline rush na idinulot sa akin ng physical training na yon. Pero lahat ng good mood ko ay biglang naglaho nang makita ko ang taong nakatayo sa tapat ng pintuan. Priam Grey.

Titan Academy of Special Abilities (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon