Chapter 4: In Danger

142 18 6
                                                  

Someone's POV

Nakarinig ako ng ingay mula sa direksyon ng pinagmulan ko kanina. Hinihingal pa rin ako at nakasandal sa puno dahil sa hinahabol ako kanina ng mga taong lintik na nagpapakabayani.

Nasuntok ko kanina ang babaeng nagmamay-ari ng bag na hinablot ko.

Letse! Kinagat pa ako sa galanggalangan. Hindi binibitiwan ang kamay ko kanina. Amp*ta. Kaya sinuntok ko.

"Patingin nga! Ano bang nangyayari sayo?"

"Aww. No. Don't touch me. Just leave me alone."

Napangisi ako. Parang may mga bago akong biktima.

Nagmadali akong halungkatin ang bag ng babae kanina.

Napamura ako. Itinapon ko ang mga laman ng bag. Walang kwenta!

Tumayo ako at sinundan ang dalawang parang aso't pusa. Napansin kong mga estudyante siguro ang mga 'to. Ano naman kaya ang ginagawa nila dito?

Pero wala ng tanong-tanong! Kailangan ko ng pera.

Bigla akong napatingin sa babae. Ang kinis ng balay niya. Nakikita ko ang hita niya sa suot na bahagyang maiksing palda. Nag-init ang katawan ko.

Baka makakailang round muna ako bago ko pakawalan ang mga to.

***

Makki's POV

Sinalakay ako ng kaba. Wala si Allyson. Pero pilit kong iniisip na sana pinagtitripan niya lang ako.

Tumakbo ako malapit sa mga gamit na nahulog sa lupa. It was Allyson's. Ang backpack niya.

"Allyson! Hindi to magandang biro! Lumabas ka na dyan! Uuwi na tayo!" sigaw ko na nakaluhod ang isang paa sa lupa habang hawak ko ang bag niya. Nakakita ako ng magulong linya sa lupa. A sign of dragging.

What the hell! Di kaya–?!

O baka isa na naman to sa mga enggrandeng kalokohan ni Allyson.

***

Allyson's POV

Ano bang nangyayari ngayong araw na to?!

"Bitiwan mo 'ko sabi, eh!" sigaw ko sa lalaking humahawak sakin ngayon.

"Ang ingay mo!"

Pinapalakad niya ako ngayon sa kung saan. Nasa likuran ko siya hawak ang kaliwang kamay ko. Medyo tinutulak pa nga ako.

Sa totoo lang natatakot na talaga ako. Gusto ko ng maiyak kanina pa.

Makki, where the hell are you?

Sana naman napansin na niya na wala na ako sa likuran niya. Tss.

"Bilisan mo!"

Ugh. Ang unggoy na to! "Sa'n mo ba ako dadalhin?!" sigaw ko na pilit lumilingon sa kanya.

"Wag ka ngang magtanong!" sabi ni unggoy na itinulak ako ulit.

Aba't nakakarami na ang lalaking 'to ah?

Ibinalibag ko ang kamay ko na nabitiwan niya naman. Humarap ako sa kanya. "Hwag mo nga akong itulak! Hindi ako kung ano lang!" Lakas loob kong sigaw. Galit ang ekspresyon niya. Grr. Nakakatakot ang pagmumukha.

Biglang itinaas ng lalaki ang kamay niya na parang sasapukin ako. "Sige! Subukan mo lang!" sigaw ko pero nanginginig na ako sa takot.

Tsk! You can do this, Allyson!

"Aba! Matapang ka!" sabi niya na lumalapit sakin.

Umatras naman ako. Think, Allyson. C'mon.

"Ano bang kailangan mo? Pera? Wala ako non," tanong ko sabay hakbang paatras. Ngumisi ang lalaki sa harapan habang palapit ng palapit. Tumaas-baba ang mata niya sa buong katawan ko. Nanginig ako. Ang malisyoso ng tingin niya. Nagtaasan ang balahibo ko sa batok.

Help, Nalulunod Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon