TEASER.

44.6K 681 44
                                    

TEASER.


Malayo palang ay natanaw ko na siya kaya walang pagdadalawang-isip na iniba ko ang aking deriksyon. Hindi. Hindi nya ako puedeng makita. Wala akong mukhang maiiharap sa kanya pagkatapos ng nangyaring iyon. Una palang, hindi iyon dapat nangyari. Hindi dapat.


Mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad kahit hindi ko alam kung nakita nya ba ako hindi. All I want right now is to escape away from him. Pero wala yata sa panig ko ang tadhana dahil naramdaman ko na lang ang isang mainit na palad na humawak sa aking braso at pinihit ako paharap.


"Andrea!"


Chewing my lower lip, I averted my eyes away from him. Wala akong lakas ng loob na makipagtitigan sa kanya. By merely standing in front of him-while he's holding my arm-ay gusto ko na lamang na kainin ako ng lupa at huwag nang iluwa muli. Mahigpit at mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Bumulong ng dasal na sana ay pagbigyan ako ng Diyos sa kahilingan ko.

"Andrea!", muli nyang sambit sa pangalan ko. Ramdam ko ang pagsusumamo nya. Slowly, I open my eyes pero di ko parin magawang tumingin sa kanya. Nakatingin lang ako sa lupa at inaaliw na lang ang sarili sa pagbibilang ng mga maliliit na bato na nakikita ko.


"Andrea, please!", aniya at malakas na hinaklit ang braso ko at kinaladkad ako na tanging siya lang ang nakakaalam kung saan papunta. Nakunot ang noo ko ng makarating kami sa pinakadulo ng campus. Tahimik at walang katao-tao. Mas lalo akong natakot dahil don.


Binitiwan nya ang braso ko kaya akala ko ay makakatakas na ako sa kanya. Pero nakakaisang hakbang palang ako ng maramdaman ko ang mga braso nya na pumulupot sa baywang ko.


Shit!


Biglang dumagundong ang dibdib ko. Namawis ang aking mga palad at nanginig ang aking mga tuhod. Anong ginagawa niya? Bakit nya ako niyayakap? A certain image from that rainy afternoon flashed in my mind that made my face warm. Feeling ko ang ang pula-pula ko na ngayon.


Shit! ...Again.


"Andrea, please. Talk to me.", bulong nya sa aking tenga. Naramdaman ko ang pagsikip ng kapit nya sa baywang ko. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa aking leeg. "Andrea...", his voice was husky when he called my name again. Para bang nang-aakit. Nanghahalina.


Napalunok ako ng marahas ng maramdama ko ang pag-ahon ng isang pamilyar na pakiramdam sa aking kalooban. No. Hindi ko puedeng maramdaman ito...ulit. Mali na naramdaman ko ito noon sa unang pagkakataon at mas lalong mali na maramdaman ko ulit ito ngayon. Kahangalan na iyon para sa akin.


Inipon ko lahat ng lakas bago ko tinanggal ng marahas ang kanyang mga braso sa aking baywang. At nang makawala ako ng tuluyan sa kanya ay agad ko syang hinarap at binigyan ng mag-asawang sampal. Nagmarka sa makinis nyang pisngi ang aking palad. Nakaramdam ako ng konsensya at awa pero pinigilan ko iyon. Hindi ako pu-puedeng makaramdam ng kahit ano sa kanya, maliban sa galit. Kalaban siya. Kalaban.


"Ano ba ang gusto mo?!", pilit kong binahiran ng galit at inis ang aking boses. At nag-wagi naman ako.


"You."


Napakurap-kurap ako. "H-ha?"


Humakbang sya palapit sa akin at umatras naman ako. "You asked me right, kung ano ba ang gusto ko?", aniya habang humahakbang parin palapit sa akin, at ako na humahakbang paatras. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang pagtama ng aking likod sa pader, na siyang ikinatuwa naman niya. "Ikaw Andrea..", aniya at kinulong ako sa pagitan niya at ng pader sa pamamagitan ng paglagay ng dalawa niyang kamay sa gilid ng aking ulo. "...ang siyang gusto ko.", aniya at hinawakan ang aking baba at inangat iyon para magtagpo ang aming mga mata. Napalunok ako ng makita ko ang naglalarong emosyon sa kanyang mga mata. "You get that?".


"Wha-"


"Alam mo ba kung bakit?", putol nya sa sasabihin ko gamit ang nanunuyang tono.


With my trembling lips, I spoke. "B-Bakit?"


Umangat ang gilid ng labi nya. "Because I'm so obsessed with you."


And then he claim my mouth.


**

This is a slow update.

PS.

TO THOSE PEOPLE WHO KNOW ME...SHATTAP LANG KAYO ABOUT THIS STORY OKAY? LALONG-LALO NA SA MGA SCHOOLMATES KO. YOU MAY ENCOUNTER SOME FAMILIAR NAMES HERE. HAHAHAHA! 

NAGMAMAKAAWA AKO. PANG-HELUM NA LANG MO! HAHAHAHAHAHA!


Mr. Nice Guy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon