"I guess, I'll call the boys for a bit," bulong sa akin ni River at muli akong dinampian ng halik sa labi. Tumayo siya at tinapik sa braso si Troye bago tuluyang umalis.

"Grabe, napaka-gwapo ni Kuya Rivs!"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw si Raciela. Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin at siya ang naupo sa kaninang inuupuan ni River.

"May asawa ka na, bruha ka!" bulyaw ni Troye sa kaniya. Umiling ang aking kaibigan at yumakap sa akin. "Congrats! I'm so happy for you!"

"Salamat, Troye," I replied and kissed his cheek. "Why is she here?" pasimple ko pang tanong na ikinatawa niya.

"Ay, oo nga pala, M! Ayan si Attila, bet daw makipag-ayos. Sana true na," biglang salita naman ni Raciela at siya namang yumakap sa akin.

Nailing ako sa pagiging isip-bata ni Raciela at hinalikan ang kaniyang ulo. Si T naman ay nakita ko ang pag-irap kay Rash dahil sa ginawa nito. Maya-maya pa'y bumalik na rin sa pagyakap sa akin na akala mo'y bata rin.

Hays, paano ko nga ba nasabi na never ko na yata mararanasang magka-anak kung simula bata pa ay parang anak ko na ang aking mga kaibigan?

"Halika na rito," pasimple kong tawag kay Attila na akala mo'y tuod na hindi mapakali sa tayo. Hinarap ko siya. "Baka magbago pa isip ko."

Gaya ng sabi ko, mabilis na lumapit sa aming pwesto si Attila. Talagang sumampa pa siya sa kama at doon na humagulgol ng iyak.

"Sorry na talaga!" she said while crying like a child. "Kaibigan talaga ang turing ko sa'yo! Nainggit lang ako nang napansin ka ni River dati nang effortless gayong ginawa ko na ang lahat para lang mapansin niya!"

"Sinong hindi makakapansin d'yan kahit tahimik yan, e napaka-ganda naman! Sobrang bait pa, to the point na inabuso n'yo nga!" ani Troye. Napangiti ako sa kaniyang sinabi kaya inirapan niya ako.

"Hoy true! Niligawan kaya ni Fano 'yan dati, ang kaso, nilihis ni Kuya Payton ang tulay nang malaman na ulol na ulol pala d'yan si Kuya Rivs!" it was Raciela this time. "Well, thanks to Kuya Pay, nagka-anak kami ni Fano."

Mabilis kong tinanguhan si Raciela. Bryce is such a an amazing child. Tinulungan din kasi talaga siya ni Stefano sa pagpapalaki sa bata. At least, naging matino ang isang 'yon matapos tanggihan ang mag-ina dati.

"Hindi ko nga alam kung bakit ikaw nanay ni Bryce, e," pang-aasar na naman ni Troye kay Raciela.

"Sorry," paulit-ulit na bulong ni Attila habang ang dalawa naming kaibigan ay naghahabulan na sa loob ng aking kwarto para magpatayan. "Sorry talaga, M!"

"It's okay. Matagal na 'yon. We all learned," bulong ko at niyakap siya.

"You're so kind, kayo ni River. Kaya sigurado noon ako na pagpapalain kayo ng sobra, e," aniya. Napangiti ako. "You both didn't stop loving each other, but selfless at the same time."

Dumaan ang maghapon, ilang bisita pa ang dumating. Kinabukasan ng umaga nang iuwi ako ni River sa kaniyang bahay. Sakay ako sa wheelchair nang ibaba ako sa sasakyan. Si Rica ang siyang kasa-kasama ko dahil wala si Payton. Ang alam ko'y bibisita siya kay Shawny ngayon. Wala sila Stout kaya sa amin muna ang bata habang abala ang lahat.

"America, halika na. Kakain na," tawag ni Mommy kay Rica nang dumating ang tanghalian.

Mula sa pagkakaupo nila River at Rica sa sahig ay tumayo na ang dalawa. They've been playing for an hour now. Ngayon lang tumayo roon. Pinapanood ko lang sila habang nasa couch ako at nakahiga.

"Gutom na ang baby ko?" malambing na tanong sa akin ni River. He leaned a bit towards me at dinampian ako ng halik. "Ang ganda-ganda naman n'yang buntis na 'yan!"

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Kde žijí příběhy. Začni objevovat