36 "Special day with him: PART 2"

Magsimula sa umpisa
                                                  

Bigla namang sumeryoso yung mukha nya. "Dahil hindi ka maarte tulad ng ibang babae. Naiintindihan mo yung mga pagtulong na ginagawa ko kahit na inaway ka ni lola." Tumawa sya ulit.

Napatawa na din naman ako sa kanya. Actually kahit hindi naman nakakatawa mga sinasabi nya eh tumatawa ako. Ganun ata talaga kapag mahal mo, tatawa ka kahit walang nakakatawa.

Nagpunta kami sa amusement park. Sumakay sa mga rides. Holding hands na nga kami kung maglakad. Ewan ko dito kay Cliff kung bakit. Hindi naman kami. Paasa din 'to eh. Wala talagang mga babaeng aasa kung walang nagpapaasa.

Para kaming montage sa isang movie. Yung tipong nagmomoment at nag-eenjoy kami habang may love songs na background at sikat pa yung singer na kumakanta. Tapos ang background music pa namin ay yung LOVE YOU ng Howl. Kahit parang malungkot yung song, masaya naman kami at feeling in love.

Kahit nahihilo ako sa mga rides, I don't care. Kasi katabi ko naman si Cliff tapos niyayakap pa nya ako. Ngayon ko lang nakita yung ganitong side nya. Yung hindi nawawala yung mga ngiti nya. Kahit simpleng bagay lang ngumingiti sya. Parang walang worries. Tapos kung higitin nya pa ako para sumakay sa mga rides parang isang bata.

Hindi ko nararamdaman ang pagod. Napaka-gentleman nya pa. Sobrang alalay sya sa'kin. And ang pinakamagandang nangyari eh yung nakakuha sya ng malaking stuff toy na bear at ibinigay nya sa'kin.

Kumain kami ng isang malaking cotton candy and take note, share kami. Ayieeeee. Feeling ko mamamatay na ko bukas kasi sobrang saya ko na ngayon. Dami na naming pictures sa cellphone nya tapos nahuli ko pa syang kinukuhanan ako ng palihim. Nahuli ko na eh so hindi na palihim yun.

Feel na feel ko yung song na LOVE YOU habang wala kaming dialogue.

Hindi ko talaga akalain na yung seryoso, misteryoso at sikat na lalaki na tulad nya eh ibang-iba ngayon. Sana lagi syang ganyan. Sana hindi sya magbago.

Huli naming sinakyan ang napakalaking ferris wheel. Ginabi na din kami. Kitang-kita yung mga ilaw sa baba na parang mga stars. Nakatingin lang kami sa baba at kung anu-anong itinuturo. Tawa lang kami ng tawa.

Kung magagawa ko lang patigilin ang oras, gagawin ko. Wag lang matapos ang masayang araw na 'to kasama sya.

Pagkababa namin sa ferris wheel hinigit na naman nya ako at nanakbo kami.

"Cliff, hindi ka ba napapagod?" Tanong ko habang nananakbo kami.

Hindi sya sumagot. Nagpunta kami sa tabihan ng fountain at umupo sa may damuhan.

"Anong ginagawa mo? Bakit dyan ka naupo?" Nahihiya kasi akong umupo dun. Pero hinigit pa din nya ako.

"Malapit na yung pinakamagandang part." Nakangiti nyang sabi habang nakatingala.

"Alam mo ba Torrence, lagi akong dinadala ng mommy ko dito nung bata pa 'ko." Tumahimik sya at nawala yung ngiti sa mukha nya.

"Kaya pala para kang bata kanina." Tumawa ako para lang mabasag yung katahimikan.

Humiga sya sa damuhan at nakatingin sa mga stars. "Sana nga bata na lang ako. Yung puro laro ang iniisip. Yung umaasang babalikan pa ko ng taong nang-iwan sa'kin."

Malungkot yung boses nya. Parang may panibago na naman akong malalaman sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tumingin ako sa mga mata nya kahit hindi sya nakatingin sa'kin.

"Sabi nya kukunin nya 'ko. Everyday akong nagiintay sa kanya, pero hindi sya bumalik. Pinaasa nya lang ako. Kahit sinasabi nila papa at lola na hindi na nya ko babalikan, hindi ako nawalan ng pag-asa." Umupo sya ulit at tumingin sa'kin. "Pero ngayon parang nawawalan na ko ng pag-asang magkikita pa kami."

Nagulat ako sa nakita ko. Si Cliff umiiyak. Yung mga magagandang smiles nya kanina, biglang napalitan ng mga luha. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala akong alam sa mga ganitong eksena.

"Cliff, kung nakapaghintay ka ng ilang taon, gasino pa ba yung ilang taon pa. Hangga't may buhay may pag-asa. Malay mo may dahilan ang mommy mo kung bakit ka nya iniwan noon. Hindi nya lang nasabi kasi nga 3 years old ka pa lang." Hindi pa ko tapos magsalita ng bigla nya akong niyakap.

"Cliff." Yun lang ang nasabi ko. Siguro niyakap nya ako dahil ayaw nyang makita ko syang naiyak.

"Thank you, Torrence. Thank you." Niyakap nya ako ng mahigpit.

Hinaplos ko lang sya sa likod na parang batang umiiyak na pinapatahan. Maya-maya eh bumitaw na din sya sa'kin.

Nagkaharap yung mga mukha namin. Punong-puno ng luha yung mga mata at mukha nya.

"Wait, punasan natin yang mukha mo." Kumuha ako ng panyo sa bag at pinunasan ko yung mukha nya.

Habang pinupunasan ko sya, nakatitig lang sya sa'kin. Naiilang ako kasi hindi sya nakurap.

Nagulat na lang ako ng bigla nyang hinawakan yung kamay ko na ginagamit ko sa pagpupunas sa kanya.

"Torrence." Bulong nya. Magkatapat lang yung mga mukha namin at masyadong malapit sa isa't isa.

Nanlaki lang yung mata ko. Bumibilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin.

"Can I?" at tumingin sya sa mga lips ko.

Hindi ko alam kung ano yung gusto nya itanong. Napalunok lang ako at hindi nakasagot.

Bigla nya akong hinalikan sa lips. Ito yung second time na may humalik sa'kin. Feeling ko tumutugtog na naman yung LOVE YOU as background music namin.

Habang magkadikit yung lips namin biglang nagliwanag yung sky dahil sa fireworks. Imagine hinalikan ako ng taong mahal ko habang may magagandang fireworks. Hindi ko alam kung panaginip lang lahat 'to. Pero sana hindi na 'to matapos.

Biglang umikot yung tubig sa fountain at sumirit sa'min at nabasa kami kaya bigla kaming napatayo.

Lumayo lang kami ng konti para hindi mabasa at nanood na kami ng fireworks display.

Parehas kaming nakatingala. Inakbayan nya ako at bumulong sya sa'kin.

"Thank you." Tapos bumalik na sya sa panonood ng fireworks.

Hindi pa ko nagsasalita after nung kiss at kahit pauwi na kami wala pa din akong masabi.

Tahimik yung buong byahe namin hanggang sa tapat ng bahay namin. Inihatid nya kasi ako tulad ng sinabi nya.

"Torrence, I'm sorry – " bago pa sya matapos magsalita eh inunahan ko na sya.

Tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ko ang door ng car. "Thanks ng madami Cliff. Sobrang nag-enjoy ako. Ingat pagdadrive huh. Good night."

Nagmadali akong bumaba ng car at nagwave ako sa kanya.

Ngumiti lang naman sya at umalis na din. Hindi ko man alam yung sasabihin nya, hindi na yung mahalaga. Ang importante naging masaya ang araw na 'to. 

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon