36 "Special day with him: PART 2"

42.6K 816 55
                                          

36

"Special day with him: PART 2"

Dumating yung nurse at inihiga si lola. May itinurok sa kanya na gamot pero hindi ko alam kung ano yun.

"Lola, bakit po kayo uminom ng tubig. Di ba sabi sa inyo pagkakainom nyo palang nung gamot nyo sa umaga bawal muna kayong uminom ng tubig?" Sermon nung nurse habang nililinisan si lola.

Tumingin sa'kin ng masama si lola at hindi ko alam kung bakit. "Eh kasi 'tong babaeng 'to inabutan ako ng tubig!" Tinuturo nya ako na at sinisisi dahil sa pagsuka nya.

"Pe – pero hindi ko naman alam." Nanginginig ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Naiiyak na nga ako eh.

"Eh kasi hindi ka nagtatanong. Mabuti na lang hindi ka nobya ni Cliff ko, naku!" Naiinis pa talaga sya kesa sa'kin huh.

Umupo ako sa sofa sa harap ng kama ni lola. Chineck ko yung phone ko pero walang kahit anong text man lang.

Maya-maya biglang dumating si Cliff na may dala-dalang mga pagkain. "I'm back!"

Nang makita ni lola si Cliff eh nag-inarte na naman sya. Bumangon sya at nagsumbong na parang bata.

"Ilayo mo sa'kin yang kasama mo Cliff. Gusto nya kong patayin." Tinuturo nya ako habang nagsusumbong sya kay Cliff.

Alam mo yung itsura kong nailing habang nakakunot yung mga kilay ko. Wagas 'to si lola, kung hindi lang masamang pumatol sa matanda naku.

"Lola huminahon po kayo. Mabait pong babae si Torrence." Pinapakalma nya si lola. Inihiga nya 'to at hinahaplos sa ulo. "Magpahinga ka na muna lola, pagkagising mo kainin mo 'tong mga binili ko."

Ang lambing ni Cliff kay lola. Parang sobrang malapit na malapit sila sa isa't isa. Ilang sandali lang eh nakatulog na si lola. Gawa din siguro yung nung gamot na itinurok sa kanya.

Kinuha ni Cliff yung burger at iniabot sa'kin. Kinuha ko naman yun ng nakayuko. Umupo sya sa tabihan ko pero hindi pa din ako nagsasalita at hindi pa din ako makatingin sa kanya ng diretso.

Binuksan nya yung burger nya and sinimulan na nyang kainin. "Two weeks ago hinang-hina si lola ng makita ko sya sa kalsada. Mabuti masigla na sya ngayon."

Nagulat ako sa sinabi ni Cliff at napatitig talaga ako sa kanya. "Kalsada? Akala ko lola mo talaga sya." Medyo nagstartle pa ako.

Ngumiti lang sya then he sniffs. "Ganun yung turing ko sa kanya. Pero hindi kami magkakilala. Hindi nga nya alam yung name nya kaya until now wala kaming makontak na relatives nya. So I decided na ako muna yung tatayong apo nya while nagpapagaling sya dito sa hospital." Tinuloy na nya yung pagkain ng burger.

Nakakaiyak naman yung kwento ni Cliff. Hindi ko akalaing ganito pala sya kabait. Yung isang mayamang katulad nya eh hindi pa din nakakalimutang tumulong sa nangangailangan.

"Ubusin mo na yan para makaalis na tayo dito. Pupuntahan ko lang yung doctor." Tumayo sya at lumabas.

Inubos ko na din yung burger na hawak-hawak ko at nag-aayos ayos na din after kumain.

"Let's go." Nauna syang lumabas ng hospital.

Bumalik kami sa kotse pero ang tahimik pa din namin. Hindi ko kasi alam kung san magsisimula matapos kong malaman yung totoong Cliff sa likod ng gwapong mukha.

Ngumiti sya bigla at tumingin sa'kin.

"Bakit ka nangiti dyan?" Nagworry ako kaya tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. "May dumi ba ko sa mukha?"

Natawa sya habang nagda-drive. "Wala. Iba ka kasi."

"What do you mean iba?" Nakasimangot pa ako kasi niloloko-loko nya ko.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon