Pangdalawangpu't siyam

85.2K 3.5K 1.2K






PANGDALAWANGPU'T SIYAM



Hindi ako kumukurap habang pinapanood ko si Caspian makipaglaban kasama ang kanyang Atlantis Warriors sa mga mala-barangay na bilang ng hukbong kapangitan ni Oscuro. Walang takot si Caspian na sumalakay sa napakaraming Oscuro na nasa harapan ko. Kitang-kita ko kung gaano kabilis hiwain sa dalawang parte ni Caspian 'yun mga kalaban niyang nadadaanan at humaharang sa harapan niya. Ang galing ni Caspian. Swabe ang katapangan niya. Halatang bihasa siya sa pag gamit ng espada niya dahil dalawang kamay na niya ang may hawak ng espada at sabay itong ginagamit para wakasan kung sinong haharang sa harapan niya.

Tanging ingay ng hiyaw ng mga halimaw ni Oscuro ang naririnig ko kasabay nito ang mga nagtatamaang espada sa bawat isa. Wating-wating. Sounds effect iyan. Para akong nanonood ng action movie sa isang iMax theater dahil sa nasasaksihan ko. Saksi ang dalawang mata ko kung paano magtagisan ang dalawang genie gamit ang kani-kanilang mababangis na kapangyarihan.

Tumakbo si Caspian nang may humarang na limang halimaw sa harapan niya. Tumalon siya ng mataas sa ere at umikot. Kasabay nito ang pag pugot ng ulo ng limang Oscuro. Pak. Malupit talaga si Ate Caspian niyo. Paglapag niya sa ere, bigla siyang bumending na hindi humahawak sa sahig. Tinusok niya agad 'yung dalawang Oscuro na nasa likuran niya. Humiyaw ang mga ito na parang nasaktan saka biglang naglaho. Napapalakpak ako dahil sa malupit na moves ni Caspian. Hindi lang pala sa pag landi magaling 'tong babaeng 'to, e. Pati rin sa pakikipag-basag ulo malupit din talaga.

Napalipat ang tingin ko sa tatlong Atlantis Warriors ni Caspian nang makita ko ang mga itong nagpatong-patong sa mga balikat nila. Para silang isang mataas na tower. Pinagdikit nila ang kamay nila na parang triangle saka may isinigaw, "Water Cannon!" saka isang malakas na pwersa ng tubig ang lumabas sa kamay nila at tinangay ang napakaraming Oscuro. Nalunod ito at nagpaikot-ikot sa tubig hanggang sa mawala nalang ito na parang bula.

Pero kahit sobrang dami ng pangit na Oscuro ang natatalo at napapatay ni Caspian saka ng mga Atlantis Warrior niya parang hindi pa rin nauubos ang mga pangit. Mas lalo pang dumadami ang populasyon ng mga pangit sa harapan ko. Nakikita ko ng napapagod na si Caspian dahil paulit-ulit nalang ang nangyayari. Sa kada isa sigurong napapatay niya may lima namang pangit na mabubuhay. Unfair ang buhay. May mahigit singkwentang Oscuro ang susugod kay Caspian kaya biglang yumuko si Caspian at idinikit ang mga kamay niya sa sahig. May lumabas na matutulis na bagay na gawa sa tubig mula sa sahig at sabay-sabay nasaksak iyung mga susugod sa kanya.

Napansin kong napailing-iling si Caspian. Hindi sapat ang ginawa niya dahil patuloy pa rin ang pag dami ng mga halimaw na Oscuro. Kapangit talaga ng mga ito. Umiikot ang mga ulo niya habang sumusugod kay Caspian. Pinalibutan nila si Caspian. Sampu. Dalawampu. Tatlumpo. Hindi ko mabilang kung ilan ang pumalibot kay Caspian. Patuloy na dumarami ang pumapalibot kay Caspian hanggang sa hindi ko na makita ang genie ng mga malalandi. Natabunan na siya ng mga halimaw na Oscuro habang pinagsusuntok siya nito.

"CASPIAN!" isinigaw ko ang pangalan ni Caspian dahil naloka ako sa nangyari sa kanya. Talo na ba siya? Hindi ko na siya makita.

"Okay lang ako!" Bigla akong nabuhayan nang marinig ko ang boses niya. "Water Dragon!" muli niyang sigaw at isang malaking dragon na gawa sa tubig ang biglang lumabas. Nakita ko si Caspian na nakasakay sa ulo ng dragon habang ang buntot naman ng dragon na gawa sa tubig at humahampas sa mga pangit na Oscuro. Humampas ang buntot ng dragon sa kaliwa at isang pangkat ng halimaw ang namatay. Kino-control ni Caspian ang dragon gamit ang kamay niya dahil parang may hand seal siyang ginagawa. Bumibigat na ang pag hinga ni Caspian. Mukhang any moment matatalo na siya dahil hindi naman nauubos ang kalaban niya.

"Papatayin kita!" May sampung Oscuro ang papalapit sa akin habang umiikot ang mga ulo niya at ang dila naman nila ay nakalabas.

"Ah! Kapangit niyo! Lumayo kayo sa akin!" todo hiyaw ako. Nakita ko pang lumaki at tumulis ang mga kuko nila na handa ng hatiin ang katawan ko sa ilang bahagi.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now