Mizaki's POV

"Kelan pa? b-bakit hindi mo sinabi sakin..." isang mahabang katahimikan ang pumagitan sa amin, ang sakit sakit... hindi ko alam kung ano bang dapat kong isipin ngayon, iisipin ko ba na mawawala siya sakin? o na niloko nila ko? o na may kung anong namamagitan sa kanila na hindi nila kayang ipagtapat sakin...

Nakahiga kami ngayon dito sa room namin, mula kanina ganito lang kami, nakatitig sa kisame, tanging hikbi at buntong hininga ang maririnig mo sa loob ng kwartong ito...

"Ano ba Jhared! Sumagot ka! Kelan pa!" sigaw ko sa kanya, kasabay ng pagbangon ko mula sa pagkakahiga... ansakit na ng mata ko, dahil maya't maya na lang nagkukusang tumutulo ang mga luha ko...

"Hindi ko alam, biglaan ang lahat... Hindi ko alam na aabot pala sa  ganito" kalmado at mahina nyang sagot sakin... Biglaan? pero pano?? noong nasa States naman sila, wala naman silang nababanggit...

"kaya ba mula Canada, lumipat kayo sa US? dahil ba na-engaged kayo ni Cherry?" grabeh, ang hirap sabihin ng mga salitang yun.. engaged?? engaged ang boyfriend ko sa bestfriend ko.. wow, anong galing naman...

"Hindi Mizaki, lumipat kami sa US dahil sa business, pero hindi ko alam na pamilya pala ni Cherry ang makakamerge ng company namin..." unti unti siyang bumangon, nakayuko siya habang ang 2 kamay nya ay nasa may ulo nya...

"So kelan nga! saan? pano? bakit?" pinipilit ko silang intindihin pero andaming katanungan na gumugulo sa isip ko... "alam ba ito ni Vinz?" katahimikan nanaman ang pumagitan samin.. Ano bang tinatago nila na hinding hindi nila masabi sakin.. karapatan ko naman malaman hindi ba? GF nya ako.. dapat alam ko ang lahat...

"Ano? ganito na lang ba tayo? kung wala ka naman balak ipaliwanag ang lahat... mabuti pa umalis na ako, kalimutan na lang natin kung anong meron tayo..." pagkasabi ko noon ay agad kong kinuha ang bag ko ay nagdiretso papunta sa pinto ng unit namin..

ang sabi niya hayaan ko siyang magpaliwanag, pero simula ng dumating kami dito, wla pa ni isang bagay ang nalilinaw sa isipan ko... mabuti na rin siguro to, mabuti ng kamuhian ko sila upang mas madali akong makabangon...

Nakahawak na ako sa malamig na doornob ng maramdaman ko ang yakap nya mula sa likuran ko... ang mga yakap na hindi ko alam kung para sakin nga bah, gayong nakikihati lang pala ako...

"Uuwi na ko" yan lang ang tanging nasabi ko kasabay ng paginit ng mga mata ko... may iluluha pa pala ako? akala ko naubos ng lahat...

"Please Mizaki, makinig ka muna.. sasabihin ko ng lahat sayo, pero sana matanggap mo..." sana matanggap ko? ganun ba kabigat ang ginawa niya para isipin nyang hindi ko siya matatanggap... Hindi ko alam pero kusang humakbang ang mga paa ko pabalik sa loob, siguro nga gusto din ng isip at puso kong maging malinaw ang lahat, kahit pakiramdam ko ay magiging masakit at mahirap ito para sa akin...

naupo siya sa kama, habang ako naman ay nanatili sa couch... katahimikan...

mahabang katahimikan....

at nagsimula na siyang magkwento ng kung anong nangyari noon na naging dahilan ng kaganapan ngayon...

♫♥SCHOOL RUMBLE♥♫Basahin ang storyang ito ng LIBRE!