Complicated 6 ♥

54 1 0
                                    

Falone’s POV

 Two weeks later...

“Good morning students of Sapphire Academy, today is our 16th annual school festival as you all know our school is an elite school and also a boarding school and not everyone is allowed to enter the school’s premises but today is different, everyone is WELCOME IN SAPPHIRE ACADEMY!”

 

Kaya idol ko tong acting headmaster na ito eh, ang saya magspeech bilang lang ang sentences hindi katulad ng ibang mga principal halos ikwento na ang talambuhay niya.

“Falone! Ikaw na ang bahala sa pagbibigay ng flyers ng booth”   Dahil bukas pa magkakaroon ng event ang club namin at ngyong araw ay puro iba't ibang klase ang naghahandle ng mga pakulo ang iba may ay incharge sa rides, hounted house, food stalls at kung ano-ano pang magugustuhan ng mga bisita.

“Okay”

Ang school festival ay sa wakas nagsimula na, Makita ko kaya yung dalawa sa pagkakaalam ko si Scarlet ay ang incharge ngayon sa photograph para sa school paper sino kayang partner niya? At si Violette naman dahil president siya ng klase stuck siya sa pagrorouunds sa campus hirap siguro maging committee

“P-prince Shon… I like you, would you be my boyfriend”

Eh? Ganun na yun?  Boyfriend kaagad ate? Di ba pwedeng ligawan muna, gravy mga kabataan nga naman ngayon iba na talaga imbes na lalaki ang nangaalok babae na telalande eeh.

“sure babe”

Ay si Kuya maharot pumayag kaagad, speaking sino nga ba yung boy curious tuloy ako. Nakatalikod naman kasi sila

“Falone ano yang hawak mo? ^_^”

 

“ay! Butiki! Tenam Scarlet bakit ka ba bigla bigla na lang sumusulpot!”

Ang walangjiya naman kasi nitong babaeng to walang pakundanga bigla bigla na lang sumusulpot katakuttakut pa ang mukha dahil sobra kung makalapit. Yan tuloy hindi ko na nakita sa kuya maharot.

“ang sama mo talaga Falone inire ako ni nanay hindi ako napisa sa itlog!”  ewan ko ba sa babeng to minsan iniisip ko baka may sira to sa ulo eh, kung ano ano kasi lumalabas sa bibig  minsan may katuturan minasan puro kabaliwan naman.

“ eh bakit ka ba kasi bigla bigla na lang sumusulpot? Tsaka anong kailangan mo sa akin diba ikaw ay isa sa mga photographer ngayon bakit ka nandito?”

 

“ eh hindi ko kasi mahanap yung partner ko, gusto ata tagutaguan kami kaya ayun” abba kailangang ngumiti ng napakalapad? Grabe talaga tong baabaing ire, kung makangiti paaraang wala nang bukas eh.

“ sira ulo ka ba? Imbes na hanapin mo tinataguan mo pa?!” sabi ko na nga ba eh, baliw siya baliw!

“ hay naku sira ka talaga Falone, hindi mo kasi alam bye.”  Ekk! Split personality? Uso pa ba yun? Biglang mababaliw tapos seseryoso.

Scarlet’s POV

 

Nababaliw na talaga si Falone napaka talaga, Masyado kasing over the top ang iniisip niya minsan tapos sasabihin nila ako ang nababaliw hindi ah! Sabi ni nanay ako nga daw pinakamatino sa aming magkakapatid eh, paano si kuya taong tambay si bunso mama’s boy ako independent ako. Marunong akong magluto, maglaba, mamalengke, kumain, matulog. Ang dami ko kayang alam! Hah!

“Chasie! Sino ba yung partner ko? Hindi ko kasi siya mahanap eh”

Tinatanong ko ngayon ang secretary ng newpaper club kung sino ba ang partner ko sa photography para sa school festival.

“Naku naman Scarlet, akala ko alam mo na.”

Nahalata niya siguro na may malaking question mark na lumulutang sa ulo ko.

“ Sige hintayin mo na lang siya diyan”

Tinuro niya yung bakanteng upuan sa club room namin. Kakaunti na lang ang nandito sa loob yung iba nag eedit ng mga sinulat nila at yung iba nageready nang lumabas para makakuha ng pwedeng kwento tungkol sa school fest. Lahat kami may partner tigdadalawang tao ang incharge sa headline, sa opions at kung ano ano pang makikita sa newspaper.

“ Good morning!! Everyone I’m back!”

Hindi ko na nilingon yung bagong pumasok sa room, kasi busy akong mag ayos ng gamit ko.

“ Scarlet andiyan na yung partner mo, ang swerte mo talaga”

Napatingala ako kay Chasie nang marinig ko na nandiyan na yung partner ko at hinarap ito.

“ Ikaw?!!”

 

“ You?!!!?

 

Ganun na lang ang pagkagulat ko nang makita ko ang magiging partner ko para Limang araw na school fest. BAKIT?!!!!!

Complicated Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon