School Fair. Wash day. Mahaba ang free time ng mga estudyante.
I wanted to see Kyle that day. Gusto ko lang din sya kausapin. Wala naman atang laro ng Basketball ngayon. So probably may free time din kami to talk.

I messaged him pagpasok ko sa gate.

"KYLE!! San ka?"

He didn't replied. Then nawala na agad sa isip ko yung text kasi dumating na yung mga friends ko. Si Abi, Si Jean and si Mau.

Laughtrip lang talaga yung morning na yun, as usual pa bibo si Abi. Samantalang kami ni Jean tawa tawa lang.

Si Mau medyo kabado that morning kasi mamayang gabi pageant na. And kasali sya sa beauty contest later.

"Akala ko nga di ka na papasok Mau eh." Sabi ni Jean.
Si Jean yung pinaka maliit sa aming apat. Pero pinakamalakas mangurot at manuntok sa braso.

"Halfday lang ako today. Sunduin ako ni Mama before lunch." Sagot sa kanya ni Mau.
"Mamaya pala guys may Laro kami ng Volleyball ha. Nuod kayo please?" Hirit ni Abi.
Ang pinaka-athletic sa aming apat.

"Sure sure, Ref ba si Sir Jon?" tanong ko sa kanya.

Si Sir Jon yung PE Teacher namen na medyo gwapo. Hihi.

"Baliw, hindi si Mam Arby daw ata ang Ref." ang sagot sa akin ni Mau.

Ugh. Si Mam Arby na walang patawad sa project. School Fair. Bukas nagpapasubmit ng project. Yung totoo Mam Arby. Walang puso? (Nag rant lang sorry.)

Biglang may tumapik sa likod ko.
Si Kyle. Kasama yung pawisan nyang friends.

"Panalo ba tayo sa Volleyball?" tanong ni Abi sa kanila.

'Diko alam na lalaro pala si Kyle ng Volleyball today. Wala naman syang nakwento.

"Hey Kyle!" I said to him. Smiling pa. Hanggang bunbunan.

"Kamusta guys?" He smiled to me, and sa aming apat.
"Yes panalo tayu sa Volleyball! Goodluck sa Girls Team later. " He told Abi.

Tapos naglakad na sila ng iba pang guys to the other side of the quadrangle.

I grabbed my phone just in case nagreply sya.
And wala namang reply..

So I messaged him again.
" Lakas maka dedma ha."

I was looking at them at the other side. Nanunuod sila ng Video sa Ipad nung isang guy.
He wasn't using his phone. Siguro nga nasa bag and nakasilent.

Oh well.

Mukhang busy sya this time. Mamaya ko nalang sya kukulitin.
Then nawala sa isip ko ulit yung message ko kay Kyle. Laughtrip kasi tong si Abi at si Jean. Binubully ang isa't isa. Samantalang itong si Mau. Selfie ata ng Selfie. Or kachat ata yung mama nya.

I was partially paying attention to them. Kasi paminsan minsan nalingon ako across kina Kyle. Just in case mapatingin sya towards our direction.

He brought out his Phone finally.
Nagtype and he put it down.

Yes! Baka magreply sya.
I was feeling my bag already just in case mag vibrate yung phone ko.

Walang nagmessage saken.

Iniignore nya yung message ko? Or not.
Ba't bako napapraning sa isang message lang?
Maybe he plans to reply later. I should not overthink.  Do not overthink.

He picked up his phone again. And maybe this time, ako na yung rereplyan nya.
He put it in his bag.

My phone didn't vibrate. So walang message. I was interrupted nung tumayo si Mau.

"Guys CR tayu!"  Nagyaya si Mau mag banyo.
"Sige sige tara"  Sumangayon naman si Abi.

"Ikaw Anne sama ka?" tanong ni Jean saken.
"Sige kayo na muna. Bantayan ko mga gamit niyo." ang sagot ko kay Jean.
"Alright. 'kaw bahala.."  Sabi ni Abi.

Binigay ni Abi saken yung bag nya. Tapos si Jean yung purse nya and si Mau yung last na nag-abot sa'kin ng Phone nya.

And they walked towards sa Restroom..which was sa loob pa ng school buildings.

Siguro lalapitan ako ni Kyle? Or I'll message him to do so.

Wala lang naisip ko lang. Siguro naman mapapansin nya na wala akong kasama?

So I put down their things and messaged him again.

"Badtrip, iniwan nila ako. Nag CR sila."

Siguro magegets nya yung sinabe ko.
No reply. I looked at him once again. And busy na naman sila.

Yari saken tong Kyle na to pag nagreply saken to! Kanina pako iniignore ah! KYLE-ZONED lang!

Finally he picked up his phone. And typed something. After a few seconds he put it down.
Walang nagmessage saken.

BEEP.
I saw Mau's phone light up.

Pero siyempre privacy. I didn't look who it is at first.
Pero there is this instinct in all of us na tingnan yung nag text or nagmessage sa katabi natin. 

Super guilty ako dyan.

I saw Kyle's name.

Kyle♥

Yes Ganyan yung name nya sa Phone ni Mau.


I wanted to open it. Pero I can't!
And eventually I did. Spur of the moment.I grabbed Mau's phone and look at the notification.
Kita yung first part ng message.


My heart stopped. I felt numb.
My chest was quickly filled with emotions.
I didn't know how to react.
I can't even explain how I'm feeling right now.


Kyle's message to Mau.

"... thanks ha. For everything. Really. For brightening up my days. And for making me happy"


As soon as I put the phone down. Dumating sila Mau , Abi and Jean.

I heard Abi said 'tara sa Canteen' and some more blabber.
 Pero at that point, wala nakong narinig. Yung parang sa pelikula na may sumabog na Granada? Yung single monotone sound lang yung naririnig mo after a loud blast.

I just stood up and ran.

I was crying hard. The hardest, in my short year of existence in this planet.
I've never felt this pain before. Ever.

They called my name. Pero ayaw ko makita nila ako na naiyak.

Ang hirap iprocess ng nangyari. Pano ba idelete lahat ng to?

Saklap lang talaga. Sobrang saket lang. Sobra.

"What seems to be real was just a dream.
And what was just a dream could be a real nightmare"


The End.

2AMBasahin ang storyang ito ng LIBRE!