Pangdalawangpu't walo

Magsimula sa umpisa

"Kahit si Taylor Swift?" tanong ko at tinignan na naman ako ng seryoso ni Blaine. "Hehe. You know, blank space. Kanta niya 'yun, ‘di ba? Got a long list of ex-lovers. They'll tell you I'm insane. But I got a blank space baby. And I'll write your name," Kumanta pa ako. "Ganda ng boses ko, Rolando? Gusto mo kantahan din kita ng Out Of The Woods?" muli kong tanong. "Ehem… Looking at it now, it all seems so simple."

Naputol ang pagkanta ko dahil biglang nagsalita si Eepe. Nasa tapat namin siya ni Blaine habang nakasakay sa espada niyang lumulutang.

"Anong kalokohan ito, Blaine? Bakit mo nililigtas 'yang tagalupa na 'yan?" galit na tanong niya kay Blaine.

"Tang inang 'to, e," sabi ko habang dinuduro si Eepe. "Alam mo, panira ka, e. Kung kailan ako kumakanta saka ka sisingit. Taylor Swift song ang kinakanta ko, boy. Tapos iistorbohin mo ako? Huwaggano’n. Pinag-iinit mo ulo ko, e," buwisit na buwisit na sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Tutok na tutok pa rin siya kay Blaine.

"Hindi ba obvious, Eepe? Ayokong mapahamak siya," seryosong sagot naman ni Blaine. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Pa-insultong natawa si Eepe. "Ha? Pati ba naman ikaw Blaine? Una, si Laxus. Trinaydor ni Laxus ang ating Goddess Erza at buong kaharian ng Florea para sa babaeng 'yan." Tinuro ako ni Eepe. "Tinalikuran niya ang mga kauri niya para iligtas 'yang babaeng wawasak sa ating lahat. Tapos pati ikaw at pati na rin si Caspian, tatraydurin kami? Mga wala kayong utang na loob sa lumikha sa inyo!" panunumbat ni Eepe.

"Tama. Tama. Wala silang utang na loob. Utang na loob sila ay wala. Tama. Tama." Narinig kong pagsasalita ni Oscuro mula sa ibaba. Bigla akong napatingin sa kanya at nakita kong nakahandusay si Caspian sa lupa habang pinapalibutan ni Oscuro ang katawan ni Caspian ng anino. Tumatalon-talon pa ang gago habang paikot-ikot siya kay Caspian.

Ang gagang Caspian naman nagpahuli kay Oscuro. Ok, fine. Salamat sa pagsagip sa akin kanina pero sana hindi na lang siya dumating kung magpapahuli lang din siya. Masusungalngal ko 'tong si Trisha later, e. Hassle tuloy ang nangyayari. Papaano siya masasagip ng ka-forever niyang si Blaine kung may kaharap na kalaban din 'tong genie ng mga e-bola.

"Blaine, si Caspian," bulong ko kay kuko at nginuso pa si Caspian na mukhang nae-enjoy ang pagkakasakal sa kanya.

"Shit," napamura si Blaine. Affected siya mga ate ko. Love na nga ba ituu? Hindi mapalagay si Blaine kung ililigtas niya ba si Caspian o kakalabanin muna si Eepe. "Ibababa muna kita, Jenny. Tulungan mo si Caspian."

"Papaano ko magagawa 'yun, aber? Wala akong powers!"

"May powers ka," sagot ni Blaine. "Hindi ka makakapagpalit ng anyo kung wala kang powers. Isipin mo lang ang kalagayan ni Laxus at mapapagana mo ang powers mo. Kapag nagkaroon ng opening, ibababa kita."

Napatingin ako kay Eepe at nakita ko siyang nagpalit ng anyo. Iyung mga balat niya naging kakulay ng espada. Kulay silver na matingkad. Pati 'yun mga hibla ng buhok niya at naging parang mga karayom na sobra ang tulis. Biglang yumuko si Eepe at itinapat niya sa amin ni Blaine ang ulo niyang sobrang daming karayom. Walang ano-ano'y bigla itong natanggal sa ulo niya't kumawala papunta sa aming dalawa ni Blaine. Mabilis naman ang pag depensya ni Blaine. May itim na ulap na bumalot sa aming dalawa. ‘Di ba, ilusyon lang ang powers niya? Bakit may ganern na siyang effects na nalalaman?

Nang dahan-dahan nawala ang itim na ulap ni Blaine mabilis niya akong ibinaba sa lupa. Susundan sana kami ni Eepe pero may itim na usok na naman na galing sa langit ang biglang sumulpot at pumigil kay Eepe. Parang kapangyarihan din ni Oscuro. Kaya naman pala, e. Parehas silang abnormal ni kuko.

"Tulungan mo si Caspian!" sigaw ni Blaine sa akin at muling bumalik sa langit para sugurin si Eepe.

"Kayo na talaga ni Caspian, e! Hindi pa kasi umamin. Amp!" sigaw ko habang nakatingala kay Blaine.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon