Pangdalawangpu't walo

88.3K 3.5K 1K


PANGDALAWANGPU'T WALO



Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ng genie ng mga kawatan sa Quiapo habang nasa himpapawid kaming dalawa. Ramdam na ramdam ko ang kamay niyang yumayapos sa aking tiyan ng ilang ulit habang patuloy naming iniiwasan ang mga espada ni Eepe na pinupuntirya kami. Punyemas na kuko 'to. Tsinatyansingan na ata ako, e. Hindi ko naman siya magawang suwayin dahil abala ang genie ng mga e-bola sa pag-iwas sa maraming espada. Lecheng Eepe rin 'to, e. Kapag kami natamaan ng espada niyang iyan malilintikan talaga siya sa akin. Isasaksak ko sa bayag niya 'yang mga espada niya.

Pero sa totoo lang hindi naman iyan ang pinoproblema ko ngayon. Ang tanging gumugulo sa isip ko ay kung paano naging magkasama 'tong si Rolando Berto Judas--ok, fine. Blaine na lang. Blaine kung Blaine. Akala mo naman kinaguwapo niya 'yang pangalan niya, e. Paano naging magkasama 'tong si Blaine at si Caspian? Dahil sa pagkakatanda ko noong last time naming mag get together e kaaway namin 'tong genie ng mga lamang lupa. Ilang weeks palang ang nakakalipas, ah. Sila na ba agad? RuPian na ba ituu? May new loveteam na bang nabuo? Kaya ba kami pinaalis ni Caspian noon para tumakas kuno ay para ma-solo niya si Kuko? Huwaw. Mga da-moves ni Caspian, e. Galawang Caspian talaga malulupit, e.

Lumipad kami sa mas mataas na bahagi ng madilim na himpapawid kaya nagkaroon ako ng chance para makapagtanong kay Blaine.

"Oy, Blaine. Kayo na ba ni Caspian?" tanong ko rito.

Gulantang siyang napatingin sa akin. "Ha? Pinagsasabi mo? Anong kami na?"

"Aysus, ang showbiz ng sagot. In-denial pa ang Kuya Blaine ko," tugon ko. "Kayo na ni Caspian as in, you know, item na kayong dalawa. Magka-relasyon. Magka-forever kahit wala namang forever dahil si Ed Sheeran nga hanggang 70 years old niya lang mamahalin ang mapapangasawa niya. After no’n, 'di niya na 'to love. Kayo na ni Caspian as in MU. Alam mo 'yung MU? Mukhang Ulaga. Mukhang unggoy." Tumawa ako. "Bagay kayo. Mukhang ulaga parehas. Mag-siyotang manloloka at malandi."

Hindi natawa si Blaine sa sinabi ko. Ang hayof na 'to walang humor. Tinignan niya lang ako nang seryosong tingin. "Hindi kami ni Caspian, Jenny. Tingin mo ipagpapalit kita sa iba? Ikaw lang ang babaeng iniibig ko. Ikaw lang ang babaeng minamahal ko."

Tinulak ko si Blaine dahil sa sinabi niya pero mabilis din akong napakapit nang ma-realize kong nasa himpapawid kaming dalawa. Plano ko sanang magwalk-out, e. Kaso baka pagwalk-out ko at paggising ko, kalangitan na ang babagsakan ko kaya huwagna lang. Next time na lang ako magwalk-out kapag nasa ibaba na kami ni Blaine.

"Hoy, kupal! Hindi porque’t iniligtas mo ako kanina at wala si Laxus sa paligid, babanatan mo na ako ng ganyan. Hindi ko pa nakakalimutan 'yung panloloko mo sa akin nakaraan gamit 'yang kapangyarihan mo. Ilusyon pa more," sermon ko sa kanya. "Saka, hindi ko pa rin nakakalimutan ang utang mo, 'no. P36, 500 din 'yun, ‘uy! Bayaran mo ako at magpapalagay ako ng dede."

"Jenny, puwede ba tigil-tigilan mo muna iyang mga kalokohan mo. Nasa seryoso tayong sitwasyon ngayon," pagsermon niya sa akin. "Nasaan ba si Laxus at pinapabayaan ka niya?" sabi ni Blaine habang ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't isa. Naamoy ko ang hininga niya. In all fairness, ang bango ng hininga niya, a. Kung kami pa, malamang kikiligin ako sa lapit namin sa isa't isa pero dahil hindi na kami at nag change of heart na ako, 'di na ‘ko kinikilig, 'no.

"Hindi niya ako pinapabayaan! Bugbog sarado na siya at biglang kinuha niyong... niyong genie ng space ba iyun? Kinuha siya niyon at kinulong sa isang portal."

"Ni Spencer?" tanong niya pabalik. "Shit. Paano natin makukuha si Laxus do’n? Walang sino mang genie sa Florea ang nakatuntong sa space ni Spencer."

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now