7. The House Selection

108K 3.9K 320
                                    

Nang tangkain kong lapitan si Laurent, ay parang paralisa ang ilang bahagi ng aking katawan. Tila binuhusan ako ng isang semento at unti-unting nanigas ang aking kalamnan. Naramdaman ko ang pag-akyat ng lamig sa aking katawan. Namamanhid ang kaliwang binti ko habang sabay sa mabilis na pagtibok ang aking puso. 

Mabilis. 

Bawat kabog ay ramdam ng unit-unting naninigas kong katawan. Mga ilang minuto akong nahirapang gumalaw. Pilit kong nilabanan ang paninigas ng buo kong pagkatao. Habol ang bawat malalim na paghinga naramdaman ko ang init sa aking dibdib. Tila sinusunog nito ang bawat ugat na madaanan. Mula puso hanggang sa kumalat ito sa buo kong katawan. Sinusunog ng init ang nanlalamig kong katawan. Mahapdi. Nakakapaso.

Paralisado na at walang malay sina Amber at Laurent nang mahawakan ko. Sa labinlimang keepers na nasa gitna ng stadium, ako lang ang gumagalaw at walang malay habang ang mga taong kanina'y panay ang hiyawan ay natahimik sa di ko malamang dahilan.

Anong nangyayari saakin? Bakit ako lang ang hindi tuluyang naparalisa at nakakagalaw sa lahat ng baguhang keepers? Bahagi ba 'to ng pagiging ordinaryo ko o may kinalaman ang kanina'y nasusunog na pakiramdam sa aking dibdib? Bakit biglang nawalan na lang ng malay sina Amber kasama ang iba?

Nagririgodon ang mga tanong sa aking isip habang takot na takot akong inilibot ang tingin sa mga taong gulat na gulat din sa mga pangyayari. Marahil ay inaasahan din nilang mawawalan ako ng malay. Marahil ay yun ang inaasahang epekto ng kung anumang mahika na kumalat at nagpawalang malay sa mga baguhang keepers. Magpapanggap ba akong paralisado at wala ding malay?

Bago pa nagdebate ang mga ideya sa isip ko, boluntaryo nang bumigay ang aking katawan ko. Marahil ay sa sobrang pagod na rin. Sinakluban ako ng dilim.


***

Tatlong beses na malalakas at magkakasunod na ingay ng relo ang gumising saakin mula sa mahimbing kong pagtulog. Huling naalala ko ay nawalan ako ng malay sa gitna ng arena habang sinasaklolohan sina Amber at Laurent. Napansin kong nasa isang malaking silid ako kasama ang ilan pang mga babaeng keepers na nakaligtas mula sa annual abduction. Pito kaming nandoon sa silid. Marahil ay isa si Amber sa mga mahimbing na nakatalukbong sa mga nakahilerang kama. Napabalikwas ako bigla nang isa pang nakakabinging sirena ang tumunog. Sinundan iyon ng isang audio na sa tingin ko'y dinig sa buong lugar kung nasaan man ako.

"Attention keepers, ngayon ay ang araw mg pagsalubong sa mga labinlimang nakaligtas sa annual abduction. Mangyari ay magtungo kayo sa selection hall para na pagpili na magaganap ilang minuto mula ngayon. Sa ating new keepers na nasa healing house, maghanda na kayo para sa nalalapit na House's Selection. Ang inyong mga kasuotan ay nakahanda na sa mga tokador na matatagpuan sa labas ng inyong kwarto. Aasahan namin ang inyong pagdating sa loob ng apatnapung minuto!"

Hindi ko inaasahan ang agarang pagbangon ng mga kasama ko. Walang nagpahuli sa pagtakbo sa banyo upang magshower at maghanda para sa nalalapit na pagpili.

"Lara! Bilisan mo!" Nagulat pa ako mula sa aking likuran ay hinila ako ni Amber patungong banyo.

Malaki ang shower room ng gusaling iyon. Kasya ang dalawampung katao. May higit sa sampung shower cubicles, may powder room paglagpas ng anteroom, at may dressing area sa bandang dulo ng powder room. Ni hindi ko namalayang nakabihis na ang mga kasama namin at parang walang nangyaring patayan nung nakaraang araw.

"Amber, hindi ba't yan ang mga sumugod saatin nung nasa arena tayo?" Tukoy ko sa mga kasama naming babaeng keepers na abala sa pagbibihis at tila walang nangyari.

"Hah?" Takang tanong ng babae na noo'y sinusuklay ang malaporselanang buhok.

"Nananaginip ka ba? Walang arena sa Garon Forest. Hindi ba't paglagpas natin ng lagusan ay dito na tayo napadpad?"

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon