Chapter 2: Poenix Ignacio

97 1 0
                                    

Love's POV

Short Horror Story, Monday nanaman ngayon! -_- anakngputs. ang sakit isipin na kailangan naming mga studyante na gumising ng ganito kaaga para lang pumasok sa skwela. :( Hays. StudyanteProblem</3

"JANICE LOVE!!! BUMANGON KA NA DYANG BATA KA!! ABA NAMAN. PUYAT KA NG PUYAT KAYA KA NAGMUMUKA KANG GURAMI 'DYAN EH!!" Harujusko! Nanay Alert! Nanay Alert! :3 Rapper. Minsan si Abra, Madalas si Mama. xD

"Opo! Babangon na." Hay hirap -_-

"Bilisan mo dyan at baka maiwanan ka nanaman ng Kuya mo!" May bago ba? Lagi naman akong naiiwan e. AbatekaHugotto! XD

Nga pala geysh, Nasabi ko na sa inyo na may Kuya ako diba? Poenix Ignacio ang pangalan niya. 17 y/o. 1st year college. Siya lang naman ang tinaguriaang Prince of Chick. Eh pano ba naman kase. Dakilang Chick Boy. Walang pinalalampas na magandang babae. Kahit nga ata mukang agila pinapatos nun e. Napaka protective din nun. Isa siguro siya sa mga dahilan kung bakit di ako magka boyfriend. -_- Hay buhay! Parang Life. :3

"Hoy Babae! 5 minutes na lang aalis na ako. maiwan ka dyan!!"

"Kuya naman!! Kauupo ko lang e. pakainin mo muna ako. Natutuyo na ako oh."

"Tuyo ka naman talaga e. Bilisan mo!" Tapos lumabas na siya ng Bahay. Psh. -_- Uminom na lang ako ng gatas at sumunod na sa kanya sa labas. Sumakay na ako sa kotse niya at hinigpitan ang seatbelt. Alam ko na kase ang mangyayari.

*heeeeeeeenggg*

"Waaaa! Anak ng tinapa!! Kuyaaaa! magdahan dahan ka!! Gusto ko pang grumaduateeee!!!"

"Kumalma ka nga dyan. Hays. Ang OA e." kumalma? As if namang kakalma ako sa pag dadrive nito! Walang humps humps sa kanya e!

"Waaaaa!! Emegessshh!!"

"Hoy! maawa ka nga sa lalamunan mo!"

"Mas maawa ka sa kaluluwa mo!! Ayoko pang mamatay!!" Sana pala naglakad na lang ako papuntang school. T_T Ayoko pang Mamatay. Gusto ko pang magkaboyfriend e! :(

Sa sobrang kaba, napatakip na lang ako ng Mata at "Aba ginoong mariya napupuno ka ng grasya. Alam ko pong kampon ni Taning ang kapatid ko pero kung kukunin nyo na po siya ngayon, huwag niyo na muna po akong idamay. hayaan niyo na muna po akong magka jowa parang awa niyo na po- -"

"Ang Arte. nasa school na tayo tanga! Baba na bobo!!" Aray ha! Makapag salita 'tong tao na 'to akala mo di ako kapatid ah? -_-

"Owmaygash!!! Ayan na si Prince Poenix!! Myghad. He's so gwapoo as ever!! *Q*"

"ohmyy! Poenix Babyy!! Please be mine!"

"I LOVE YOU POENIX MYLABS!!"

Ganyan ang laging eksensa tuwing umaga sa school. Sikat kase si Kuya e. Ewan ko ba. -_- Palibhasa malakas ang sex apeal. Kahit sana yun man lang namana ko sa knya :(

"Good Morning Sweethearts! ;)" Ang landi talaga ng Kapatid ko. Sabagay. ako din naman e. XD

"Waaaaaaa! Ang cool niya. *Q*" Makaalis na nga at pumapanghe nanaman sa paligid. Malamang marami nanamang naihi sa kilig sa Kuya ko. :3

Poenix' POV

Hi Sweeties! ;* Ang gwapo ko, hays. :3 Kilala niyo na ako diba? No need na para magpakilala ang gwapong katulad ko. :)

Kung hindi pa nasasabi ng Kapatid kong Had had ang tungkol sa school namen, pwes ako na lang. Gwapo naman ako e. *wink* Nag aaral kami sa isang International School. International University School of Infinity. :) May tatlong department sa school namin. Elementary, High School saka College. Iba't ibang studyante ang makikilala mo dito sa school. May mga Nerd, Mayayabang, Mga Feeling, Mga Bitch at Jerks etc. Ok na yun! nakakapagod din pala magkwento. -,-

"Poenix, pare! Long time ah?" Sabay akbay sakin ni Troy De Guzman. Tropa ko. At katulad ko, palagi rin siyang hinahabol ng mga kababaihan.

"Pare wala kang kupas ah? Hangang dito ba naman sa hall way pinagnanasaan ka ng mga kababaihan. Idol men!" Si Lucas Torres. Tropa ko din. Syempre katulad namin, gwapo din yan. Kaya lang masyadong magaso. -_-

"Hindi ka na nasanay sa pang araw-araw na gawain ng mga babae na yan. mga mukang asong habol ng habol. -_-" Si Aaron Lee. Tropa ko din. Gwapo at pinaka suplado. :3 Woman Hater ampupu..

"Hayaan niyo nga sila mga pare. Yan na lang ang libangan nila e. Ang pagnasaan ang kwlagwapuhan ko." Totoo naman diba? ^^

"Ang kapal ng muka ng kurudong to!" Apaka sungit ng Aaron na to. May dalaw ata. XD

"Pare. pagtripan mo yung babaeng mukang nabagsakan ng yero sa muka na yun oh!" Siraulo talaga tong Lucas na to.

"Ayoko pare. Masamang manakit ng babae."

"Sa Mundong ito, kundi ka masasaktan hindi ka matututo! Sige na pre. Ang KJ e."

"Nababakla na ata ang Prinsipe." Sabay smirk ni Troy. Aba teka!! Parang minamaliit nila ang kakayahan ko ah?! Si Poenix Ignacio?! Tss! Manuod sila.

"Watch and Learn, dude. *smirk*"

Paglapit ko dun sa babae, agad siyang napalingon sakin dahil tinuro ako ng nga kasama niya. Gulat na gulat pa nga siya ng makitang nasa harapan niya ako. Mukang sabukot tong babaeng 'to. -_- May mas lalala pa pala sa itsura ni Love. :3

"Hi Miss. ;)"

Love's POV

Papunta ako ngayon sa room ng butihin kong kuya para ibigay ang I.D niya. Nakakapag taka. Nakapasok ng gate ng walang I.D? O.o Kasama ko sa paglalakad sa hall way ang mga kaibigan ko.

"Love, look! Anong eksena nanaman yang ginagawa ng kapatid mo?" Si Misty Cruz. Kaibigan ko since Elementary. Maganda. Matalino. Topakin. :3

"Pati ba mukang hito, pinapatulan na ng kuya mo?" Si Jessica Garcia. Kaibigan ko rin. Joker saming tatlo. Look out yan sa mga gwapong naka paligid. Matalino. Maganda rin yan. Ako lang ata ang naligaw eh. -_-

"Hayaan niyo nga yan. Tara bigay na natin 'tong I.D niya. Naaalibad baran ako sa nga pagmumuka ng tropa niya." Talaga naman e. Lalo na si Lucas! Tsk. lagi na lang niya akong nilalait. akala mo naman kagwapuhan.

"Panuorin muna natin yung gagawin ng kuya mo. Ang KJ nito. Stay there!" Wow. ano ako? Aso? -_-

Lumapit si Kuya dun sa babaeng hinahabol ng suklay. Halatang kilig na kilig yung babae. :3 Hinimas ni kuya yung buhok ng babae sabay kindat. Feel na feel naman ni girl. Pulang pula na siya e. Samantalang si Kuya naman naka smile lang. Nagulat ako ng biglang lumuhod si Kuya sa harapan nung babae. Tapos bigla niyang inilagay yung kamay niya sa likuran niya. Parang mayhuhugutin siyang Bulaklak sa bulsa niya sa likod. Yung babae, mukang naipitan na ng tumbong sa kilig. At pagkatapos...

"KAMEHAME WEYBBB!!!"

That &quot;Pag-ibig&quot; thingy.❤Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum