S P E C I A L C H A P T E R

2.6K 65 21
                                    

Humahakay pa ako nang lumabas sa kwarto, wala na si Tristan sa tabi ko. Dumeretso ako sa kwarto ng anak naming si Axel na himbing pang natutulog, magulo ang kwarto niya dahil nakakalat pa ang mga laruan sa sahig. Sinara ko ulit ang pinto at naglakad na papunta sa hagdanan, nasalubong ko si Ellish at agad itong naglambing sa paa ko kaya binuhat ko ang alagang pusa ni Tristan.

Bumaba kami at nagtungo sa kitchen, naabutan ko si Tristan na busy sa pagluluto kaya inilapag ko si Ellish sa sahig at agad ko siyang nilapitan habang nakatalikod at niyakap.

“Good morning,” bati ko sa kanya, agad naman itong napalingon at hinarap ako.

“Ba’t ang aga mo? Gusto mo ba ng kape?” tanong ni Tristan sa akin.

“Yes please, nagising kasi ako wala ka na,”

“Sige na, maupo ka na. Magtitimpla na ako,” naghilamos muna ako bago naupo.

“Sorry Tristan kung hindi kita matulongan, ang dami ko kasing ginagawa sa company. Hindi ko tuloy kayo maasikaso ni Axel.” nalulungkot kong sabi, sa totoo lang dapat naman talaga ay ako ang nag-aasikaso sa mag-ama ko pero mas gusto ni Tristan na siya ang mag-asikaso sa amin. Naging hands on siya kay Axel at sa gawaing bahay simula noong baby pa ito hanggang ngayon.

Humarap naman sa akin si Tristan dala ang tasa ng kape at inilapag iyon sa mesa bago pinisil ang pisngi ko.

“Ito na naman tayo, ’di ba sabi ko okay lang naman sa akin at masaya ako sa ginagawa ko? Saka hindi mo na rin naman kailangan magtrabaho, pinapahirapan mo lang sarili mo d’yan sa kompanya niyo” paliwanag nito, tama siya dahil malaki ang savings niya at may mga negosyo rin siyang naipatayo.

“Wala nang aasahan si Dad kung ‘di ako at si ate, para rin naman sa inyo ni Axel ‘tong ginagawa ko e,” sagot ko at nahihiyang nag-iwas ng tingin kay Tristan.

“Alam ko naman ‘yon, naiintindihan kita. Kaya nga mas pinili kong pagsilbihan kayo ni Axel, hindi ako magsasawang alagaan kayo okay?”
Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya at pinagmasdan siya sabay ngiti. Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng apron kaya nadagdagan ang paghanga ko sa kanya.

“Iniisip ko lang kasi na baka nahihirapan ka na, lalo pa at ayaw mo nang may kasamang maid dito sa bahay. Baka napapagod ka na hindi mo lang sa akin sinasabi,”

“No, hindi ako mapapagod. I enjoy being a handsome full time husband,” pagpapacute nito kaya hindi na naalis ang ngiti ko sa labi.

“Mukha naman talagang masaya ka d’yan, sige i-push mo ‘yan,” biro ko, tumalikod na ito at inasikaso ulit ang niluluto.

“Siya nga pala, kumusta si Axel sa school?” tanong ko habang nakatalikod si Tristan at panay ang halo sa niluluto, tinakpan niya lang iyon at humarap ulit sa akin.

“He is good at academics and activities, marami rin siyang friends at maraming may crush sa anak mo. Kanino ba magmamana? Siyempre sa akin,” pagyayabang ni Tristan kaya napaismid ako, inubos ko lang ang kape ko at tumayo na.

“Saan ka pupunta? Maghahanda na ako ng breakfast,” tanong ni Tristan.

“Maliligo na muna ako, baka malate ako e. Don’t worry, dito ako magbibreakfast.”

“Okay bilisan mo, gigisingin ko na rin si Axel pagkatapos ko rito.” pahabol ni Tristan, pagdating sa kwarto ay hinanda ko sa kama ang isusuot ko at pagkatapos ay dumeretso na ako sa banyo para maligo.

Matapos magbihis at ayusin ang sarili ay lumabas na ako ng kwarto, pinuntahan ko ang anak ko sa kwarto niya at naabutan ko si Tristan na ginigising na si Axel pagkatapos ay pinulot ang mga laruang nakakalat sa sahig. Nang bumangon ang anak namin sa kama ay agad akong lumapit sa kanya at kinarga siya kahit na sobrang bigat na nito.

Forced Marriage to a Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon