APOSTLE THIRTEEN SPECIAL

Magsimula sa umpisa

"Ano ba naman kayo, syempre Apostle war yun, lahat ng mga pangyayari doon, brutal, patayan, yah!!!" at pumorma pa ito na parang may kalaban.

"In short imagination mo lang lahat ng description mo"

"Kuya!"

Napatawa na lang ang pinsan sa magkapatid, umiwas naman ng tingin ang panganay at nakasimangot ang isa.

"Sa tingin nyo naandito kaya yun?"

"Ang alin?"

"Yung maskara ng mga Apostles." Excited na sabi nito na napapatalon pa sa kinalalagyan.

"After the fight, bigla na lang nawala ang mga Apostles at walang nakakaalam kung nasaan na sila. Malay nyo, naiwan nila dito yung mga maskara at—aray! Bakit nambabatok ka?"

Nakahawak ito sa ulo saka tinitigan ng masama ang kapatid. Nasa kalagitnaan pa sya ng pagkwekwento nya at hindi nya maiwasang itago ang excitement sa pagkwekwento lalo na ng tungkol sa mga Apostles pero itong kuya nya, KJ talaga.

"Sira ka ba? Sa tingin mo hahayaan lang nila na maiwan dito ang mga maskara nila at kung maiwan man nila yun, it's been 16 years kaya sigurado na may nakakuha na nun na iba, isa pa, noon paman, sikreto na ang katauhan ng mga Apostles..."

Mas lalong napalawak ang ngiti ng pinsan sa sinaad nito. Alam nyang matalino ito pero katulad ng magulang nya pero hindi nya parin maisip kung papaano nya nagagawang asarin o batukan na lang ng ganun ang kapatid.

"Sinong naandyan?"

Agad nabaling ang atensyon ng tatlo ng isang ingay ang sumalubong sa kanila. Naaninag nila ang liwanag na nagmumula sa flashlight na pilit na hinahanap sila.

"Patay!"

"Takbo!"

Agad na tumakbo ang tatlo lalo na ng makita ng guards na nagpapatrol sa buong lugar. Halos mapasubsob sila sa lupa dahil sa walang preno na pagtakbo makatakas lang dito.

Inalalayan ng dalawa ang babae para makasampa sa pader at saka iniabot nito ang kamay para tulungang makaakyat ang dalawa. Mabilis silang pumasok sa sasakyan at pinaandar ito.

"Woooaahhh!!!"

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng tatlo kasunod ng malakas na halakhak ng makatakas sa guards. Nakita pa nila ang reaction nito habang hinihingal na iniilawan at pumipito sa kanila.

"Shit!"

Agad na kinabig nito ang steering wheel ng isang patrol car ang sumalubong sa kanila.

Alam nila na restricted ang buong lugar at pagkakulong ang katapat ng kung sinoman ang mahuhuli dito pero hindi talaga nila maiwasang hindi pasukin ang lugar at alamin ang kwento sa likod nito.

"Babangga tayo!"

This time, ang pinsan naman nya ang kumabig ng manubela. Napasandal sila at humugot ng malalim na hininga matapos makaiwas sa isa sa mga puno. Napatingin ang tatlo sa isat-isa saka malakas na napatawa.

"Yes!"

"Let me drive!"

Humakbang sa unahan ang babae at itinulak palayo ang pinsan habang nakaalalay sa manubela.

"Wala kang lisensya"

"Who said na kailangan ko ng lisensya para makapagdrive?"

Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito bago binilisan ang pagpapatakbo.

"Woaahhhh!!"

Napalingon sila sa patrol car na malayo na sa kanila saka napa up here sa kapatid. Nasa kalagitnaan na sila ngayon ng highway at hindi parin nagbabago ang bilis ng mga ito.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!