Chapter Twenty Five

48.1K 674 7

CHAPTER TWENTY FIVE

ZAYL'S POV

Hindi ako makapaniwala sa ikinuwento ni Aling Rosa. Akala ko napakabait ng mga amo nila.

Namuhay ako na iniisip kung paano sila mapapasalamatan pero sa nalaman ko, hindi ko na maramdaman na may dapat pa akong ipagpasalamat sa kanila.

Oo nga't tinulungan kami nung Mauricio pero kung hindi rin naman dahil sa kanila hindi sana mawawala ang mga magulang ko.

"Matagal na akong walang balita sa mga naging amo namin. Simula nung umalis kami ni Linda ng mansyon." Sabi ni Aling Rosa.

"Ganun po ba." Sabi ko.

"Sandali lang at kukuhanin ko lang 'yung ibibigay ko sayo." Sabi ni Aling Rosa.

Nandito kami sa bahay nina Aling Rosa. Walang tao kundi kaming dalawa lang. Ilang minuto bago siya bumalik sa sala at naupo ulit.

"Sumulat sakin si Linda, siguro mga ilang buwan bago siya nawala kung sinabi mong mag- i- isang taon ng patay ang mga magulang mo." Kuwento ni Aling Rosa.

Tumango lang ako at nakikinig habang hawak niya ang papel.

"Iha basahin mo ito." Sabi pa niya.

Iniabot sakin ni Aling Rosa ang sulat ng Inay sa kanya. Nakita ko ang address namin sa Amerika. Kinakabahan akong basahin ang nilalaman ng liham.

Aling Rosa,

Kamusta na ho kayo? Pasensya na kung ngayon lang ako nagparamdam. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung diyan pa rin kayo nakatira pero nagbabakasakali ho ako. Sana ho'y makarating itong sulat ko sa inyo.

Aling Rosa, may gusto po sana  akong hinging pabor sa inyo. Nitong nakaraang linggo ho ay may napulot akong papel sa may gate ng bahay namin. Hindi ko po kilala kung sinong may gawa noon at ako'y nagpapasalamat na ako ang nakakita. "Linda, sulitin mo na ang masasayang araw ng buhay mo." Iyan ho ang nakasulat sa papel.

Natakot ho ako at isipin pang buntis ako. Hindi ko po ipinaalam sa mag- ama ko. Ayaw ko silang idamay at mag- alala pa. Ilang linggo ho ang nakalipas at wala ng sumunod na sulat. Naisip kong baka isa kina Zayl ang nakakatanggap na, pero kung may natanggap man sila, siguradong sasabihin naman nila sa akin.

Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Ilang taon na kami dito sa Amerika at bigla na lang may mananakot sakin ng ganito. Gusto kong magsiguro Aling Rosa. Ayokong mamatay ng hindi nalalaman ni Zayl at ng asawa ko ang totoo.

Marahil nagtataka kayo kung bakit sa inyo ko ito sinasabi at hindi sa mag- ama ko mismo. Dahil nung magkasama ho tayong namalengke noon, napansin ko hong may nginitian kayong babaeng kamukhang- kamukha ng kakilala ko dagdag pa ang itim na nunal sa noo niya. Nagpapasalamat ako at hindi niya ako nakita. Siya si Lucy Florez. Siya ang tunay na ina ni Zayl.

Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanila ang totoo. Hindi rin alam ng asawa ko ang tungkol doon. Ilang taon ko silang niloko. Pero minahal ko ang anak ko ng totoo. Ni hindi ko inisip na hindi ko siya kadugo. Kung wala sigurong nagbanta sa akin, hindi ko nasisiguro kung gusto ko pang malaman nila ang totoo pero ito na ang tamang panahon.

Alam kong nagkamali ako, napaka- duwag ko para sayo ko ho ito unang sabihin, Aling Rosa. Pero matutulungan niyo ho ako at ang anak ko para makita si Lucy. Pangalan lang ho niya ang alam ko.

Hindi ko masabi sa mag- ama ko noon dahil maysakit ang asawa ko. Pero naisip kong pagka- panganak ko, sasabihin ko na sa kanila at papupuntahin ko si Zayl sayo Aling Rosa para makilala niya ang tunay niyang magulang. Alam kong mahal ako ng anak ko at aasa akong babalik siya dito.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!