Chapter 27

48.4K 678 4

CHAPTER 27

MARK

Hindi talaga ako makapaniwala sa ikinuwento ni Karren sakin. Paano nailihim sakin ni Crystal 'yun? Ni hindi man lang ako pinagkatiwalaan eh di sana hindi na ako umasa pa na mamahalin din niya. Pero oo tapos na 'yun kaya nga hindi na ako nagagalit kay Crystal dahil masaya na ako sa buhay ko ngayon. Nalulungkot lang ako para kay Karren dahil siya ang higit na nasaktan.

Hindi ko masisisi si Karren sa galit na naramdaman niya nung malaman niya ang tungkol kina Crystal at James. Kilala ko si Karren, madaling maghilom ang sugat sa kanya kaya nasisiguro kong mapapatawad din niya sina Crystal.

Papunta ako sa bahay ngayon nina Crystal. Sigurado akong magugulat siya kapag nakita niya ako.

"Mark?" Ang mommy ni Crystal.

"Tita," nakangiti kong bati at niyakap siya.

"Iho, kailan ka pa dumating?" Tanong ni Tita.

"Kahapon lang po, nabalitaan ko po kasi ang nangyari kay Crystal. Nasaan na nga po pala siya?" Sabi ko.

"Nasa kuwarto nagpapahinga, halika para makapag- usap kayo." Si Tita.

"Sige po." Sabi ko at sumunod na nga sa kanya.

Kumatok si Tita sa pinto ng kuwarto ni Crystal at pagkatapos ay siya rin ang nagbukas.

"Iha mabuti naman at gising ka, may surpresa ako sayo." Narinig kong sabi ni Tita atsaka tumingin sakin para magtuloy na ako sa loob. Nakita ko ang pagkagulat ni Crystal.

"Mark!" Banggit niya sa pangalan ko na halos mangiyak- ngiyak na. Napaupo siya sa pagkakahiga.

"Maiwan ko na muna kayo." Si Tita.

"Salamat po Tita." Sabi ko at tinapik lang ako sa braso habang nakangiti sakin.

"Oh, ano'ng ginawa ko sayo? Bakit ka umiiyak?" Biro ko sa kanya kasi napansin ko ngang humihikbi na siya.

"Payakap nga kung totoo ka." Sabi pa niya.

"Baka may magselos."Sabi ko ng nakangiti.

"Please?" Pagmamakaawa niya.

Lumapit ako sa kanya at nagpayakap na nga sa kanya at lalong umiyak ng umiyak.

"Sobra mo ba akong na- miss?" Tanong ko at tumango siya.

"Mahal mo na ako?" Pagbibiro ko pa.

"Mark naman eh." Sabi niya.

"Just kidding." Sabi ko.

"Kamusta ka na, bakit ka nandito?" Sabi niya.

"Bakit ayaw mo ba?" Sabi ko.

"Bakit nga?" Tanong niya ulit.

"Eh kasi nabalitaan kong nagtangka kang magpakatanga." Sabi ko.

"What?" Sabi niya.

"Hindi mo ba alam na mga tanga lang ang gumagawa nun? Iniwan lang kita, magpapakamatay ka naman agad." Sabi ko at biro lang 'yung huli.

"Mark," iyon lang ang nasabi niya.

"Alam ko na," sabi ko.

"Alam ko na ang mga nangyari nung wala ako." Sabi ko pa.

"Paano?" Sabi niya.

"Nagkausap na kami ni Karren."

"Mark, ang laki ng kasalanan ko sa kanya, namin ni James." Sabi niya.

"Tapos na 'yun, hayaan niyo na lang muna si Karren. Hindi natin siya masisisi kung nagalit siya. Lilipas din 'yun I'm sure." Sabi ko.

"Sabi ni mommy, pumunta daw si Karren sa hospital nung wala pa akong malay. Sa tingin mo, napatawad na niya kaya ako?" Sabi ni Crystal.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!