“Maupo ka Tristan, wala ang anak ko rito.” seryosong sabi ng Daddy ni Ellaine.
“You are the reason why I came here sir,” kinakabahan kong sagot at napalunok muna bago ipinatong ang attached case sa center table. Binuklat ko iyon at kinuha ang cheque na nagkakahalaga ng ibinayad niya noon sa akin.
“Hindi ko po ginalaw ang perang ibinigay niyo sa akin noon, nilagay ko po sa bangko at gusto ko po sanang isauli sa inyo ito,” nakatungo kong sabi ay itinulak sa harap ng matanda ng cheque.
“Bakit mo isasauli? Sa iyo ‘yan dahil nagawa mo ng maayos ang trabaho mo,” may pagtataka nitong tanong.
“Hindi po mapapantayan ng pera ang pag-aalaga at pagmamahal ko sa anak niyo dahil wala pong kapalit iyon. Gusto ko pong magpasalamat ng personal dahil sa akin niyo po siya pinagkatiwala noon. I really love your daughter sir, I would like to ask for your trust again. Panghabang buhay na tiwala po dahil habang buhay ko rin mamahalin ang anak niyo,” lakas loob kong sabi habang nanginginig ang boses.
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo?”
“Yes sir, wala pong dahilan para hindi ako maging sigurado,” sagot ko.
“Alam mo namang kapag nasaktan uli ang anak ko, kayang-kaya ko siyang bawiin sa ‘yo.”
“I know po, and I don't want that to happen again sir.” paliwanag ko sa matanda.
“Okay, I love my children and I really don't want them to get hurt, but if my daughter is happy with you again I will be happy too. Ellaine is so precious to me kahit napakatigas ng ulo pero nagbago siya dahil sayo, ibig sabihin ay mahal ka talaga ng anak ko. Sino ba naman ako para hadlangan ang kasiyahan niya?”
“Thank you sir,”
“Please, love my daughter more than I love her, Tristan. Welcome to our family.” umaliwalas ang mukha ko sa narinig, nakangiti sa akin ang Daddy ni Ellaine kaya paulit-ulit akong nagpasalamat.
ELLAINE
“Come in,” utos ko sa kumakatok, pumasok naman ang editor at pinakita sa akin ang mga sample na ginawa niya para sa magazine.
“How is it Ms.Go?” tanong nito, tumango-tango naman ako habang pinagmamasdan ang ilang pages ng mga samples sa laptop niya.
“Good, actually lahat naman pero I like this one para sa cover,” tinuro ko ang picture ni Tristan at ni Kai nang magkasama, parehas itong nakabeach shorts at parehas nakahubad. “Iyong iba, pakisend na lang sa email ko para ma-check ko mamaya okay?”
“Yes Ms.Go, thank you po.” sagot nito at nagpaalam na rin sa akin. Pag-alis ay binuksan ko ang blind kaya napangiti ako nang matanaw ang billboard ni Tristan.
“Don't smile like that, masyado ka na naman busy kaya namimiss na agad kita,” sambit ko at parang baliw na kinakausap ang tinatanaw na Billboard ni Tristan. I’m totally healed dahil sa kanya, at hindi ko rin naman talaga siya kayang tiisin kahit palagi ko siyang kinukulit na pirmahan ang divorce paper.
Talaga nga sigurong hindi na mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. I really love him, pero bakit nga ba hindi pa niya ako tinatawagan? Masyado ba siyang busy?
Napalingon ako sa likuran nang tumunog ang phone kong nakapatong sa desk kaya agad akong lumapit doon sa pag-aakalang si Tristan ang tumatawag.
“Hello Louie? Bakit?” tanong ko nang sagutin ko ang tawag nito.
“Magkita tayo Ellaine, tayong dalawa lang,” malungkot ang boses nito kaya hindi ko na rin napigilang mag-alala, sinabi lang nito ang address at tinapos na ang tawag.

BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEverything she wants, she can get and that's Ellaine Go, the spoiled brat daughter of a Billionaire. She thought her life would be perfect like in fairytales when she owns Tristan and became with her. Ang lalaking iniidolo at kinababaliwan ng marami...