"Ate this is Maggy. Maggy meet my Ate Ria!" ngumiti sa akin ang Ate niya. Lumuhod siya sa harapan ko para maging magka-lebel kami. 

"Hello Maggy! Ako nga pala ang Ate Ria ni Jack" sabi niya sa akin.

"Ako po si Maggy..." ngumiti ako sa kanya. Kinurot niya ang pisngi ko.

"You are so cute! Namumula ka pa. Don't be shy..." mas lalo akong namula sa sinabi niya. Tumayo na siya ulit. 

"Ate sila Mama kasama mo ba? Pwede bang isama natin si Maggy sa bahay?" natawa ang Ate niya sa sinabi ni Cede. 

"Nasa sasakyan sila Mama. Maybe next time Cede. We need to ask permission first sa parents ni Maggy..." 

"Hintayin nalang natin ang Tito niya, Ate para makasama si Maggy sa atin!" sabi pa ni Cede. Mas lalong natawa ang Ate niya.

"Ang bilis namang lumaki ng Baby namin..." mas lalo siyang napangiti. Nagulat ako ng makitang hindi si Tito Mau ang susundo sa akin kung hindi si Mama. Napatakbo ako papunta sa kanya.

"Mama!" yumakap ako sa kanya. "Wala ka na pong work?" tanong ko sa kanya. Kinuha niya ang panyo ko at pinunasan niya ako sa mukha dahil pinagpapawisan na ako.

"Pinauwi kami may emergency kasi" tumango nalang ako. Biglang lumapit si Cede at ang Ate niya. 

"Tita Marielle? Tita!" sabi ni Ate Ria. Nagmano siya kay Mama ganoon din ang ginawa ni Cede. "Anak niyo po?"

"Ria! Kailan ka pa nakauwi? Oo, eto nga pala si Maggy. Siya ba ang bunso mong kapatid?" tanong ni Mama.

"Ngayon lang po Tita. Kakagaling lang po namin sa airport. Kamusta po kayo?" tanong niya kay Mama.

"Mabuti naman! Ikaw kamusta ka? Ang tagal mo ring nawala. Ang balita ko sa Mama mo ay ga-graduate ka na ng high school ngayong taon" sabi ni Mama.

"Opo Tita. Napauwi lang po ako para mag-bakasyon. Hindi rin po ako magtatagal" tumango lamang si Mama. "Pauwi na po ba kayo Tita? Sumabay na po kayo sa amin naka van naman po kami" medyo nag-alinlangan pa si Mama ngunit sa huli ay pumayag din siya. Malapit na kami sa van ng lumabas ang isang pamilyar na babae. Si Tita Elisha! Siya ang Mama ni Cede!

"Marielle!" lumapit si Mama kay Tita Elisha at yumakap siya. Nang bumitiw sila sa yakap ay nagmano ako sa kanya. Ngumiti sa akin ang Mama ni Cede. Nagmano din ako sa Daddy ni Cede na nasa tabi na ngayon ni Tita Elisha. 

"Sa amin na kayo mananghalian ni Maggy para makapag-kwentuhan naman tayo!" sabi ni Tita Elisha kay Mama habang pasakay na kami ng van. Tumabi ako kay Cede dahil tabi si Mama, Tita Elisha at si Ate Ria. Ang Daddy naman ni Cede ang driver. 

"Hindi mo naman pala kailangang magpaalam kay Mama.." sabi ko sa kanya.

"It's surprising na our parents know each other. Mukhang mapapadalas ka sa amin ah..." pagbibiro niya.

"Okay lang naman. Wala naman din akong kalaro sa bahay" namangha ako pagdating sa bahay nila Cede. Maliit lamang ito ngunit napakaganda ng disenyo. Napakalinis tignan. Tumulong si Mama sa kusina habang si Ate Ria naman ay naging abala sa kanyang bagahe. Si Cede naman ay nilagay muna ang gamit niya sa kanyang kwarto bago niya ako sinamahan. 

Napatitig ako sa family picture nila. Ang sabi ni Cede nakuha ng Kuya niya ang features ng kanilang Daddy habang siya naman ay nakuha ang features ng Mama niya. Ngunit mali siya roon. Dahil mix siya ng Daddy at Mama niya. Habang si Ate Ria ay kamukha si Tita Elisha.

"What are you looking at?" tanong niya sa akin.

"Yung family picture niyo" napatingin siya doon. "Kamukha mo silang parehas" sabi ko sa kanya.

"Really?" tumango ako sa kanya. Pumasok sa bahay ang Daddy niya kasama si Kuya Jace. Napangiti ako sa kanya.

"Maggy! Nandito ka pala" sabi niya sa akin. Ngumiti ako kay Kuya Jace. Nagmano naman siya kay Mama at nag-kamustahan. Siya pala ang inaanak ni Mama. Nang matapos magluto si Tita Elisha at Mama ay kumain na kami. Umani ng papuri ang mga luto nila. Tahimik lamang kaming kumain habang abala sila sa pagku-kwentuhan. Nang matapos kami ay pumunta kami sa sala. 

"Jack doon na muna kayo sa kwarto mo at isama mo si Maggy. Jace doon muna kayo sa kwarto ni Jack sindihan mo ang aircon para hindi sila mainitan" sabi ni Tita Elisha. Ngumiti sa akin si Mama at tumango. Sumunod naman ako kay Cede at Kuya Jace. 

Pagdating namin sa kwarto ni Cede ay bumungad sa amin ang isang kama na mayroong mga stuffed toys. Sa gilid nito ay may maliit na lamesa na mayroong ilaw. Sa kabila naman ay cabinet niya na. May mga naka-display siyang libro at mga figurines. Pero maayos naman ang pagkakalagay doon. Binuksan ni Kuya Jace ang aircon at naupo ako sa kama. Ang lambot! Lumabas saglit si Kuya Jace pagkatapos ay bumalik din kaagad. May dala siyang mga papel..

"Jack anong gusto niyong laruin ni Maggy? Ilalabas ko ba yung mga building blocks mo?" tanong ni Kuya Jace.

"Yes please Kuya.." may hinalughog si Kuya Jace sa may cabinet at linabas niya ang mga blocks. Nagsimula na si Cede na gumawa ng kung ano kaya ginaya ko na lamang siya. Hindi kami masyadong naging maingay dahil may ginagawa si Kuya Jace.

"Look I built a castle!" sabi ni Cede. Napangiti ako sa gawa niya. Mukha nga siyang castle. Medyo nahiya ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. "That looks like a horse" sabi niya.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya. 

"It's a hayop, Maggy...Malaki siya at ginagamit siya minsan sa pagkakarera" namangha ako sa sinabi niya. Nang magsawa kami sa blocks ay nag-practice nalang kaming magkulay. Itinuro din niya sa akin kung ano ano ang mga iba't ibang kulay. May pagkakaiba pala sila. Binigay niya sa akin ang isang sketch book at nagkulay ako. Nang matapos ay pinakita ko ito sa kanya at kay Kuya Jace.

"That looks great!" sabi ni Cede.

"Ang ganda ng pagkakakulay mo Maggy!" sabi ni Kuya Jace. Nag thumbs up pa siya sa akin. Napangiti ako lalo. Hapon na noong mapagdesiyunan ni Mama na umuwi na kami. Lumabas na kami sa kwarto at dumiretso sa sala.

"Maggy this is for you" sabi ni Ate Ria at iniabot sa akin ang isang plastic ng chocolate. Napangiti ako.

"Thank you Ate Ria!" ngumiti siya sa akin.

"You're welcome, Maggy" sabi ni Ate Ria.

"Elisha, Jon mauna na kami. Maraming Salamat sa pag-imbita sa amin dito" pagpapaalam ni Mama.

"Wala iyon Marielle. Kung okay lang sayo paminsan-minsan ay iwanan mo si Maggy dito para naman may makalaro siya. Siguradong malungkot sa bahay niyo dahil kayo lang dalawa at paniguradong hindi mo siya hinahayaang lumabas ng bahay. Welcome na welcome siya dito" sabi ni Tita Elisha.

"Ihahatid ko na kayo, Marielle" sabi ni Tito Jon, ang Daddy ni Cede. 

"Naku! Huwag na Jon. Nakakahiya na masyado" sabi ni Mama.

"Magpahatid na kayo Marielle. Sige na..." si Tita Elisha iyon. Wala ng nagawa si Mama. Nag-usap pa si Mama at Tita Elisha bago kami umalis.

"I'll see you on Monday, Maggy! Nag-enjoy ako ngayong araw" sabi ni Cede sa akin nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin. Sinama siya ni Tito Jon sa paghahatid sa amin.

"Thank you, Cede! Ako rin. Babye!" sabi ko sa kanya. Kumaway ako bago ako lumabas ng van. Nagpasalamat muna si Mama kay Tito Jon bago siya lumabas sa van. Ngumiti siya kay Cede bago niya sinarado ang pinto ng van. Hinintay muna naming makaalis sila bago pumasok sa loob ng bahay.

Sana palagi nalang ganito.

After The SunsetWhere stories live. Discover now