Chapter 13

5.2K 241 90
                                    

Pagka-discharge ko sa ospital ay pumasok na rin agad ako kinabukasan. My parents wanted me to rest muna sana sa bahay pero nagpumilit akong pumasok na. Gusto ko na rin kasi harapin si Melody at tapusin na talaga ang lahat para mawala na lahat ng bagay na gumugulo sa isipan ko.

Tinext ko si Melody kagabi na magkita kami ng mas maaga sa campus para hindi kami maabutan ni Kyla. I wanted to deal with this alone. Pumayag naman siya.

It took me some time before I could get any sleep and when I woke up, I felt more tired than yesterday. Hirap na hirap akong bumangon sa kama, parang gusto ko na lang ulit matulog at huwag na lang harapin ang mga problema ko. Mayamaya lang ay napilit ko na rin ang sarili kong bumangon. Naligo na lang agad ako at kumain lang ng isang tinapay bilang agahan. Pinili kong maglakad kaysa mag-jeep para makapag-isip muna. 15 minutes away lang naman ang bahay ko sa university.

Habang naglalakad napapa-isip ako kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Melody? Magagalit kaya siya? Malamang niloko ko siya. Paano ko kaya sisimulan sa kanya? Ano kaya ang tamang paraan para aminin ang lahat sa kanya na hindi siya gaanong masasaktan? Pero parang kahit ano atang sabihin ko, masasaktan ko talaga siya. Haay, ang hirap. Kung sana masamang tao na lang si Melody, mas madali pa ito sa akin. Kaso hindi, napakabait sa akin ni Melody at pakiramdam ko sinamantala ko lang ang kabaitan niyang 'yon. Pakiramdam ko napakasama kong tao sa ginawa ko. Sana sampalin ako ni Melody mamaya, sana sabunutan niya na rin at mura-murahin. Sa ganoong paraan mas gagaan ang pakiramdam ko, mas mababawasan ang guilt na nararamdaman ko.

Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko napansin nakarating na rin pala agad ako sa university. Habang naglalakad ako sa hallway, may tatlong babaeng tumigil sa harapan ko. Kumanan ako para sana makadaan pero hinarangan din nila, kaya tinry kong kumaliwa naman pero humarang ulit sila kaya nagtaka na ako. Anong problema nila?

"Excuse me?" Nang matignan ko ng maigi ang mga mukha nila, naalala ko kung saan ko sila nakita. Isa sila doon sa mga nagche-cheer kay Brian noong araw ng competition niya. Fangirls ata niya.

"Ikaw si Sairyl De Mesa, hindi ba?" Nakapamewang na tanong sa akin ng babaeng nasa gitna while holding an iced coffee on her left hand. Nakamataas na ponytail siya, makapal ang make up at naka short skirts.

"Uhh . . . Yes. Bakit? Sino ka?" Wala talaga akong oras makipag-usap sa kanila dahil baka naghihintay na sa akin si Melody.

"Kapal din naman ng mukha mong pumasok pa ano?" Nagulat ako ng bigla niyang inilagay ang hintuturo niya sa noo ko at tinulak ako ng malakas. Napaatras ako ng konti sa ginawa niya.

"Anong problema mo? Sino ka ba? Ni hindi nga kita kilala." Inis na sabi ko.

"Hindi namin ma-gets ano ba nagustuhan sa 'yo ni Brian." 'Yong isang babae sa kanan naman ang nagsalita, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Wala naman espesyal sa 'yo. Hindi ka naman ganoon kaganda."

Napaikot na lang ako ng mata at napabuntong-hininga. Great. A bunch of jealous fangirls to start my day. I really didn't want to argue or waste my time sa kanila kaya in-ignore ko na lang ang sinabi nila at sinubukang itulak ang isa sa kanila para makadaan ako. I failed to do that as the two of them caught me and held each side of my arms as I tried to resist.

"Ano ba! Bitawan ninyo nga ako! Wala naman akong ginagawa sa inyo!" There were only a few students in the hallway as it was still early. They were only looking at my direction but no one was actually saying or doing anything to stop them.

"Wala na ngang espesyal sa 'yo, nagawa mo pang ipahamak si Brian? We heard na ikaw ang kasama niya during the accident. Brian's in the hospital now with serious injuries, habang ikaw parang wala lang nangyari sa 'yo? Sana ikaw na lang ang nasa posisyon ni Brian!"

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon