Chapter 17

935 86 24
                                    

Nakalabas na ng hospital si Oscar at doon na siya tumutuloy kina Mikmik at Margo. Kahit na nagpumilit siya na bumalik sa bahay kubo nito ay hindi siya pinayagan. Pinush ko na rin na roon na siya tumuloy na para may makakasama ito at 'di kalaunan ay pumayag din naman siya. Mas mabuting nandoon na siya para may mga makakasa siya. May magbabantay sakaniya at hindi siya agad malalapitan ng pamilya.

Bumalik na rin ako sa pagtitinda at ganon din si Alexus. Nagsasaka na ulit siya kasama sina Lolo Carding. Pansin ko ang medyo pananahimik pa rin nito at minsan ay ang pagkakatulala niya. Kahit ilang araw na ang lumipas ramdam kong hindi pa rin siya okay. Hinahayaan ko na lamang siya dahil mabigat siguro ang nararamdaman niya.


"Malapit na ang fiesta ah! Maghahanda ka ba, Ste?" Tanong ni Tina sa akin habang namimili. At as usual kasama niya ang dalawa pang NA na si Lina at Gina.

"Hindi. Baka si Lolo Carding ulit ang mag handa." Sagot ko.

Mas maraming kaibigan sila Lolo Carding at Lola Esther. Dahil kung mag hahanda pa ako para sa fiesta ay baka wala namang pumunta. Nasanay na rin naman ako na ako ang nakikikain at nangangapit bahay tuwing handaan ng bayan.

"Kapag sure ka nang maghahanda sila sabihan mo 'ko ha? Makikikain kami." Matakaw na sabi ni Gina. Kaya 'di pumapayat e. Panay pa man din ang sabi niyang diet siya pero puro pagkain ang nasa utak.

"Sige."

"Naku! Chance na natin 'to para makasama si Alexus pogi. Hindi ako papayag na hindi ko makakainuman 'yon."

Natawa na lamang ako sa isip ko. Sige. Pagpantasyahan niyo ang tao.

"Hindi ba't may Flores de Mayo tuwing fiesta? Sino kaya kukunin nilang Reyna Elena? Last year si Margo ulit e. Sino kaya ngayon?"

"Bali balita ko si Mikaela raw? Hindi ko nga lang alam kung sino ang partner."

"Sana ako nalang tapos partner ko si Alexus. Yiiee."

Napangiwi na lamang ako. Naging tradisyon na ng bayan 'yang Flores de Mayo tuwing fiesta. Taon taon siyang ginagawa noon pa man. Actually last year kinukuha nila ako pero humindi ako. Nahihiya ako e tsaka feeling ko hindi naman ako ganon ka ganda para pumarada sa daan. E si Margo deserve niya namang pumarada dahil maganda talaga siya tapos bagay na bagay pa sila ni Mikmik.

Nang matapos ang araw ko sa pagtitinda ay inayos ko na lamang ang mga paninda ko para makauwi. Paglabas ko ng palengke ay agad kong nakita si Alexus na naghihintay sa akin. Nakatitig lamang ito sa may kalsada habang pinapanood ang mga sasakyan.

"Hi." Masayang bati ko sakaniya. Binalingan niya ako ng tingin saka siya tipid na ngumiti.

"Kanina ka pa?" Tanong ko.

"Hindi naman."

Umangkas na lamang ako sa likuran niya sa motor saka na siya nagmaneho. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin kung paano ko siya mapapasaya. Kung paano ko siya pababalikin sa dati na hindi iniisip kung anong problema nila ng kapatid niya.

Hanggang ngayon hindi ko rin lubos maisip na may ginawa siya sa kapatid niya. Na siya ang nanakit. Sobrang bait niya kasi at parang hindi gagawa ng masama. Hindi kaya naman may dahilan? Hindi kaya may nagawa rin ang kapatid niya kaya niya nasaktan ito? Ang hirap talaga kapag hindi mo alam ang nangyari at wala kang alam.

Nang makarating kami sa bahay ay ako na ang nag prisintang magluto. Umakyat naman siya sa kwarto niya at nagkulong pagkatapos maligo. Naghanda na lamang ako ng mga pagkain at sinarapan ko ito para kahit papaano ay mabawasan kung ano mang nararamdaman niya ngayon. Inayos ko ang mga pagkain sa lamesa at sakto naman ang pagbaba niya at pagpasok ng kusina.

The Man Next To My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon