Simula

193 5 10
                                    

"Tangina naman! Pinanghawakan ko lahat ng sinabi mo pero bibitawan mo lang?"

Tuluyan nang nahulog ang butil ng luha ko nang panoorin ko siya kung paano guluhin ang sarili. Mali. Ako ang dahilan kung bakit magulo siya ngayon. Ako ang dahilan kung bakit nasasaktan siya ngayon.

I watched him furiously mess up his hair as he kicked the wall. Napapikit na lamang ako at pilit na kinakaya ang sitwasyon. He walked towards me and took my hands. His always stoic face has now become emotional. Pain. Sadness. Weariness. All of it is now visible.

"Why do you have to leave me?" he asked. "Tell me. Mababaliw ako kakaisip kung may nagawa ba ako. Nakukulangan ka ba sa akin?"

Umiling ako at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa maari kong sabihin.

Just let me go, please. Mas masasaktan ka lang lalo.

"I'm sorry..." napayuko ako at pilit na pinipigilan ang pagluha. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Mas lalong sumasakit ang dibdib ko at baka bawiin ko lahat ng mga sinabi ko.

Ngunit hinawakan niya ang aking pisngi at pina-angat ito sa kanya para mahuli ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay tuluyan nang nawasak ang puso ko nang salubungin ko ang kanya.

He's crying! Oh my God! Please stop... Hindi ko kaya...

"Bakit? Bakit kailangan iwanan mo ako?" he whispered. "Tell me, mahal. I know I'm not perfect but I tried to be the best thing that happened to you. Why are you breaking up with me?"

I bit my lower lip. Go on, Rissa. Tell him why.

"I don't love you anymore. I'm done with you." Shit! Hold on, heart.

I felt him stilled. His face hardened as he clenched his jaw. Ang titig niya sa akin ay tumatagos hanggang sa buong pagkatao ko. His deep-set of eyes darkened. The emotions of it were now hidden.

Raindrops started falling from the night sky. Paunti-unti... Magagaan ang mga bagsak... Hanggang sa nauwi sa tuluyang pagbuhos ng mabibigat na butil ng ulan. Halos manginig ako sa sobrang ginaw nang umihip ang malamig na hangin. Dumagundong din ang pagkulog sa katahimikan ng paligid.

Tiniis ko ang nararamdaman ko pero hindi ko kinaya nang magsalita siya. Shivers sent down my spine when his cold voice dominated my whole being.

"Liar."

Napalunok ako at tinatagan ang loob. "The thrill has gone. I couldn't find the excitement."

He scoffed. "Eh 'di magpunta tayo sa amusement park! Sasamahan kitang sumakay sa rollercoaster para maramdaman mo ulit 'yang thrill at excitement!" sarkastikong pagkakasabi niya.

Please... Bitawan mo na ako...

Pareho na kaming basa sa ulan pero hindi alintana ang mga ito. Pareho kaming nakatuon sa isa't isa at sa sitwasyon na mayroon kami. Pilit kong inalis ang kamay niya sa pisngi ko at humakbang paatras.

Thank God that it's raining! At least, hindi niya mapapansin ang tuluyang pagbagsak ng mga luha ko.

"Bakit ka umiiyak?" agap na tanong niya. Who am I kidding? Walang makakatakas sa kanya.

I bit my lower lip. "Because I want out of this relationship. Ayaw ko na! Pakawalan mo na ako!" pumiyok ang boses ko sa huli.


Nagising ako sa isang malakas na alarm mula sa phone ko. Ang inaantok kong mga mata ay nanatili pang nakapikit habang kinakapa ang phone sa bedside table. Pinatay ko ang ingay na lumilikha no'n at muling bumalik sa pagtulog.

Pero habang pilit kong pinagpapatuloy ang panaginip ko, tila tuluyan nang nagising ang diwa ko. Sinapo ko ang pisngi ko nang mapansin na basa ito.

Naglaway ba ako o umiyak?

The Last Downfall (Numero Serye #TRES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon