Chapter 16

800 76 20
                                    

Nang magising si Oscar kaninang 10 am ay puro lamang iyak ang ginawa niya hanggang sa makatulog ulit siya. Hindi na namin siya pinilit pa na magsalita muna dahil mukhang hindi niya pa kaya ikwento sa amin ang buong nangyari.

"Ang sakit sa part niya 'yan no." Bulong ko sa katabi ko.

"Yung ano?" Tanong ni Lexus sa akin.

"Puro iyak lang siya e. Hindi niya makwento sa atin ang nangyari."

"Sinaktan ka na ba physcially ng kuya mo?" Tanong niya at napatingin ako sakaniya. Nakatitig lamang siya kay Oscar na natutulog.

"Oo naman. Hindi ko nga lang inexpect na kaya niya akong saktan physically. Sobrang sakit. Mas masakit emotionally kaysa physically ang naramdaman ko noong pagbuhatan niya ako ng kamay."

"Talaga?"

"Oo. Kaya somehow, naiintindihan ko ang sitwasyon ngayon ni Oscar."

Hinintay ko siyang sumagot pero wala na akong narinig mula sakaniya. Bigla naman siyang tumayo sa pagkaka upo niya saka siya naglakad papuntang pinto.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Bili lang ako ng lunch." Sagot niya saka na siya lumabas ng pinto.

Hinayaan ko na lamang siya dahil hindi pa kami kumakain ng lunch. Breakfast lang ang kinain namin kaninang 11 nang makatulog si Oscar. Tumayo ako at lumapit sa tabi nito. Tinitigan ko ang mukha niyang mahimbing na natutulog pero bakas pa rin ang sakit sa mukha nito.

"Nandito lang si Ate, Os. Hinding hindi na ako papayag na mangyari ulit 'to."

Napagdesisyunan ko na kukunin ko na siya at patitirahin sa bahay. Ayokong maulit muli ang nangyari dahil mag isa niya lang at walang kasama. Natatakot ako na baka balikan siya ng mga gagong kapatid niya at saktan siya muli. May bodega naman sa baba ng bahay at lilinisin ko na lamang 'yon para maging kwarto niya.

Unti unting gumalaw ang mga talukap ng mga mata niya at mukhang nagigising nanaman siya. Hinintay kong bumuka ang mga mata nito hanggang sa bumukas sila.

"Oscar?"

"A-Ate." Tawag niya sa akin habang tinatangka niyang umupo pero pinigilan ko siya. Hindi niya pa kaya.

"Huwag muna, Os. Higa ka lang. Masakit pa ba?" Tanong ko saka siya tumango.

Sakto namang pumasok si Alexus na may bitbit na paper bag. Nakasunod sakaniya na pumasok si Mikmik at Margo. Agad na nilapitan ni Margo si Oscar at bakas sa mukha nito ang pag aalala.

"Oscar! Ano bang nangyari?!" Naiiyak na tanong niya. "Mga walanghiya talaga 'yang mga kapatid mo!"

"Ste, kain kana muna." Aya sa akin ni Alexus saka ako lumapit sa may sofa at umupo ron.

"H-hinihingian nila ako ng pera kahapon." Dinig kong pagsasalita nito. Lumapit din si Mikmik sakaniya at kami naman ay nakikinig din.

"Tapos?"

"Wala naman p-po akong maibigay kasi kinuhaan na nga po nila ako noon, Ate. 300 nalang ang pera ko na pang pocket money ko sana sa fieldtrip ko ngayon." Umiiyak na sabi nito.

"Napaka kapal talaga ng mukha nila! Mga walanghiya sila!"

"Tapos pinilit po nila akong mag labas ng pera hanggang sa sinaktan na p-po nila ako. Galit na galit s-sila sa akin dahil akala nila nagsisinungaling po ako. Hindi ko alam kung bakit nila ako ginaganito e kapatid pa rin naman nila ako. Pamilya nila ako p-pero sinaktan nila ako nang ganito. Akala ko...akala ko mamamatay na a-ako."

The Man Next To My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon