MSL 60: Finding Alice

523 12 2
                                    

M.S.L. M.S.L. M.S.L. M.S.L. M.S.L. M.S.L. M.S.L. M.S.L. M.S.L. M.S.L. M.S.L. M.S.L.

Mae's POV

Patuloy pa rin kaming naghahanap kay Alice, and still no progress, pinuntahan na namin lahat ng kwarto naming anim pero wala siya eh.

Sa pagkakataranta nga ni Sean hindi niya namalayan na pati ung girls comfortroom napasukan na niya eh, pagkatapos naman non ay nagsorry siya at lumabas kaya kami ni Rebecca ang maghahanap sa cr na to.

Patrick:" Ano nandyan si Alice?" sabi ni Patrick sa may awang nang pintuan.

Sean:" Sir nakita niyo po ba siya??" sabi ni Sean habang hawak hawak ang litrato ni Alice. Buti na lang may mga picture kami sa wallet, mapapadali ang paghahanap? sana.

Babae:" Naku iho pasensya na ha hindi ko nakita eh." pagkatapos noon ay agad agad naman kaming kumatok sa katabing kwarto.

Pagkabukas ng kwarto may isang lalaking nakatualya lang ang tumambad sa amin. Oliver:" Sir nakita niyo po ba siya."

Pagkasabi ni Oliver, bigla naman may lumabas na babae na nakanight gown nahalos kita na ung kaluluwa, grabe lang huh.

Binulungan ko si Oliver, " Dukutin ko yang mata mo eh" pagkasabi ko noon ay hindi niya na pinagnasahan ang katawan ng malanding babaeng iyon.

Oliver:" Ah eh sige po salamat na lang." at kumaripas kaming umalis doon at pumunta sa katabing kwarto nito.

Kumatok si Pat sa kwartong nasa harapan namin, Agad agad namang may lumabas na lalaking matanda, sa tingin ko mga 79 na siguro. Patrick:" Lolo nakita niyo po ba ito."

Lolo:" Ano kamo??" sabi niya habang inilalapit ang tenga kay Pat

Patrick:" Kung nakita niyo po ba itong si Alice?" sabi ni Pat na medyo pasigaw.

Lolo:" Ah si Alice ba hanap niyo, nandito siya."

Sean:" Talaga po Lolo? Naku salamat po talaga." sabi ni Sean, at sa sobrang tuwa ay hindi niya napigilang mapayakap kay lolo.

Grabe atlast makikita na ulit namin si Alice.

Lolo:" Alice apo may naghahanap sayo." pasigaw na sabi ni Lolo habang tinatawag si Alice.

Pagkatawag ni Lolo ay may lumabas na babae na halos kasing edad siguro ng mga parents namin. Babae:" Oh Lolo sino sila?" takang takang tanong.

Rebecca :" Hello po, pwede po bang pakitawag si Alice."

Babae:" Ako nga, oh bakit?"

Rebecca:" Hindi po kayo, ito po oh ito pong Alice." sabi Rebs na halos nanginginig na sa sobrang pagkadiin ng turo niya sa picture ni Alice.

Babae:" Naku mga anak Sorry ha, bulag kasi tong si tatay kaya hindi niya nakita yan. Ibang Alice pala ang hinahanap niyo."

Mae:" Ah ganun po ba, sige po salamat." malungkot kong sabi, agad agad kaming nanlumo, akala namin makikita na namin si Alice pero hindi pa pala.

My secret lover ( M.S.L )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon