O_O

"S-Supreme...Castle.." wala sa sariling naibulong ko. Ilang akong napalunok bago inakyat ang maliliit na baitang ng hagdanan rito. Medyo may kalumaan na ang building dahil sa nangungupas na pinturang kulay puti.

Binilisan ko ang paglakad. Nagpalakad-lakad ako sa mga floors dito, bawat floors ay may mga pangalan, katulad ditong first floor ay nakapangalan kay Vicentio. Patuloy kong hinanap ang floor kung saan nakapangalan ang Rhea. Ilang saglit pa ay tuluyan ko na itong nahanap.

"Ang tagal mo namang dumating Chavez"

O_O

Unti-unti akong lumingon sa likuran. Pamilyar na pamilyar sa akin ang lalim ng boses niyon. Laking gulat ko ng nakatutok na pala sa akin ang patalim at ang hawak nyang pang-injection ng nakamaskara. May kasama sya at tanging dalawa lang sila ngayon.

"Sumunod ka sa amin"

Nagpauna na ang isa sa dalawang nakamaskara na walang hawak na pang-injection. Sinundan ko sya habang nakatutok sa akin ang patalim ng isa pang kasama. Pwedeng-pwede akong tumakas sa kanilang dalawa, napakadali lang para sa akin na magawa iyon. Pero pinipigilan ko ang sarili hangga't maaari. Kailangan kong makita ang may pakana nito. Nang sa gayon ay madali na lang para sa amin na mahanap sya.

Habang nakasunod ako sa nagpaunang nakamaskara ay napapansin kong nagdire-diretso kami sa rooftop. Tuluyan ng lumubog ang araw sa pagitan ng kalangitan at sa mga gusaling nangaharang dito. Ilang beses akong lumunok. Habang tumatagal ay natutuyo ang lalamunan ko. Para akong nakakaamoy ng polusyon kahit na purong sariwa ang hangin dito.

"Boss, nandito na ang Chavez katulad ng pinag-usapan" rinig kong sabi ng nakamaskara habang may kinakausap sa telepono.

Nilingunan ko ang isa pang kasamahan nitong nakaupo at nilalaro ang patalim sa kanyang kamay. Pinag-aaralan ko kung anong uri ng kanyang kilos at sa kung anong uri syang tao. Ilang saglit pa ay nag-angat na sya ng tingin sa akin.

"Yariin na daw sya dito sabi ni boss" nakaduro sya sa kasama, pahiwatig na anumang oras ay maaari na nila akong tapusin. Napalunok akong muli at nakahanda na sa anumang gagawin nila sa akin.

Tumayo na ang nakamaskarang nakaupo kanina. Dahan-dahan syang lumalapit sa akin, dala-daa ang patalim at pang-turok, Patuloy ako sa pag-atras, na parang walang hangganan itong aatrasan ko.

Damn it!

Habang patuloy ako sa pag-atras ay napasandal ako sa kasamahan nya dahilan upang mahuli nya ako!

"Hawakan mo ng maigi West, nang matapos na ang trabaho natin dito"

Tinanguan sya ng kasama. Mukhang wala na akong takas. Kailangan kong gumawa ng paraan! Iisp Timrelli! Isip! HIndi maaring hanggang dito na lang ang buhay mo! Tsk!

Halos nakayakap na sa akin ang nakamaskarang nakahuli sa akin, advantage ang pagiging mas Malaki kaysa akin kaya nagawa nya akong hulihin. Pero kIalngang kong gawin ang ang Teknik na natutunan ko sa fencing, magkahalo sa kaunting nalalaman sa martial arts!

"Wala ka ng takas pa Chavez, dito na matatapos ang paghihirap mo—"

Nang makahanap ako ng tiyempo ay inangat ko ng mabilis ang maga kamay ko at hinablot ko ang balikat ng nakamaskarang ito, daglian ko syang binalibag ng sobrang lakas gamit ang pagpatid sa paa nito. Mabilis na sumugod ang kasama niyang magtatangkang sasaksakin ako, nailagan ko ang unang pag-atake niya, pinalibutan ko ang katawan nya at ibinagsak sa sahig!

Medyo napahigpit ang pagyakap sa nakamaskarang may hawak ng patalim kaya't may nakapa akong malambot sa bahagi ng dibdiban nya.

Isa syang babae! Walang duda!

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt