*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 9

64 1 1

Kurt’s POV

Nakaupo ako dito sa pinakagilid, hinihintay pa namin yung ibang kaklase namin tapos magsstart na ang ang christmas party. Nilagay ko na yung regalo ko sa nabunot ko dun sa lagayan ng regalo. Ang tagal naman yung iba pa-VIP. Makatulog nga muna, pero bago pa ako makatulog dumating si Lala at tumabi sa akin. Kinalabit-kalabit nya pa ako.

“huy, anong regalo mo sa akin?”(Lanna)

Nagpuppy eyes pa, etong batang to kahit kailan wala ng ibang ginawa kundi mangulit.

“Kurt,kurtina, unggoy, uy.”(Lanna)

At manglalait pa, siya na nga tong nanghihingi ng regalo, manglalait pa tapos pag siya ang lalaitin magagalit.

“Wala bang gamot pangontra sa kakulitan?”

“Eh di mo ako pinapansin eh. ano pa lang regalo mo kay Andy?ano aamin ka na ba ha?”(Lanna)

“Anong aaminin?wala naman akong aaminin eh. Geh na, punta ka na dun at matutulog muna ako.”

“Ang sungit nito. Sinusungitan mo na ako ngayon. Ganyan ka naman lagi eh, naturingan pa man din kitang best friend ko.”(Lanna)

Nagdrama nanaman ang bata. Umalis siya tsaka niya pinamigay regalo niya kina Sage.

Nagstart na din ang party, games dito, games doon, di ako sumali sa mga games, mga pangbata eh. pagtapos ng mga games kainan na, tsaka exchange gifts na. Cap na oxygen ang natanngap ko, nung natanggap o na yung regalo ko, umalis ako at pumunta sa bench sa likod ng canteen.

“Umalis ka agad, di ko pa nabibigay gift ko sa’yo. Eto oh.”(Lanna)

“Ano to?”

“Regalo, ano pa ba?”(Lanna)

Hindi ko siya binuksan.

“Sa bahay ko na lang to bubuksan.”

“Ganun?o paano, Merry christmas! Balik na ako dun.”(Lanna)

“Lala,wait. Merry christmas!”sabay abot ko sa kanya nung maliit na box.

Tapos binuksan niya. Necklace yung binili ko paara sa kanya, silver necklace na Star ang pendant.

“Ang cute, thank you.”(Lanna)

Sabay yakap sa akin ng mahigpit. Kinuha ko yung pendant at sinuot ko sa kanya.

“Just like the stars, I’ll always be here, night time or day time. You are my bestfriend, and I’ll do everything to protect you. Pag malungkot ka isipin mo lang na ako tong necklace na to and think of those annoying times I’m with you.”

Ngumiti siya, at ngumiti din ako. Tumibok ng malakas ang puso ko pero hindi ko pinahalata sa kanya. For her I’m just her bestfriend. Ang akala niyong lahat si Andy ang gusto ko. Oo, gusto ko si Andy, pero habang nagiging close kami ni Lanna unti-unti ko ding narerealize na ibang klase ang nararamdaman ko kay Lanna. I don’t know but the happiness I feel everytime I’m with Lanna is different, I feel vulnerable with her. Siya lang nakakapagpagaan ng loob ko sa tuwing down ako, aura niya pa lang iba na pero hindi niya dapat to malaman. Were bestfriends at isa pa ang gusto niya ay si Matt, si Matt na bestfriend ko din.

“Sabi mo yan ah. Dito ka lang. Best friend”(Lala)

Masakit marinig na best friend lang talaga ako sa kanya, pero kahit na, dito lang ako lagi sa tabi. Gagampanan ko ang pagiging best friend.

What if( Hiatus)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!