Chapter 7

74 1 0

Lanna’s POV

Nagdaan ang mga araw, habang papalapit ang december 25 lalong lumalamig ang simoy ng hangin, malapit na ang christmas!pero bago ang bakasyon at christmas party, papahirapan muna kami sa semi-final exam ng 3rd quarter. Ang daming kailangan ireview, kairita. Pag dismisal diretso uwi na kaming magkakaibigan, wala ng ibang destinasyon, wala na rin tambay, ganito kami pag malapit na ang exam.

Review...

Review...

Review...

Saturday ngayon at sa Monday na ang first day of exam, 3 days ang exam namin at sa Thursday na christmas party namin. Todo review ako ngayon dito sa kwarto ko.

Knock... knock... knock

“Nak, may naghahanap sa’yo, Kurt daw.”(Mama)

Teka anong ginagawa ni Kurt dito?at bakit andito yung unggoy na yun? istorbo talaga yun. pagbaba ko kausap niya sina Kuya ko.

“Oh bakit ka andito?”

“Wala lang.”(Kurt)

“Magmeryenda ka muna Hijo.”(mama)

“Thank you po tita.”(Kurt)

“Ikaw pala si Kurt, ikaw pala yung best friend ni Lanna. Mabuti at nadalaw ka.”(Mama)

“ah opo.”(Kurt)

“Paano maiwan ko muna kayo dito ha, mag-grogrocery kasi ako.”(Mama)

“sige lang po, tita.”(Kurt)

Umalis si mama at kuya Sean,kaming tatlo na lang nina Kuya Noah ang nandito.

“Bahala na rin kayo diyan, magrereview pa ako.”

“Xbox tayo.”(Kuya Noah)

Pinagluto ako ni kuya ng fries. Tapos nanood na kami, kita mo tong mga to parang walang exam at kung makaXBox walang katapusan. Pinanood ko lang sila at halos makatulog ako sa kakapanood sa kanila.

“Lala,lalaboy, huy gising ka na.”(Kurt)

“Ano ba?!”

“Gising ka na, mag-gagabi na.”(Kurt)

Bumangon ako at tumingin sa labas, pagttingin ko, gabi na. Pero hanggang ngayon naglalaro pa rin si Kuya Noah pero ang kalaro niya na ngayon si Kuya Sean.

“Kurt, dito ka na magdinner hijo.”(Mama)

Umalis ako at umakyat sa kwrato ko para maligo. Naku naman, di na ako nakareview sina kuya kasi eh, sama mo pa tong unggoy na Kurt na to.

Nagdinner kami kasama si Kurt.

“So hijo, asan mga magulang mo nagyon?”(Papa)

“Wala na po yung mom ko, namatay po siya sa isang car accident nung 9 years old po ako,tapos yung dad ko po nasa Canada.”(Kurt)

Kaya pala, parang lagi siyang nalulungkot, baka dahil namimiss niya mommy niya.

“Saan ka nakatira ngayon?”(Mama)

“Sa tito ko po, sa kapatid ng Mom ko po.”(Kurt)

“Buti hindi ka pa dinadala ng dad mo sa Canada?”(Papa)

“Actually po galing na po ako dun, nagmigrate po kami ng dad ko sa Canada after ng accident tapos umuwi po ako nung maghahighschool na po ako”(Kurt)

“So how about your tito?”(Papa)

“Businessman po si tito Benedict po.”(Kurt)

At kung anu-ano pang tanong na wla ng kwenta. Hayy magulang ko talaga. After the dinner, nagpaalam na si Kurt.

“Balik ka ulit dito, hijo ha.”(Papa)

“Makakaasa po kayo”(Kurt)

Hintid ko si Kurt sa labas ng bahay.

“Marami ka na ring alam sa bestfriend mo. Siguro naman nakinig ka kanina.”(Kurt)

“Oo. Ang dami mong pinagdaanan kahit bata ka pa lang.”

“Ganun talaga. Masaya ako ngayon. Nakatuwa ang mga kuya mo, sana mameet ko na rin yung isa mong kuya.”(Kurt)

“Ano kita boyfriend?!haha”

“bestfriend, pero siyempre. Oh paano una na ako. Magreview ka na.”(Kurt)

“byieeee. Ingat ka.”

Nagwave ako sakanya at tuluyan na siyang nagfade sa paningin ko. Pagpasok ko nagpaalam na ako kina mama at magrereview na ako.

Last day ng exam, ang hirap lahat!pero nairaos ko din siyempre nagreview ako eh. hinihintay ko na ngayon sina Sage dahil sabay-sabay kaming bibili ng regalo namin para sa mga nabunot ko.

Nagsisipilian na kami ng mga ireregalo, humiwalay muna ako sa kanila para di nila makita yung mga bibilhin kong regalo sa kanila, book ni Mitch albom ang binili ko para kay Andy, secosana na pouch bag para kay Princess, stuffed toy na blue magic para kay Shayla at pabango sa penshoppe para kay Sage, kumpleto na mga regalo ko para sa mga kaibugan ko, ahy, nakalimutan kong bilhan si Kurt, lumibot ako sa dept store para maghanap ng ireregalo ko sa kanya hanggang sa makarating ako sa section ng mga snow globe, nakuha ng attention ko ang isang snow globe na may bench na may nakaupong lalaki at babae sa loob, naalala ko nung unang beses akong lumapit sakanya at naglagay ng first aid sa kamo niya, kinuha ko yunat ipinabalot na. Napabalot ko na lahat ng gift ko sa mga kaibigan ko at para dun sa nabunot ko, nakabili na rin ako ng gift para sa parents ko at sa mga kuya at napabalot ko na din kaya nabugbog yung savings ko sa atm pero okay lang worth it naman yung mga pag-bibigyan ko, tsaka makakapag-ipong muli ako sa pasukan.

Pinuntahan ko sa mcdo sina Sage, pagdating ko doon nagorder na si Andy, alam naman na niya yung mga order namin. After naming kumain nagsiuwian na kami.

-End of POV

What if( Hiatus)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!