ACTIONS
Sa ating mga kilos kung minsan naipapakita natin ang ating karakter na kung sino o ano ang ating natutuhan habang nabubuhay sa mundong ito.---
👨⚕️ HIDEO ADONIS
Pakasuot ko muli ng white coat ko after the six hours of surgery that I performed. Nangalay ang balikat at braso. Kaya inikot-ikot ko muna ang kaliwang balikat ko habang patungo sa clinic office ko. Habang palakad ay nakatuon ang mga mata ko sa Nurse station na katapat lamang ng clinic office ko. Napansin ko na wala si nurse Marikah doon, kundi ang kasama niya sa shift na si Nurse Chrystallene.
Pagkatapat ko sa pinto at tinanong ko siya. "Where's Nurse Marikah?"
Napatingin siya sa akin at magiliw na nginitian ako. Parang gusto ko rin na mag sign of the cross kapag nakikita ko siya. Sobrang kahawig niya ang birheng Maria. Kahit na nabibilang siya sa mayamang pamilya ay nag-pursue siya na makapasok dito at maging independent na tao.
"Nag-rounds po si veil girl Marikah, Dok."
Tumango-tango ako. "Paki sabi sa kanya pagbalik niya na pumasok sa opisina, okay?"
"Sure, Dok!"
Tuluyan akong pumasok sa opisina na ko at napakasarap sa pakiramdam na sa wakas ay nakaupo na rin ako matapos ng mahabang oras ng surgery procedure na ginawa ko. Napasandal ako sa swivel chair ko at napatangala sa kisame. Kinuha ko sa bulsa ng while coat ko ang stress ball na palagi kong dala at piniga-piga ito. Ini-re-relax ko ang sarili ko.
Dahil maaga ang surgery kanina kaya aminado ako na kulang ako sa tulog, kaya tumayo ako at nagtungo sa mahabang sofa na siyang nandito sa clinic office ko. Pagkaayos ko ng unan ay nahiga ako. Nasasamyo ko ang aromatic candle na lavander ang scent. Mamayang gabi ay may naka schedule muli ako na surgery. Depende pa ito kung may biglaan na kailangan ng procedure anumang oras.
Wala naman akong tinatanggihan, lalo na kung malayo sa pagitan ng naka-schedule sa akin. Gusto kong maramdaman ng mga empleyado ko rito sa Hospital namin ang presensya namin magkapatapid bilang Health workers. Pamilya na ang turing namin sa kanila lalo na nung nawalan kami ng magulang.
Dahil sobrang hirap. Kahit na hilingin ko na sana ay nandito pa sila, pero alam ko na kailangan kong gumising sa katotohanan.
Sa amin magkapatid naukit ang kapalaran na maagang mawalan ng magulang. Ngunit gayon pa man ay hindi ito naging hadlang upang magpatuloy sa buhay na ito at alagaan ang kanilang mga naipundar na siyang kami ni Athena ang nagpapatakbo.
Sa kakaisip ay hindi ko namamalayan na unti-unti na akong hinihila ng antok. At nararamdaman ko ang paglalim nito na para bang lumulutang ako sa ibabaw ng tubig.
Narito ako muli sa isang malawak na flower field, madalas ko naman na napapanaginipan ito, pagkatapos ay makikita ko siya. Hinihiling ko madalas na nawa'y tunay ang lugar na ito at hindi ito isang panaginip na siyang napupuntahan ko lamang kapag ako'y tulog. Dala ng aking pagkasabik na makita siya kahit na sa ganitong paraan lamang.
Napakaraming misteryo ng panaginip, kahit na gawa lamang ng sub-conscious mind ang ating mga panaginip. Naiibsan naman nito ang kalungkutan na siyang dinadala ng puso ko. Nagawi ko ang aking paningin sa isang pigura na sobrang pamilyar sa akin. Nakatalikod siya habang may nakalagay na belo sa kanyang ulo at pumipitas ng mga bagong mukadkad na mga bulaklak. Lumapit ako sa kanya, kung ito nalang talaga ang aming tagpuan ay maluwat ko itong tatanggapin.
"Sychelle..."
Tumayo siya ng diretso at unti-unting lumingon sa akin, napapangiti ako sapagkat muli ko na naman siyang nasilayan.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...