Chapter 26: The Mafia Reaper


"And why should I talk to you?" Tanong ko nang humupa ang pagkabigla naming lahat sa hostility sa boses ni Van. Tres seemed to be expecting his brother's reaction. And hell, why were there boys in our room? Oh, right! That's because they're not ordinary boys-- they're deadly, twisted and evil descendants of Adam.

"Dahil sinabi ko. Now, Jamie and... you," turo ni Van kay Tres, "Please excuse us. We want some privacy," seryosong wika ni Van na agad namang sinunod ni Jamie. She was about to turn towards the door but I stopped her.

"No, Jamie. This is our room and we want some privacy. Now, you devils, please, get lost," sarkastiko kong wika. I don't really like Van commanding everybody.

"I was actually intending to drag you out of this room so that we can talk outside pero mukhang galing ka sa isang pribadong okasyon at iniisip ko kung nanaisin mo bang makita ka ng lahat na ganyan ang hitsura. But it seems as if you wouldn't mind if we talk outside so..." Mabilis na nakalapit sa akin si Van upang kunin ang braso ko at saka kinaladkad ako patungong pintuan. I panicked. Mukhang wala na akong pagpipilian.

"Oh, crap! Stop! Jamie, Sebastian! Get out! Now!" Sigaw ko. I thought I saw a smirk on Van's serious and furious face bago siya tumigil sa pagkaladkad sa akin. Pinanood ko lang habang awkward na lumabas si Jamie ng pintuan. I frowned when Tres turned towards the window. What he was about to do looked familiar.

"Excuse me?" Wika ko kay Tres. Lumingon siya at saka ngumiti.

"Shortcut," aniya at saka nawala na siya sa bintana. If he flew or jumped, that was what I wasn't sure about.

"I think you have the same brain waves," narinig kong wika ni Van. Tinapunan ko siya ng masamang tingin at saka ako lumapit sa aking kama upang isuot muli ang aking P.E. shorts. He just watched me. It was definitely uncomfortable and awkward pero ayokong ipakita sa kaniya na kaya niya akong gawing uncomfortable. Dang it, where did I throw my shirt?!

"Spill it out, Freniere," isinatinig ko.

"Una, what were you doing with Tres in the bathroom?" Tanong niya.

Sinalubong ko ang tingin niya. "What do you think?" Balik-tanong ko sa kaniya.

"Do you have any idea who you are dealing with?" Tanong niyang muli. I rolled my eyes at him. That was an overused question.

"I have all the ideas. But there are those occassions wherein I really have no idea. Just like the fact that Tyler del Valle is actually a member of the Freniere family." Nakita ko ang pagkagulat ni Van sa sinabi ko. What's with the big secret?

"Sinabi ito sa'yo ni Tres?" Tanong niya.

"And he's a Mafia reaper? What was that supposed to mean?" Tanong ko.

"Don't ever mention it again," sabi niya sa pagtatangkang balewalain ang aking mga tanong. Pero malaking balita iyon para sa akin. Bakit niya iniiwasang sagutin ang tanong ko?

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!