Lost 9

5 0 0

"Anong tinitingin tingin niyo diyan?" Natatawang tanong ko sa kanila paglabas ko ng kwarto ni Benjo. Pagkabukas ko kasi ng kwarto at hahakbang pa lang nung naramdaman ko yung mga matang tumitingin sakin. 

"I'll give everything just to see you like this every morning." Sabi ni Jason.

"You look really hot." Medyo sensual na sabi ni Jake.

"Ay ang maniac niyo ah." Sabi ko sa kanila. Naglakad ako at pumunta sa dining table kung nasan sila. pumwesto ako sa gitna ng kambal. Saktong pagupo ko naman nung lumabas si Benjo ng kwarto niya.

"Anong ginawa niyo ah?" Medyo may kahulugang sabi ni Enzo.

"Nagbahay bahayan." Natatawang sagot ko. Bumagsak naman ang mga panga nila Annie.

"Grabe guys! Seriously kulang lang kayo sa sex." Sabi ko sa kanila.

"Samantha Montemayor!" Naeeskandalong sabi ni Annie.

"Ang primitive mo po." Sabi ko sa kanya at inilabas yung dila ko para belatan siya. Kumuha ako ng isang pandesal. Hindi talaga ako kumakain ng almusal just simple ice cold chocolate drink or yakult. but pandesal is an exemption.

"Where's the innocent Samantha?" Sabi ni Benjo pagkaupo niya sa may harapan ko.

"Gone," I answered him dismissingly. Nasa abroad ako for 2 years, alangan namang hindi ko maadapt ang kamunduhan ng mga tao dun diba?

"San tayo ngayon?" Tanong ni Enzo.

"Wala ba kayong mga pasok?" I asked them. they looked at me as if I said something foolish. 

"Bar?" Sagot ni Jake. Wala man lang sumagot ng tanong ko. Ang alam ko kasi pumapasok ang mga ito. Weekdays pa lang so bakit nandito sila kasama ko?

"Bar na naman? Muntik na tayong mapaaway kagabi." Natatawang sabi ni Annie.

"Mapaaway? Bakit?" Tanong ko.

"Wala kang matandaan?" Aniya. Iling lang ang sinagot ko. Ilang tequila ba ang nalaklak ko?

"Muntik na tayong mapaaway kasi may nakipagsayaw sayo." Sagot ni Beth.

"Tapos?" Ano naman kung me nakipagsayaw sakin?

"Tapos." Aniya.

"Ikaw Sam, What do you wanna do?" Tanong ni Benjo.

"Sleep?" Come to think of it. Wala pa akong masyadong tulog and pahinga. Yung pahinga ko lang yung kagabi-er- kaninang umaga.

"Then?" Annie asked as if I have another plan in mind pero ang totoo I wanna sleep all day.

"Wala akong maisip e." Sabi ko sa kanila.

"Let's swim na lang?" Si Beth.

"Why don't we let Sam sleep for a while tapos magswim na lang later this day." Si Benjo ang nagsalita.

"Nah i'm good." I told them. Actually I'm torn between spending time with them and spending time with my bed.

"Yeah, let's give Sam a rest. later na lang tayo magswim. Mainit na din naman sa balat ang araw. Mga hapon na lang." Sang-ayon ni Annie. Parang wala silang naririnig na sinabi ko.

"Wala pala akong damit. Uwi muna ako." Sabi ko sa kanila.

"Actually Sam, Naayos ko na yung problem mo." Sabi ni Beth. And as if as a que biglang may nagdoorbell sa may pinto. Tumayo si Beth para buksan yung pinto.

Lahat kami ay nakasunod sa mga kilos ni Beth. Hindi man maliit ang condo ni Benjo wala namang divider ang pinto sa dining area kaya kita pa din namin. Bumawi ako ng tingin ng nakita ko kung sino ang pumasok or rather ang mga pumasok.

"Hi good morning guys." Masiglang bati ni ate Sofia. Tumayo ako ng makabawi para salubungin siya. "Sam, what are you wearing?" Tanong niya sakin nung humiwalay ako after makipagbeso beso.

"Don't ask Sofia, Sam's wasted even before we decided to go home." Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ni Enzo. Gusto ko siyang hambalusin. Kala ko naman kasi hindi niya ako ibubuko. Nagpeace sign lang ako kay ate.

"Yow!" Medyo OA kong bati sa taong sa tabi niya. What do you expect? I'm wasted, wearing a tee and a panty and nothing else. Gawd, lamunin na sana ako ng lupa dahil feeling ko namula ang tenga ko. Yes, namumula ang tenga ko, hindi ang mukha kapag nagbablush ako.

After ko silang batiin bumalik na ako sa pwesto ko.

"Beth told me that I should bring clothes for Sam?" Tanong ni ate ng umupo sa may sala since lahat kami ay nakaupo na sa may dining are. okay lang naman since sabi ko nga wala namang divider ang dining area sa living area.

"Yeah, they decided to go swimming this afternoon." I answered.

"Wala talaga kayong kapaguran." Napapailing na natatawa si ate saamin.

"Pagpapahingahin naman namin si Sam ate, kaya nga mga hapon na kami magswiswimming." Sabi ni Annie.

"Sama kayo later?" I asked them. Bihis na bihis kasi sila.

"Nah, we passed. May meeting kami with the wedding coordinator e." Sabi ni ate.

"Gusto niyo samahan ko kayo?" Gusto kong mapapikit sa nasabi ko. Anong sasamahan? Pero kasi diba yun ang ginagawa ng maid of honor?

"Gusto ko man, alam kong hindi ka pa nagpapahinga. Kaya ang iuutos ko sayo today ay matulog at magpahinga." Napangiti ako sa ate ko. Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko kayang magalit sa kanya dahil nararamdaman kong mahal na mahal niya ako. Nagkataon lang talagang parehas ang mahal naming dalawa at ako ang dapat na magparaya.

After naming kumain, mga isang oras pa ay umalis na din sila. Dumiretso naman kami sa sofa, ang mga boys para maglaro at kami para manood sa kanila.

"Nakamove on ka na ba?" Tanong sakin ni Beth.

"Ano bang klaseng tanong yan?" Balik tanong ko sa kanya.

"Matinong tanong. So nakamove on ka na ba?" Tanong niya ulit sakin.

"Dapat lang diba?"

"Dapat at kailangan." Si Annie.

"Edi, nakamove on na ako." Sabi ko sa kanila na humihikab.

"Bastos mo pa din girl, humihikab ka pa din ng nagsasalita." Sabi sakin ni Annie. binelatan ko lang siya.

"Childish pa din." Si Jake.

Mga ilang minuto pa silang naglalaro ng call of duty habang kaming mga babae ay nanonood lang. Minsan sinasali nila sila Annie, pero hindi nila ako inaalok. Wala din naman akong hilig dun. Atsaka feeling ko gusto nilang pagpahingahin ako kahit sa tingin ko naman ay hindi ako mapapahinga dahil sa kaingayan nila.

Tumatawa ako dahil inaasar nila Enzo si Jason ng maramdaman kong may ipinatong sa hita ko na unan. Tumayo si Annie at pumalit sa pwesto niya na katabi ko si Benjo yung nagbigay ng unan.

"I know you don't want to leave them and sleep inside the room so, I'll give you an option to sleep here." Sabi ni Benjo. Kinuha nya yung unan at ipinatong sa hita niya. Hinila niya ako para ipatong ang ulo ko sa unan at humiga. Naipikit ko ang mata ko at wala na akong maalala.


——-


So nakapagupdate na din ako dapat kanina pa ito e, nanood kasi ako ng pangako sayo. lols! yes sa wakas after 4 months. Wala na pong backread to at hindi pa po ako nageedit kaya ho pasensya na ho :)


I Am LostBasahin ang storyang ito ng LIBRE!