"Huwag kayong matakot. Tao lang yun, di naman criminal pero sa tono ng boses niya infairness, daig pa niya si Taguro at Takenori Akagi." sabat ni Tata

Napansin niyang walang ideya ang mga ito sa mga pinagsasabi niya. (Hindi ata nila kilala si Sakuragi, si Bakulaw at tandang Sunadi. Dibale na nga lang) aniya sa isip

"Ikaw ba yung bagong sekretarya ni sir Zeq?" pag uusisa ng isa

"Kay sir Armando kaso pati siya nakikiutos din kaya heto dalawa ang boss" sagot niya

"Buti nakakaya mo. Wala nang tumatagal ng isang linggo diyan. Goodluck na lang sayo kung makakatagal ka sa ugali nun" at tyaka napa tawa ito ng bahagya

"Ganoon ba siya kakilala ng lahat?" Napaisip ito pero sa kabilang banda ay nagkibit balikat na lang at umalis.

Pagpasok niya ay may mga lalaking nakaupo sa sofa.

"sir ito na yung report na pinapakuha niyo" aniya

Inilapag niya sa lamesa

"ipagtimola mo kami ng coffee" utos ni Zeq

"I prefer hot choco" sabat noong isa

Tumango siya at lumabas na agad.

Nagkukumpulan ang ibang epleyado sa coffee section.

Sinundan niya ang mata nila kung saan sila nakatingin.

"Anong meron?" naka kunot noo siyang nag uusisa sa kanila

"Pumasok ka doon sa loob, nakita mo ba kung gaano sila ka hot?" malanding tanong ng isang babae

"Yung isa, sa suot niyang polo bakat na bakat ang maskel nya. Aaaaw" napahiyaw pa ito mahina.

Tinawanan siya sa kanyang ginawang tunog

"sino ba yung mga yun?" tanong niya ulit.

"Mga kaibigan ni sir. Ang balita ko mga team mates niya sa soccer ang mga yan"

Nagtimpla na siya habang ang mga ito ay mahinang tumitili at halos humiwalay na ang leeg sa katawan kakatingin sa opisina masulyapan lang ang mga bisita ni Zeq.

"Papasok ka na ba sa loob?" biglang tanong ng isa

"Oo" tipid niyang sabi

Isa isa niyang inilapag iyon sa glass table.

"Ito po yung tsokolate sir" aniya sabay abot ng tasa

Paalis na siya ng magsalit si Zeq.

"Ang lamig na nitong kape ko, palitan mo"

Tumingin muna ito at tyaka lumapit.

Pagkahawak niya sa cup ay bigla niyang nabitawan ng mapaso.

Sabay tawa ng malakas si Zeq
"ha ha ha ha it's a prank!"

Namumula ang mga daliri niya. Mabasag ang cup at natapunan ito sa paa.

Hindi ito umimik at nagmadaling kinuha ang trashcan. Isa isa niyang pinulot iyon.

"You can actually called the janitor to do that" wika ni Zeq. Ngumisi ito nang tumingin si Tata sa kanya

Nang mailagay niya ang mga bubog ay agad din siyang kumuha ng map. Nilinis niya ang basan sahig at tyaka lumabas.

"Nakakatawa ang mukha niya" aniya sabay sandal sa kanyang upuan

"Bagong sekretarya mo?"

"Hindi, it's dad's temporary secretary and because I have no one. Inuutusan ko siya. Dalawa naman sila ni Vita"

"She was hurt dude"

"Hindi gnun kainit ang kape, she is fine napaso lang yun" aniya tyaka tumawa ng mahina

"Oh, anong nangyari sayo?" takang tanong ni Vita ng bumalik si Tata

Umiling ito "Wala" hindi na lang siya nag explain sa inis.

(Palalagpasin ko to, pero sa susunod na gawin mo ulit ito lalaban ako. Hindi ako natatakot sayo no) aniya sa isip. "raaaar!" napalakas iyon kaya napatingin si Vita

"Ah wala, malamok lang sa ilalim ng mesa" pag alibi niya sabay kampay niya ng kamay sa hangin

Hindi na nag usisa pa si Vita.

Napatingin ito sa sapatos. Nag iwan ng marka ang natapon na kape dito.

Kumuha siya ng tissue paper at pinunasan iyon.

"Nasaan si Sub?"

Bumalinh si Vita sa mesa ni Tata. Wala siya doon "Saan nagpunta yun?" kunot niya niyang sambit

"Ang babaeng yun talaga. Pakisabi sa kanya na pumunta sa office" inis na utos ni Zeq

Biglang tumayo si Tata. "Tata po ang pangalan ko hindi Sub" sabat niya

"oh hey hey.... Andyan ka pala. Anyway sub paki linisan yung table dun at ayokong mabagal. Kilos dali!"

Napa irap ito sa hangin habang naglalakad papasok sa opisina ni Zeq.

"Ano ba talaga ang trabaho ko dito, dagdag kulubot ka sa mukha ko" bulong niya

"May sinasabi ka?"

"Ay peste ka!" bulalas niya ng biglang may nagsalita

"Ako peste?"

"Naku sir hindi.... Nagulat lang ako"paliwanag agad niya

"Baliw" bulong ni Zeq at tyaka napailing

"Pinaglihi siguro ito kay Pennywise sa sama ng ugali" bulong niya.

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now