Lalapit na sana ako sa kan'ya nang muli siyang magsalita. "Sinuway ko ang mga magulang ko para patunayan ang sarili ko, at kailangan kong gawin 'yon habang buhay dahil ayokong isipin nilang mali ang desisyong tinatahak ko. Kaya kahit hirap na hirap na ako, patuloy ko pa rin na pinaglalaban ang sarili ko..."

Nanlumo ako nang bigla siyang humikbi at unti-unting humagulgol ng iyak sa harap ko. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. "T-tala... p-pagod na ako..." she cried.

Mas lalo akong nakaramdam ng bigat sa dibdib dahil sa parehong kalagayan naming dalawa. Pagod na rin ako, pero hindi ko magawang sumuko dahil kay Mommy.

"Malapit ka na, Vera. Alam kong kaya mo 'yan," I said, caressing her hair.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito tungkol sa mga pinagdadaanan niya. Kaya hindi ko lubos akalain na sa bigat ng dinadala niya, gano'n na rin pala kabigat ang sakit na nararamdaman niya. Gusto ko siyang bitbitin, pero maging ang sarili kong problema hindi ko pa rin natatapos. Kaya kahit pagaanin na lang ang dinadala niya gagawin ko.

Humigpit ang yakap ni Vera. Umiiyak pa rin siya kaya mas hinigpitan ko ang yakap.

"Andito lang ako palagi, Vera. Tiwala ako sa lahat ng kaya mong gawin at sa lahat ng desisyon mo. You always make us proud. Alam mo ang ipinaglalaban mo kaya hindi ka magiging failure kahit na kailan. Doon pa lang sa pagsunod mo sa mga pangarap mo, nakaangat ka na agad sa amin. Tama ka nga, hindi tayo pareho, kasi ako..." I took a deep breathe, thinking. "Wala akong lakas ng loob para sundin ang mga gusto ko. I will never be like you, Vera." I sigh.

I will never be like her...

Bukod sa wala akong lakas ng loob katulad niya, hindi ko rin alam kung anong gusto ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ba talaga ang purpose ko sa mundong 'to. Siguro nabuhay lang ako para magkaroon ng standard ang kagandahan.

Well, si Tala kaya 'to.

Maghapon akong nagmukmok sa kwarto pagkauwi ni Vera. Pagkatapos ng mga nangyari nagmadali na rin kasi siyang umuwi dahil uuwi raw ang mga magulang niya. Biglaan iyon kaya gano'n na lamang siya nagmadaling umuwi.

Napatitig ako sa wall clock na nakasabit sa harapan ko. Alas kwutro na ng hapon, maya-maya ay uuwi na rin iyon si Daddy. Tahimik ang buong bahay kapag wala si Daddy, maliban sa akin, si Ate Greta lang ang kasama ko dito sa bahay --- na isang 'pipi'.

Simula nang umalis ang mag-ina, parang naging isang liblib na lugar ang bahay. Naging tahimik din si Daddy at madalas ay nagkukulong na lang sa kwarto niya. Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko ang mga nangyayari. He let go his happiness for me --- na isang sakit lang sa ulo.

Marahan akong napapikit, ngunit wala pang ilang minuto ay napabalikwas na ako sa pagkakahiga nang may sunod-sunod na katok akong narinig mula sa pinto. Siguro ay si Ate Greta iyon. Siya lang naman itong halos hindi humihinto sa pagkatok hangga't hindi sinasagot o kaya'y pinupuntahan.

Tumayo na lang din ako at agad na tinungo ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay agad rin akong napaurong kasabay ng pagbilis na naman ng puso ko. Anong ginagawa niya dito?

Tipid siyang ngumiti. "Hi," bati niya at saka humakbang palapit sa akin. Bahagya siyang yumuko at laking gulat ko na naman nang bigla niya akong halikan sa noo.

Ilang beses na niyang ginagawa ang bagay na 'yon, pero hanggang ngayon para pa rin akong kinukuryente sa hindi ko malamang dahilan. Para na naman akong nawawala.

Pinanood ko lang siyang unti-unting dumidistansya palayo sa akin. Bahagyang akong nag-angat ng tingin matapos huminto hindi kalayuan sa akin. Mataman siyang nakatitig sa akin, at ang kan'yang nakakalokong ngiti ay hindi 'man lang nagbabago.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now