baGAYto #5: "MORE THAN TWO METER'S RULE "

Magsimula sa umpisa

“Bumalik ka na agad dito! Tang-ina yung putang ina mong kaibigan may ginawang kabadtripan dito!”

“Ako nanaman may kasalanan?! Sige kampihan mo!”

“Tang-ina mo! makakasapak na talaga ako dito.”

“Bat ka pa sumama kay Mama?! Bumalik ka na dito!”

“Anung nakasakay?! Bumaba ka! Puta naman ehh.. di ko kaya makasama tong nakakadiring baklang ito dito sa kwarto..”

“20 minutes na wala ka pa dito! sisirain ko na talaga yang pinto.. Baka maisama ko pa yang walang kwenta’t bobo mong kaibigan.”

Kahit anong gawin kong pagtakip ng tainga at pilit di pagpansin sa masasamang musika na kanyang kinakanta. Di ko parin magawang di masaktan.

Saksak puso, tulo ang dugo ang aking nararamdaman ngayon. Tumutulo na ang aking mga luha ng di ko napapansin, panay agos yun kahit wala pang malulungkot na tinig ang lumalabas sa aking puso.. sa aking mga labing sugatan.

Tahimik ang pumapagitan sa napakalamig at napakadilim na kwarto. Hindi mo mariringig ang pag-galaw o senyas man lang ng pagkabagot sa aming dalawa. Para kameng naglalaro ng tagu-taguan, ako ang taya at siya ang hahanapin ko.

Pero di ko magawang mahanap ang puso niyang nagtatago, di niya rin gusto pumunta sa aking pwesto at tahakin ang aking puso sabay sabing. “Base”..

Hinihintay nalang namin na biglang lumiwanag at matapos ang dilim na ito. Ang dilim na ayaw kong mangyari sana.

Isang angle ng liwanag ang biglang lumutang sa sahig, diretso sa isang kanto ng kwarto. Etoo na.. Dito na magtatapos ang larong tagu-taguan sa pagitan naming dalawa.

Bumukas nga yung pinto, at di naman naglaon ay bumukas na rin yung ilaw. Tuluyan ng lumiwanag ang paligid. “Okay ka lang?”—Biglang paglapit sa akin ni Trixy na halatang galing sa pagmamadali.

“Bat may sugat ka?.. Bat may dugo?”. Biglang tayo ito at lumapit sa kinapepwestuhan ni Damien. “Anong ginawa mo sa kanya aaa?!”

“Ginawa? Bakeet?!”, Tila di maintindihan ni Damien ang tinutukoy ni Trixy. “Trixy.. ako ang may sariling kasalanan nito. Wala siyang kinalaman”

“Anu! naringing mo naman siguro ang sinabi niya?”, Painsulto nitong sagot kay Trixy. “Hindi ako naniniwala, alam kong may ginawa ka ka sa kanya!”

“Dapat nga ako mainis sa gagong yan eee! Papasok pasok siya dito sa kwarto bubuysitin ang araw ko!.. Kaya ikaw aaa!! (Sabay turo sa akin) Simula ngayon ayokong nakikitang nakatingin sa akin! At higit sa lahat ayokong lumalapit ka sa akin higit dalawang metro!”

“Maka-alis na nga.. tang-inang mga taong to dito!”

SABAY UKBIT NITO SA KANYANG T-SHIRT.

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!