Chapter 8: Jealous

1.4K 55 0
                                    


×SAM×

"Anak, malelate ka na sa school. Bilis ng kain." Sabi sakin ni Mommy. Patago akong umirap...

"And so, kung malate ako? Kung ikamamatay mo lang na maagap ako pumasok, lagi akong maaga." Sabay kuha ko na nung bag sa isang bakanteng upuan at lumabas na ako ng bahay.

Pagpaako makalabas, nilingon ko si Mommy. "Sabihin mo lang kung ayaw mo ko ng matagal dito.. Sasabihin ko din kung bakit ako nagpapalate." Sabay ngiting pangasar.

Nagsasawa na siguro syang makasama ako, dahil napilitan syang bawiin ako kay daddy.. dahil naaksidente si Dad. Bakit ba ayaw sakin ni mommy?

***

Paakyat na ako ng 3rd floor, pero pakiramdam ko may sumusunod.. Lingon ako ng lingon, ng di ko mapansin andito na pala ako sa 3rd floor? Sa may hallway? Uh-oh. Nakakatakot maglakad magisa.

"Hoy, sam."

Natigil ako sa paglalakad.. Naglingon lingon ako, hinanap yung boses. "Uhm..A-asan ka p-po?" Magalang kong itinanong.

"Right here."

N-nasa unahan ko na kaya sya?

Paglingon ko... Oo nga, sasaksakin na nya sana ako pero mabilis yung kamay ko, nahawakan ko yung kaliwang kamay nyang mayhawak na kutsilyo.

"Sobrang daldal mo! Dahil dun nalaman nila na kilala nya ako!" Sambit nya sakin.

"Pero a-ano ba.. Bakit kami nadadamay? Bakit mo sya pinapahi--"

"Chismosa! Ang daldal mo! Madaldal ka! Papatayin kita! Kinakausap mo sya! Papatayin kitang madaldal ka!" Sabay pinakita nya sakin ang isang red note.

'M-Madaldal'

Sabay saksak sa puso ko. "AAAAAHHHH!!!" Sunod ay hiwa sa leeg at pulso, tumatawa sya habang pababa na ng hallway.

Mirae, asan ka na ba? Hindi ko man sya kilala pero alam kong makikilala mo sya sa.. s-sasabihi--

"SAAAM!!!" Wala na akong malay.

×WARREN×

Back to school... 2 weeks kaming di muna pinapasok sa school, para alamin nung mga principals or mga nagiimbistiga yung mga nanyayari. And what's the result? Wala silang nakuha kahit footprints or fingerprints nung killer. Kainis.

Pag kaming mga estudyante ang nakaalam kung sino yung killer magyayabang ako sa harap ng mga police para ipamukha sa kanila that they're useless.

"Ingat."

"Shattap. You're so useless. Both of you are useless." sagot ko kay Mommy and Daddy. They're soo useless. Pareho ng trabaho, pareho namang walang naiitulong sa kapwa.

***

May nagtyagang substitute na turuan kami ngayon.. Awan ko ba, maganda na nga kung wala e, dahil marami kaming gustong alamin..

"Get your notebook, copy and answer." Sabay dikit ni Ma'am nung Manila paper na seatwork yata namin sa blackboard, sabay upo na sa teacher's table.

Nilingon ko si Mirae... Sobrang tahimik parin talaga nya. Simula nung nawala si Sam.. di man kami nagkikita pero tuwing tatawag ako sa bahay nila, sinasagot nya.

Hello ko pa lang binababa na kagad nya.. Natakot na kaya sya?

Medyp lumapit ako sa kanya ng konti at kinuwit sya. Umiwas sya, inurong ng konti yung upuan.

Just say, what you want to say, Warren.

"Mirae, please wag ka ng matakot. Nandito kami para tumulong.. Para makausap mo yung mga taong sabik na sabik mong kausapin. Don't be scared." Pilit kong abutin yung balikat nya pero umiiwas sya.

Hanggang sa nagpatakan ang mga luha nya sa mata, no facial expressions, nagsusulat parin sya.

"We need your help..." saka ako nagayos ng upo at nagsulat narin.

Nagaalala na ako sayo, Mirae.

Tapos na kaming lahat magsagot, nagcheck na at mataas ang nakuha kong score, after nun nagrecess na kami.

Dali dali kaming naglabasang lahat.. Pinakahuli si Mirae, nakaupo parin. Nung palabas na kami sa pinto. Hinawakan ko braso ni Pat, yung iba nagtingin sakin. "Bantayan natin si Mirae, baka may balak syang gawin."

Nagtanguhan sila at nagtago kami sa may hagdan.. Nakasalubong kami nina Wendell. "Oh, anong--"

"Sssh!" Sabay sabay naming sabi habang nilalagay sila sa likod namin. Kaya nakikisilip na rin sila..

Wala ng tao, pero di pa lumalabas si--Lumabas na pala. Nakatalikod sya samin. Umiiyak yata sya, halata sa kilos ng katawan habang nakatayo.

"Anong--" pinutol ko yung itatanong ni Matthew.

"Ssh!" Sabi ko with action.

"ANO BA?! BAKIT MO BA SILA PINAPATAY?! GALIT KA BA SAKIN?!BAKIT AYAW MO SILANG KAUSAPIN AKO?! ANG BABAW NAMAN YATA NUNG PROBLEMA MO PARA IDAMAY SILA, PARA MAGMUKHA KANG DEMONYO AT PUMATAY NG TAO!" nagkatinginan kami.

At binalik ang tingin kay Mirae, napapayuko na sya sa pagiyak, nakahawak yung kamay sa tuhod.

"Pwede namang harapin mo na lang ako! Kesa sa inuunti unti mo ako. NASASAKTAN AKO ALAM MO BA YUN?! Wag mo silang pahirapan! Nakakailan ka na! Tama na! NAHIHIRAPAN NA AKO! KUNG KILALA KITA SABIHIN MO PANGALAN MO NG MALAMAN KO KUNG KILALA BA TALAGA KITA!"

"Please... kung sino ka man, please.. Magpakita ka sakin.. sakin mismo.. mukhang ako ang problema mo.. wag mo akong pahiraoan please, wag din sila.. kung papahirapan mo namana ako.. please lang yung tayo lang ang damay.. WAG SILA! DAHIL DI KO ALAM ANG GAGAWIN KO SAYO PAG NAKILALA KITA! HINDI KO ALAM!"

Sabau labas nya ng kutsilyo, sinipa kaya lumayo sa kanya.

"Ayan na yung kutsilyo! Gamitin mo! Wag kang magalala sobrang tilos nyan! Please... tapusin mo na yung gusto mo ng tapusin.. wag naman sila.. mahahalaga sila sakin! Ano ba?!"

"Lapit na tayo" sabi ko kaya dali dali kaming hinawakan sa braso si Mirae, pilit syang ilayo dito sa hallway.

"Mirae, tama na.. Mirae.." awat ni Wendell.

Hinarap ni Mirae si Wendell, hinawakan sya sa braso, "Paubos na yung pagkakataong magkaroon ako ng maraming kaibigan.. nababawasan na e. Nahihirapan ako. Sobra!"

"Okay okay, baba na tayo. Pinagtitinginan ka na." Nilingon lingon ko yung mga tao sa stairs.. nanonood pala sila, tama si Wendell.

Bumaba na kami kaya ngayon sa ground floor na kami with Mirae. Pilit nyang lumayo pero hindi sya binibitawan ni Wendell. Naiinis na nga si Mirae pero ayaw parin ni Wendell.

"Pumayag kang umiwas ka sakin, baki--"

"Di ko kaya. Mahirap okay? Lalo na't nagiiba na ikaw." Nagtitigan lang sila.

Pero may sumingit, sa mismong gitna kaya nagkabitawan sila. "Okay tara na, recess na tayo." Sabay akbay kay Wendell, akbay pang tropa.

Nagkakaselosan ba dito? Pfft. Haha.

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon