II

165 17 3
                                    



















"Mga anak, sa monday na 'yong practice niyo para sa graduation. Gusto ko na behave kayo sa lunes ha? Huwag niyo na lang pansinin 'yong mga parinig nila. Dead-mahin niyo na lang sila, okay?"

"Yes, Ma'am!"

"Maliwanag ba, Alex at Terri?" Baling niya naman sa dalawang maikling ang pasensya. 

Natawa kami ng sumimangot ang dalawa. Sila kasi 'yong mga mabilis mainis o magalit. Sila rin 'yong minsang pumapatol kapag may nag paparinig sa amin. Muntik pa silang maparusahan kung hindi lang agad napigilan ni Ma'am Patrish at napaki usapan ang adviser ng kanilang nakapikunan.

"Yes, Ma'am." Labag sa kalooban na sagot ng dalawa.

"Okay, see you sa monday! Ingat kayo!"

Nag paalam na kami at isa isang lumapit kay Ma'am para mag pa-bless. Pababa na sana ako sa hagdan nang may tumawag sa pangalan ko at pag lingon ko ay nakita ko ang president ng class namin.

"Yes, Pres?"

Nahihiyang ngumiti ito sa akin at sa itsura pa lang niya ay alam ko ng may kailangan siya sa akin. Binigyan ko siya ng isang ngiti na nag sasabi na go ahead, tell me.

Bumuntong hininga siya. "Puwede ba akong humingi ng favor sa 'yo?"

"Sure, ano ba 'yon?"

"Puwede bang pumunta ka kay Ma'am Lyca at papirmahin ang clearance natin? Kailangan ko lang kasing umuwi ng maaga. May sakit 'yong isang kapatid ko. Promise, babawi ako—"

"Sure." Pag putol ko sa sasabihin pa niya.

"Really?" 'Di makapaniwalang tanong niya at natatawang tumango naman ako sabay lahad ng kamay ko.

Ibinigay niya sa akin ang mga clearance namin at saka nag paalam na. I know our president well. Hindi siya gumagawa ng dahilan para lang ipasa sa akin ang gawain niya. I know her because katapatan ko lang ang condo nilang mag kakapatid.

Lima silang mag kakapatid at parehas na nasa abroad ang kanilang mga magulang kaya mag isa niyang inaalagaan ang mga kapatid niya. Nag aaral na rin naman silang lahat kaya hindi na niya masyadong kailangan alagaan ang mga kapatid niya sa umaga. Medyo close ko rin ang mga magulang niya dahil sa tuwing nandito sila sa Pilipinas ay iniimbitahan nila ako sa kanilang condo upang kumain.

Truth is, gusto ng kanilang magulang na mag ka-maid sila o kaya baby sitter para hindi raw mahirapan si President sa pag aalaga ng kanilang mga kapatid pero ayaw ni Pres dahil baka raw dalawa ang mukha ng makuha nila. Hindi niya rin kayang ipag katiwala ang mga kapatid niya sa stranger o kahit sa kamag anak nila. Mahirap na raw at baka masilaw sa pera.

Ganun kalaki ang trust issue ni Pres sa ibang tao. Kaya nga kahit mag kapitbahay lang kami, e, hindi pa rin kami ganung ka-close. Minsan nga hindi niya magawang iwan mag isa ang kanyang mga kapatid kapag naroon ako.

Kung na o-offend ba ako sa tuwing ginagawa niya 'yon? No. I completely understand her. Kahit naman siguro ako, ganun ang gagawin ko.

Dumiretso na ako sa ground floor upang puntahan si Ma'am Lyca. Baka nasa faculty na 'yon. May evening class pa si Ma'am kaya talagang maaabutan ko pa siya.

Sa may exit stairs ako dumaan dahil mas malapit doon ang faculty.

Habang nag lalakad ako papuntang faculty. May nakita akong isang babae na nakasandal sa pader malapit sa banyo ng mga babae. Agad ko naman itong nilapitan at nang makalapit ako ay nakilala ko agad kung sino ito.

"Miss Sullivan?"

Nag angat ito ng tingin at doon ko lang nakumpirma na siya nga iyon kaya agad ko itong nilapitan upang maalalayan. Ngunit tila napaso naman ako nang maramdaman na sobrang init niya. Inaapoy siya ng lagnat! Nakaramdam naman ako ng sobrang pag kabahala kaya tumingin ako sa paligid upang mag hanap ng katulong at dalhin sa clinic si Miss Sullivan. Hindi pa naman siguro sarado ang clinic.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Love Finds You (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon