Dahan-dahan siyang naglakad at umupo sa tabi ko. Nilagay niya ang kamay sa maliit na sandalan ng inuupuan ko.

"Linggo bukas. It's your day-off. Do you have plans for tomorrow?" Kita ko ang paglapat ng mata niya sa leeg ko.

Tumango ako. "Mamimili siguro ako ng mga damit sa tiangge o sa mga ukay-ukay,"

Nagkayayaan kasi sila Mara na mag-ukay-ukay kami o mamili ng mga damit sa mga tianggehan. Medyo lumalaki na ang kita namin. Bukod kasi sa lingguhang sweldo na nakukuha ay marami din kaming tip mula sa customer.

Hinimas niya ang kanyang panga at seryosong tumingin sa akin. "Sinong kasama mo?"

"Si Mara. Si Jeff at Gerald pa yata sasama pero hindi ko lang sigurado,"

Nakatiim siya ng bagang at malalim na ang gitla sa noo. "Sama ako,"

Napaatras ang leeg ko bago natawa. "Ano namang gagawin mo doon?"

His other hand reached for my waist and slightly squeezed it. "Well..." he trailed off. "Mamimili din ng damit?"

Umikot ang mga mata ko. Tila gusto niya pa akong hilahin palapit sa kanya pero hindi niya magawa dahil sa hindi naman pwedeng ma-move ang stool.

"Seryoso? Ikaw? Sa tianggehan mamimili ng damit?"

Alam kong puro mamamahalin at branded ang mga damit nito. Sa mga malls o legit botique siya bumibili ng damit. Siguro nga ay may personal shopper pa.

"Bakit hindi? If other people can buy there, why can't I?"

"Wag na nga, Lucas. Hindi ka nararapat doon, sa mga mamahaling botika ka narararapat dahil iyon ang nakasanayan mo at ang nababagay sa iyo!" punto ko. "At isa pa, baka ano pang sabihin nila kung sasama ka sa amin,"

"You don't get to say what's suited with me. Ako ang pipili kung ano... o sinong babagay sa akin, Vittoria. Doesn't mean I came from the rich then my standard of living will be rich all the time, too. Minsan hindi iyan sa nakasanayan mo— sometimes it's about what makes you feel happy and alive." His eyes ripped the shell that's covering my soul.

Inangat ko ang tingin sa kanya. Mas lalo lang siyang lumapit. "Bakit?" bulong ko at bumagsak ang tingin sa labi nito. "Ano bang nagpapasaya at nagpapasabik sa iyo?" Binalik ko ang mata sa kanya at kita ko kung paano niya ako hubaran sa titig pa lang.

May iba pang dumaan sa mga mata niya. Hindi ko alam kung gulat... o mas malalim pa. He kissed my palm and looked at me seriously.

"Sasama ako bukas." Iniwasan niya ang tanong ko kaya hindi na ako nagpumilit.

Sumimangot ako. "At iyong mga kasama ko?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong sasabihin ko sa kanila? Boss ka namin tapos makiki-join ka sa ganap namin?"

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Tell them I'm your suitor,"

"Bakit, pinayagan na ba kita?" hamon ko.

"Oh, Vittoria. Kung hindi pa man, I'm gonna make sure you will, baby,"

My heart fluterred. "Tapos ma-chi-chismis tayo? Lalo na ako? Baka kuyugin ako ng mga babae mo,"

"Let them talk. I don't give a flying fuck about what they'll say. Pero maayos na din iyon, para malaman ng lahat na may namamagitan sa atin. That way, men will stay the fuck away from you. I awalys hated it when diners in the resto tries to get your phone number or flirt with you," may diin niyang saad. "As for the girls, which I have none, hindi ko hahayaang may manakit sa iyo, Vittoria."

Tanginang 'yan.

Lucas was just casting spell after spell on me. With his devilish smile, his hands wandering through my fingers and my waist, the words coming from his mouth, the sincerity and gentleness in his eyes— kahit bato siguro ay rurupok sa lalaking ito.

Sweet Vittoria Reignsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें