CHAPTER 10
Cat Villanueva
Nasa apartment na ako at abala sa paglalagay ng mga damit ko sa maleta. Tulad ng sabi ni Dok Peste ay parating na siya within thirty minutes upang sunduin ako.
Napaupo ako sa sofa at tiningnan ang buong apartment ko. Mga ilang taon rin akong namalagi rito. Naalala ko tuloy ang mga unang araw ko rito at ang paunti-unti kong pagbili ng nga gamit para rito. Tapos ang mga bonding namin ni Flynn kapag dumadalaw siya rito. Kaso hindi ko naman pwede dalhin ang nga gamit na naipundar ko tulad ng utos nong isa. Iba nga naman talaga kapag mayaman.
Wala naman akong magagawa kaysa makipag argumento ako para lang sa microwave oven, blender, kalan, sofa, single na kutson at mga beddings. Magmumukha lang akong lalong praning.
Oo nga pala, si Flynn. Hindi pa sumasagot sa messages ko kasi sinabi ko na sa kanya ang plano na palilipatin ako ni Dok Rat sa isang Condo unit. Pwede naman siguro siyang dumalaw roon, tutal hindi naman nalalayo sa HC ang location ng Condobuilding.
At isa pa, pinapaiwasan niya ako na magkikilos ng sobra dahil hindi nga madaling magdala ng kambal. Pero hoping ako na maayos kong madadala itong mga babies ko.
Isinara ko na ang maleta na pinaglagyan ko ng mga damit ko dahil puno na ito. Naglabas ako uli ng isa pang maleta at binuksan iyon saka muling naglagay ng mga damit ko. Iniisip ko na rin ngayon kung paano ako tatawag sa mga magulang ko upang sabihin itong kalagayan ko. Hindi naman siguro sila magagalit, baka mabigla lang. Kasi bukod sa nasa tamang edad na ako ay paso na ang edad ko sa kalendaryo. Kaso baka mag-insist sila na ipakasal kami.
Eh paano mangyayari 'yon?! Label nga wala kami.Colleague? Baka himatayin lang mga magulang ko kapag sinabi ko na naka one night stand ko lang si Dok Rat at wala kaming relasyon kahit magkaibigan. Ni hindi ko nga siya lubos na kilala bukod sa siya ang ama ng mga babies ko tapos isa sa pinangingilagang Doktor sa HC dahil saksakan ng pagka antipatiko.
Ano kaya ang ipaliliwanag ko? Maiintindihan kaya nila ang set-up namin na ito ni Dok Rat?
Naiiling-iling na lamang ako. Baka ma-stress ako sa sobrang pag-iisip nito kaya pinagpatuloy ko ang paglalagay ng nga damit ko sa maleta. Gayon na rin ang ilang sandals ko na kasya roon. Hindi naman pala gaano karami ang mga damit ko dahil hindi ko naman hilig mamili ng mga damit at sapatos.
Ako kasi ang tipo ng babae na hangga't hindi pa sira o luma ang isang damit, sapatos, at ibang materyal na bagay ay hindi pa ako bumibili ng bago. Sobrang maingat ako at matitibay at de-kalidad na ang binibili ko upang hindi kaagad masira o maluma.
Pagkasara ko ng maleta ay saktong may kumakatok sa pinto. Inisip ko na baka si Dok Rat iyon, lumapit ako at binuksan ang pinto.
"Dok Rat—" Napahinto ako dahil hindi pala siya ang iyon kundi si Flynn. "Oh..."
"Tama ba iyong nabasa ko na text mo Clyza?" bungad na tanong niya. Napaka seryoso ng awra niya.
Pinapasok ko muna siya, kaagad niyang nakita ang mga maleta.
"Oo Flynn, wala naman akong choice," paliwanag ko. Umupo siya at gano'n na rin ako.
"Clyza kasi, nag-aalala ako. Hindi mo naman lubusang kilala 'yang taong sasamahan mo."
Basta talaga sa safety ko super protective siya. Palibhasa sa gano'n kami nag-umpisa. Alam niya kasi na tatanga-tanga ako. Pero sa ilang taon ko rito sa Manila. Natuto na ako, at alam ko na ang mga ginagawa ko.
Talaga self? Alam mo na ginagawa mo? Eh, nabuntis ka nga ni Dok Rat.
Hays, oo na. Medyo tanga pa pero slight na lang.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...