35 "Special day with him: PART 1"

47.5K 667 24
                                                  

35

"Special day with him: PART 1"

Kinabukasan inihatid na ko ni papa sa school. Hindi na namin nagawang makapag-usap the other night. Mukhang pagod din kasi sya sa work.

"Papa, I have nothing against tita Leticia. And kung sya yung magpapasaya sa'yo, hindi naman ako tututol."

Seriously, ang hirap pa din palang sabihin. Pero alam ko magpapagaan naman yung sa pakiramdam ni papa. Pero sobrang bigat sa dibdib dahil gusto ko ako lang ang babae sa buhay ni papa. Pero alam kong mas mahihirapan sya kung hindi ako boto sa relationship nila.

"Salamat anak. Hindi mo lang kung gano kalaking tinik yung nawala sa dibdib ko." Napalaki ng smile ni papa habang nagda-drive.

"Nga pala papa wag mo na kong sunduin mamaya. May maghahatid na sa'kin." Dapat hindi talaga ako kumontra kay papa ngayon dahil baka hindi ako makasama kay Cliff mamaya.

Napatawa si papa. "Kaya pala pumayag ang anak ko, gusto din syang mapayagang makipagdate." At tawa ng tawa si papa. Parang sira lang.

"Of course not! Papa naman, seryoso naman ako sa sinabi ko sa'yo kanina!" Tingin ko naman seryoso talaga ako, kahit alam kong magiging mahirap.

"Okay lang yan anak. Malaki ka na. Sana lang huwag agad mag-asawa huh. Alam mo naman kami ng mommy mo, napaaga. Kaya ayun, napaaga din syang kinuha ni Lord." Biglang nawala yung pagiging makulit ni papa. Natahimik sya. Masaya pa din ako na kahit paano naalala pa din ni papa si mommy, yung lang sapat na.

"Dito na ko bababa papa. Malapit na naman, lalakarin ko na lang." Very enthusiastic yung pagkakasabi ko para naman mawala yung kaemohan ni papa.

Tinanggal ko yung seatbelt at bumaba ako ng car. Medyo nagtrapik kasi kaya tatakbuhin ko na lang.

"Bye papa." Sabi ko sa kanya.

Nanakbo na ako papasok at nakarating naman ako sa school ng buhay. Si Katy agad yung bumungad sa'kin. Syempre beso-beso at super hug kami kasi namiss namin ang isa't-isa.

"Hoy bes, may utang ka sa'king sobrang daming kwento." Parang hindi kami mabubuhay ni Katy kung hindi kami nakakapagkwentuhan about everything.

"May klase pa kasi ako bes!" Syempre classmate ko si Cliff dun kaya gusto kong umatend ng class na yun at ayokong ma-late kasi for sure special mention na naman ako kapag nagkataon.

"Absent ka na din naman kahapon so diretsuhin mo na. Sige na, for the sake of our friendship, umabsent ka!" Tapos tumawa sya ng tumawa.

Then tumunog yung cellphone ko. May nagtext.

From: Cliff

Sir Von is here, where are you?

Nagpanic ako bigla. Kakasabi ko lang na ayokong maspecial mention naku mukhang impossible na dahil nauna na si sir sa room. "I'm so sorry best I have to go. Nagtext na si Cliff, nandun na daw si sir." Nagbeso-beso na ako sa kanya at nanakbo para hindi na nya ako mapigilan.

"Sige, dun ka na sa Cliff mo!!!!!!! Tatandaan ko tong araw na 'to Torrence!!!" Sumisigaw sya habang nananakbo ako. Kulit lang. Pero alam kong nagjojoke lang naman sya.

Pagdating ko sa room nagkukwentuhan lang naman silang lahat. Hinanap ko si Cliff sa loob pero wala sya dun at wala din si Sir Von.

Lumapit ako sa isa naming classmate. "Nasaan na si sir?"

"Next week na daw nya tayo imi-meet. May seminar daw kasi syang pupuntahan eh 3 days daw yun."Sagot ng classmate na napagtanungan ko.

"Ah. Thanks."

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon