Chapter 26

46.2K 645 4

CHAPTER 26

KARREN

Lintik na favor na 'yan! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Ano namang pakialam ko sa lalaking 'yun kung may girlfriend siyang gustong yayaing pakasalan!

Kaya pala gusto niya muna akong pakainin at busugin bago sabihin ang favor niya sakin kasi syempre para maganda nga naman ang mood ko. Hmmp, ewan ko sa kanya! Gusto lang naman niyang tulungan ko siyang mag- prepare para sa wedding proposal niya sa babaeng muling magbabalik daw galing Los Angeles. Eh ano nga bang problema dun, nagseselos ba ako? Eww.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ba ako naiinis? Ewan ko! Ewan ko talaga!

"Ano sa tingin mo?" Tanong ni Steve sakin.

Naghahanap kasi kami sa internet ng magandang lugar para sa pagpo- propose nga niya.

"Ha, eh, okay naman, puwede na diyan." Sabi ko.

Lutang kasi ang utak ko dahil sa pagiisip sa nararamdaman ko ngayon.

"Tss, saan talaga ang maganda para sayo?" Tanong niya.

"Bakit ba hindi 'yung babaeng yayayain mo ng kasal ang tanungin mo?" Bigla kong nasabi.

"Baka magtaka 'yun." Sabi niya.

Sabagay. Pero teka lang naman, kapag puro ako ang magsu- suggest eh di 'yung pinapangarap ko na, 'yun nga lang, matutupad sa ibang babae. Hmmp, sige na nga bahala na!

"Okay, para sakin, kung ako 'yung babae, dapat romantic 'yung place pero hindi ko mahahalatang may balak kang mag- propose ha. Ganun." Sabi ko at nakikinig naman siya.

"Okay thanks. Pero hindi pa tayo tapos ha, tulungan mo pa ako sa mga dapat kong gawin." Sabi niya ng nakangiti.

Hindi ba siya marunong mag- isip? Kailangan ko pa talagang makisawsaw, tss.

Hay grabe, mabuti na lang at hindi ko inisip na may gusto siya sakin dahil kung hindi, mapapahiya lang pala ako sa sarili ko kasi ang totoo may ibang babae pala talaga siyang gusto. Hay naku Karren iwasan mo ng masaktan ulit!

Maya- maya'y tumunog ang cellphone ni Steve.

"Hello? What? Sige po pupunta po ako." Sabi niya sa kabilang linya.

Tumingin siya sakin pagkababa niya ng cellphone niya.

"Nagtangka daw magpakamatay si Crystal." Sabi niya.

Nagulat ako sa nalaman ko. Kahit ano'ng sama ng loob ko sa kanya parang nakaramdam pa rin ako ng pag- aalala.

"Sinong tumawag sayo?" Tanong ko.

"Ang tita ko, 'yung kaibigan ng parents ni Crystal. Mauna na muna ako Karren." Sabi niya.

"Puwede bang sumama?." Sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit 'yun agad ang nasabi ko at alam kong napatingin si Steve sakin at ngumiti atsaka ako niyaya paalis ng bahay namin.

Pagdating namin doon ay agad kong nakita ang parents ni Crystal.

"Kamusta po si Crystal?" Tanong ni Steve.

"She's okay now. Salamat sa Diyos at dininig niya ang aming panalangin." Sabi ng mommy ni Crystal.

"Karren," sabi sakin ng mommy ni Crystal.

Alam kong marami siyang gustong itanong. Siguro naman kaya ko pang ikuwento kahit ayaw ko ng maalala pa.

"Steve, we're really sorry about what happened between you and my daughter. Umasa kaming magkakamabutihan kayong dalawa pero hindi pala talaga puwede. Wala kaming kamalay malay na may itinatago pala siya samin." Malungkot na sabi ng mommy ni Crystal.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!