Chapter 14

843 82 24
                                    

Gaya nang plano namin ay kumain muna kami ng dinner. Siya na ang nagpresintang mag bayad pero hindi ako pumayag. Nag 50/50 kaming dalawa dahil gaya nang sabi ko ayaw kong siya lahat ang sumagot. Dalawa kami dapat dito. Si Oscar lang dapat ang exempted dahil siya ang bunso at isa pa kakahithit lang sakaniya nung mga kapatid niyang mga mukhang pera kaya wala siyang kapera pera ngayon. Naaawa talaga ako sakaniya kapag naiisip ko ang pang aabuso nila. Nakaka inis e.


"Sindihan mo na."

Inabot ni Alexus ang lighter kay Oscar at pinaliyab ang mga kahoy sa harapan namin. Gaya nang napag usapan ay nandirito kami sa buhanginan. Nag bonfire kami habang umiinom.

"Huwag ka masyado uminom, Os. Baka malasing ka." Bawal ko sakaniya.

"Okay lang 'yan." Pagsasalungat naman ni Alexus sakaniya.

"Anong okay? Baka mamaya matumba siya rito."

"Edi bubuhatin ko. Ang dali dali lang e."

"Sulsol ka no?" Inis na sabi ko pero nginitian niya lamang ako.

Bumili rin siya ng barbque kanina sa restaurant na siyang tinake out namin. May mga chips din dito na nagsisilbing pulutan naming tatlo.

"Minsan ayain din natin sila Lolo at Lola na magbeach. Kapag okay na ang mga tuhod ni Lola Esther. Kahit doon lang tayo sa malapit sa'tin."

"Oo nga. Gusto ko rin sila maka bonding." Sagot ni Oscar kay Alexus.

"Sige. Kakausapin ko si Lola Esther. Puntahan ko siya bukas pagka uwi at hihilutin ko siya kapag masakit pa rin ang mga tuhod niya." Nakangiti na sagot ko.

"Wala yata sila Kuya Harry? Hindi ko pa sila ulit nakikita?"

"Huwag mo nang hanapin baka mamaya biglang sumulpot e."

"Ang sama mo." Puna ko sakaniya habang natatawa. Hindi ko alam kung anong meron kay Harry at naiinis siya. Attitude din 'to e.

"Mas gwapo ka naman don, Kuya. Huwag kang mag alalala." Pang uuto ni Oscar na mabilis ko namang sinang ayunan.

"Oo nga."

"Nagagwapuhan ka pala sa'kin? Akala ko hindi." Nakangiti na sabi nito.

"Pwede na." Pang aasar ko at hindi ko maiwasang matawa nang mawala ang ngiti sa labi nito. "Joke lang. Gwapo mo nga e. Kaya iyo ako e."

Bigla siyang tumingin sa kabilang banda at pansin ko ang pagpipigil ng ngiti niya. Tinignan ko si Oscar para pagmasdan siya at nakangiwi lamang ito habang pinapanood kami.

"Akala ko ba magkaka kapatid tayo rito?" Tanong niya sa amin saka naman biglang sumeryoso ang mukha ni Alexus.

"Oo nga. Magkapatid tayo tapos kapatid mo rin si Ste." Sagot ni Alexus.

"E si Ate Ste, kapatid mo rin?"

"Syempre." Mabilis na sagot niya at napakunot ang noo ko. Kadiri! May mag kapatid bang nagki-kiss?!

"Syempre hindi." Pagpapatuloy niya saka niya ako inakbayan. "Asawa ko 'to e."

A-asawa? Anong asawa?!

"Ayiieee!" Biglang tili ni Oscar at para siyang sira ulo na nangingisay sa harapan namin.

"Di ba?" Tanong ni Alexus at pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisngi ko dahil don.

"E-ewan ko sa'yo!" Kinakabahan na sabi ko atsaka ako napainom ng alak nang wala sa oras. Bwisit.

"Asawa na pala agad. Ang bilis niyo rin. Speed lang mga Ate at Kuya no?"

The Man Next To My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon