"What are you doing?" Tumabi siya sa'kin.

"Taking a step to our dream."

Nagpunta ako sa sign up page. Inilapit ko sa kanya ang laptop.

"I'll sign up?" he asks but his hands our hovering on top of the keyboard already.

Tumango ako. "That's the website I told you before. Pwede kang magpost ng mga drawing mo riyan."

"But I haven't drawn anything yet."

I can see the lack of confidence in his eyes — like he's afraid that this won't work. It won't work if we won't try.

"It's fine." Hinawakan ko ang kanyang kamay na bahagyang nangingnig. "Hindi mo kailangang magmadali. This is just the first step. Make an account. Saka mo na isipin kung gusto mong magdrawing para i-post diyan."

He nod his head while biting his lower lip. Pinanood ko siya habang naglalagay ng ilang information. Nang maglalagay na ng username ay bigla siyang napatigil.

Tumingin siya sa'kin. Napatawa ako sa kanyang hitsura. Para siyang bata na hindi alam ang gagawin.

"Put monsterplanet."

He laugh. "That's lame."

I roll my eyes. "Just put a username that represents yourself or anything that can be related to things or people you love. It could be your favorite food or favorite character in a movie."

Matagal siyang tumitig sa screen ng laptop. I love how he's thinking of this seriously.

Mayamaya'y itinalikod niya mula sa'kin ang laptop.

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo itinatago?"

He smirks but doesn't answer. Nagsimula siyang magtipa sa keyboard. He presses enter loudly and lean back on his chair with a satisfied look on his face.

"Ano'ng nilagay mo?"

Isinarado niya ang laptop. "You'll find out when I become famous."

Tumayo siya habang hawak ang kanyang laptop. Tumingin siya sa kanyang wristwatch. "We still have an hour. What do you want to do?"

"Sabihin mo muna sa'kin kung ano ang username mo!" Tumayo na rin ako.

Umiling siya. "Malalaman mo rin sa tamang panahon."

Tiningnan ko siya nang masama pero hindi siya nagpatinag. "Ang daya!" Napapadyak ako sa sahig.

"Wow, that's really mature of you." aniya habang pinapanood akong magpapadyak sa sahig.

"Madaya ka kasi!"

Lumakad na siya palabas ng balcony habang dala ang laptop niya. "You'll have to wait." Ngumisi siya. "I'll be back. Ilalagay ko lang ito sa kwarto."

Pabagsak akong umupo sa upuan. Ano naman kaya ang username ng tukmol na 'yon at ayaw ipaalam sa'kin?

"Chloe, where's Saturn?"

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon