Monster ♂ Chapter 30

Chloe's POV

"YOU FLIRT!" sigaw niya sa akin at bigla na lamang niya akong sinugod.

Wala na akong nagawa para protektahan pa ang sarili ko. Malakas na dumapo ang kanan niyang palad sa aking pisngi. Sobrang lakas ng sampal niya na para bang nayanig ang mundo ko. Nalasahan ko din ang dugo sa aking bibig dahil nakagat ko ang aking dila nang sampalin niya ako.

Muli siyang sumugod para saktan ako pero nagawa na siyang pigilan ni Saturn.

“DAMN YOU! MANG-AAGAW KA!”

Nagwawala na siya na para bang isang leon na nakawala sa kanyang kulungan. Hindi ako natatakot sa kanya pero hindi ako bababa sa level niya. Hindi ko siya papatulan dahil naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya ngayon. It’s like Saturn cheated on her pero kung iisipin, tama lamang sa kanya ang nangyayari ngayon dahil ginawa niya din ito kay Saturn noon.

“TAMA NA, KATH!” Natigilan siya sa pagsigaw ni Saturn. Nakita kong galit na siya. Wala na talagang mas titindi sa galit ni Saturn. Nakakatakot siya. “Hindi mo ba maintindihan na tapos na tayo? Tigilan mo na ako!”

Her lips trembled and her tears welled in her eyes. “I-I can’t believe you’re doing this to me for that f_cking whore!”

“She’s not like that!” pagdepensa niya. “Wala kang karapatang magsabi sa kanya ng ganyan dahil hindi mo siya kilala!” 

Tumawa siya nang may kasamang pang-uuyam. “Yeah, right! Hindi ko nga siya kilala pero sa pang-aagaw na ginawa niya, mukhang kilala ko na talaga siya!”

“Ikaw ang hindi ko na kilala, Kath. You’ve changed. Simula noong iwan mo ako noon, nawala na ang kung anong meron sa atin. Siguro nga noong una nakuha mo ako pero narealize kong hindi ikaw ang gusto ko. I’m sorry but we’re over. Hindi mo na maibabalik ang dati at ayaw ko nang balikan pa iyon. Alin ba doon ang hindi mo maintindihan? Ayaw na kitang masaktan kaya itigil na natin ito.”

Tinalikuran kami ni Kath pero base sa pagtaas-baba ng balikat niya ay umiiyak na siya. Nakaramdam ako ng awa tungo sa kanya. Agad ko siyang nilapitan kahit na nanatili pa rin siyang nakatalikod.

“K-Kath.” my voice shook because of nervousness. “I’m sorry. Alam kong hindi mo ‘to matatanggap pero sana kapag okay ka na, ready akong makipag-usap.” Hindi siya sumagot sa akin at walang imik siyang lumabas.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ayoko namang mangyari ito sa kanya pero hindi ko na rin kaya pang pigilan ang nararamdaman ko para kay Saturn. Pareho lang kaming biktima ng pagmamahal pero ang pinagkaiba lang ay sa akin pumabor ang tadhana. Sana makahanap siya ng taong para sa kanya.

Niyakap ako ni Saturn mula sa likod at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

“Monster, anong gagawin natin?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Hinalikan niya ako sa aking pisngi. “Wala tayong gagawin. Hayaan na muna natin siya para makapag-move on at makapag-isip. Kath is a strong woman. I know she can handle this too well.” panigurado niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi pa rin ako makapaniwala na nayayakap ko siya ng ganito. Akala ko, nung mga panahong nagkabalikan sila ni Kath, hanggang pangarap na lang ‘to.

“May pasok pa nga pala tayo.” bulong ko sa kanya. Nawala na iyon sa isip ko. Lunes nga pala ngayon kaya may pasok na. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya pero magkalapit pa rin kami sa isa’t-isa. 

“I almost forgot about it.” he said sheepishly. “You should prepare yourself and after that, I’ll take you home.”

♂♥♀♥♂

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!