Chapter 9

764 77 41
                                    

Lampas isang oras na akong naghihintay sa pagbabalik ni Alexus. Hindi na ako mapakali rito sa sala habang iniisip kung ano na bang nangyari sakaniya. Kung bakit ang tagal naman niyang makabalik. Anong ginawa niya para abutin nang ganon katagal?

Pumasok ako ng kusina at gumawa ng kape. Nang matapos ako ay lumabas ako ulit at umupo sa may sofa. Hindi ko na maikalma ang sarili ko dahil sa pag aalala. Nakarinig ako ng tunog ng motor sa labas at mabilis akong tumayo. Sumilip ako sa may bintana at natanaw ko siya na nasa may gate. Mabilis akong lumabas at pinagbuksan ng gate. Pinasok naman niya ang motor niya sa garahe at inilock ko naman ang gate.

Hinintay niya ako matapos at tumakbo ako papalapit sakaniya na naghihintay sa akin sa may pinto. Nginitian niya lamang ako at hinila ang kamay ko papasok. Sinara at inilock niya naman ang pinto saka kami umupo sa may sofa.


"Anong nangyari? Bakit ang tagal mo? Anong ginawa mo sakanila? Sinaktan ka ba nila? Nag usap ba kayo? Nadaan mo ba sa pakiusapan? Ano?" Mabilis at sunod sunod na tanong ko sakaniya. Nginitian niya naman ako atsaka nito hinawakan ang kamay ko.

"Okay na. Huwag ka nang mag alala. Hindi ka na guguluhin ng mga 'yon."

"Ha? P-paano? Ano bang ginawa mo?"

"Magic."

"Magic?" Naguguluhan na tanong ko.

"'Yon ang tawag ng pamangkin ko ron."

Napakunot naman ang noo ko dahil wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Anong magic ba 'yon? Tsaka pamangkin? So may mga kamag anak pa pala siya?

"Ipaliwanag mo sa akin. Hindi kita maintindihan."

Bigla niyang itinaas ang mga kamay niya habang humihikab. Yinakap niya ako at napasigaw ako nang bigla niya akong ihiga sa may sofa. Humiga rin siya habang yakap yakap niya ako mula sa likuran. Nakatalikod ako sakaniya at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa dibdib ko dahil sa pwesto namin ngayon.

"Alexus." Tawag ko sakaniya.

"Hmm."

Sunod ko naramdaman ang hininga niya sa may batok ko. Napalunok ako dahil sa tensyon. Hindi ba't nag uusap pa kami? Bakit kami nauwi sa ganitong pwesto?

"T-tinatanong kita e."

"Tsk. Ayos na nga e. Huwag ka nang maraming tanong. Basta habang kasama mo ako hinding hindi ka makukuha ng pamilya mo hangga't ayaw mo." Bulong niya pero rinig ko naman dahil nasa likuran ko lang naman siya.

"U-umakyat na kaya tayo sa taas?" Aya ko sakaniya.

"Ayaw mo ba 'kong katabi?"

Bigla niya akong pinaharap sakaniya at halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat. Pinigilan ko ang hininga ko atsaka siya ngumiti sa akin.

"Breathe Estephan." 

Umalis siya sa pagkakahiga niya sa tabi ko atsaka siya tumayo. Umupo naman ako at huminga nang malalim dahil pakiramdam ko'y mauubusan na ako ng hininga.

"Punta na ako sa taas. Good night." Paalam niya. Aalis na sana siya nang pigilan ko siya at hinawakan ang kamay nito.

"H-hindi ko alam kung anong ginawa mo sakanila pero salamat."

"No prob."

Binitawan ko ang kamay niya at tumingin ako sa kabilang banda.

"H-huwag mo nalang din ipagsasabi sa iba kung ano mang nalaman mo tungkol sa akin."

"Aside from your name, wala pa naman akong nalalaman na ibang impormasyon tungkol sa'yo. Hindi ko pa rin alam kung bakit tinatakbuhan mo ang pamilya mo."

The Man Next To My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon