CHAPTER 2: Confessions left unsaid

1.9K 26 4
                                    

TRAINING

Cienne's POV

serve. receive. set. block. repeat.

That's how our training goes. Paminsan-minsan, pagsasabihan kami ni Coach Ramil and Coach Noel ng words of wisdom para ma-motivate pa kaming lalo and i tell you, it never fails.

>>>>>>>>INSERT SOUND OF WHISTLE HERE<<<<<<<<

"Okay, girls. That's all for today. Rest and take a shower. Training resumes tomorrow." Bilin sa amin ni coach. Umalis na sila ng coaching staff at nagpahinga naman kami.

Napaupo na lang ako thinking about what i heard earlier sa conversation ni ate Aby and Ara. I know it's wrong to eavesdrop pero, nakababa na ako nung narinig ko yun eh. Sorry na agad.

Ano ba ibig sabihin ni Ara sa hindi muna niya ipagpipilitan? ang alin ang nararamdaman niya para saken? hindi po ako assuming ah pero yung narinig ko mula sa bibig ni ate aby "Mahal mo pa ba si Cienne" so malamang ako yung tinutukoy dun ni Ara alangan naman. Hinanap naman siya ng mga mata ko.

HANAP. HANAP. HANAP. HANAP. HANAP.

"nasa shower room"

"ang alin?"

"hindi 'alin'. 'sino'"

"ano bang pinagsasabi mo jan, cams? nahihibang ka na ata" leche talaga kapag may kambal no? wala kang kawala sa thoughts mo kapag magkasama kayo. Pero mahal ko kambal ko. walang halong biro just ew. lol

"okay fine. kunwari di mo siya hinahanap" sabay iling neto. "kahit obvious na" dugtong niya.

Di ko na napigilan sarili ko at naibato ko siya ng bimpo. Pasalamat siya bimpo lang yon.

"pero, eto kambal ah, walang halong biro, sayang kayo." sige diin mo pa.

"cams wala akong balak pag-usapan yan" sabi ko sa kanya habang inaayos ko yung gamit ko pang-shower.

"dapat lang kasi hindi naman talaga ako ang dapat mong kausap tungkol jan eh" tiningnan ko siya. "kasi yun dapat oh" ngumuso siya sa may shower room. Si ara. Nag-uusap sila ni mika, ang saya pa nga nila eh. Bigla naman siyang napatingin sa akin at ngumiti. Kailan kaya kami makakapag-usap ng maayos? Bahala na nga.

---------

Pagkadating na pagkadating namin sa dorm, umakyat agad ako sa kwarto ko sa sobrang pagod. Hapon pa lang naman eh kaya tinry kong umidlip kahit sandali lang kaso fail. Ginawa ko na lang assignments ko. Kahit sobrang nakaka-stress na yung mga homeworks ko, hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Ara kanina. Teka, move on na cienne, di ka na mahal nun.

knock...knock

"cienne...."

"uhm pasok" sabi ko without even looking away from my stuff. Hindi ko na inalam kung sino yung pumasok basta matapos ko lang to at makalimutan ko lang yung mga narinig ko.

"wow busy"

"uhm yeah. sorry di kita mae-entertain, kailangan kong tapusin to eh"

"no, it's fine. nag-iwan lang ako ng food. Dito ko na lang muna sa may table ni carol ah. Gumawa ng meryenda si ate wensh eh"

"sige thanks" i said again without looking up. Kilala ko na kung sino yun. Ayokong tingnan siya. Ayokong bumalik lahat ng sakit. Ayoko. Busy pa ako masyado.

"uh, cienne...."

"hmm?" lumapit na siya at nag-sidehug saken. This is one of the things I love about Ara. She will make the effort para gumaan ule loob mo sa kanya.

"bakit ayaw mo ba akong harapin? Galit na galit ka ba saken?" tanong niya.

"Ara" i chuckled, removing her hands encircling my waist. "Hindi ako galit" nasasaktan lang ako sa nanyari sa atin. Yun lang naman no big deal.

Nginitian ko siya.

"bakit parang iniiwasan mo ako?" naka-pout niyang tanong. Pinisil ko na lang yung ilong niya.

"ang cute mo ara" pero mas cute tayo, i thought. 

Hinawakan niya yung kamay kong nasa ilong niya at nagkatinginan kami. Hinawakan niya pisngi ko and then smiled. Naluluha ako. I can already feel tears starting to pool in my eyes. No.

"sige ara thanks sa food" umalis ka na please. maiiyak na ako. Inalis ko na yung kamay niya sa pisngi ko and went back with my assignments.

"uhm..okay" sagot niya at lumabas na nga ng kwarto.

Tinigil ko muna yung paggawa sa assignments ko then took a glance sa pinto checking if she's still here. No sign.

I let out a sob until it was already a cry.

You could have stayed, Ara. You could have forced yourself to stay. Edi sana nandito ka pa. Edi sana tayo pa.

---------

Ara's POV

Nag-stay muna ako sa tapat ng pintuan niya, waiting for her to call me, pero all i got was a cry. I'm sorry, Cienne. I really am. Sana ganon na lang yon kadali. Sana.

"I love you, Cienne. I always did." bulong ka sa pintuan. Dumblessly hoping na marinig niya at malaman niya for the last time.

-----

"braces.."

napatingin ako para makita kung sino nanaman yung nang-aasar.

"masyadong malalim. di ko kaya"

mika.

"edi wag mong kayanin" napa-iling na lang ako pero natatawa.

"harsh" nag-pout naman siya.

"ang panget mo ye! itigil mo nga yan!" pagbibiro ko sabay hagis sa kanya ng unan.

"ang sakit mo naman magsalita, close ba tayo?" pagtataray neto.

"sus porket puro king manliligaw naten ano po?" panunukso ko. "kunwari ang haba ng hair no?"

"braces tigilan mo ako" sabi niya na may halong gigil

"hay nako kapre" umiling na lang ako. Napaka-bipolar talaga netong babaeng to. Buti na lang kababata ko to eh kundi baka jusko po di ko alam basta ewan sakit sa ulo isipin. di naman nakaka-unlad ng bansa.

Tumayo ako para kumuha ng maiinom sa kitchen only to bring myself back down on the couch.

ANG SAKIT.

"Ara, okay ka lang?" mahinahon niyang tanong pero bakas na bakas ang pag-aalala. Buti na lang kaming dalawa na lang andito. Pagoda yung mga yon eh.

"Oo. Nakakaloka naman oh" kung kailan kasi ako dapat kikilos saka ako magkaka-ganito, pero pag wala akong ginagawa, okay lang naman ako. Ang gulo mo, cells!

"May kukunin ka ba dapat?" tanong niya.

"water please" hingi ko.

Agad naman siyang kumuha ng tubig at ibinigay eto sa akin.

"thanks"

"okay ka na ba?" tumango ako

"dito ka muna baka kung anong mangyari sayo eh"

--

Napansin ko na medyo inaantok na tong kapreng to.

"miks"

"oh?" nilingon niya ako "bakit?"

"sige na matulog ka na. kaya ko na" pagtatapat ko

"sure ka?"

"oo tsaka pababa na rin naman yon si Carol eh, may papanoorin pa yon"

"oh sige. Mauuna na ako, ars. Goodnight"

"Goodnight, thanks" pahabol ko.

Since walang magandang movie na pwedeng panoorin, kinuha ko na lang ng yung gitara na pinahiram saken at tumugtog.

LIFESAVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon